Kanina, habang hinahanap ni Lester si Gina, nakita niya si Aaron at pinagtanungan ito tungkol kay Gina.
Lester: Kuya, nakita mo ba 'yong kakambal ko? Kamukha ko s'ya pero babae.
Aaron: Nakausap ko s'ya kanina. Ang sabi n'ya, hahanapin ka raw n'ya.
Lester: Gano'n ba, kuya? May iba pa ba s'yang sinabi sa 'yo?
Aaron: Wala naman. Baka nagkasalisihan lang kayo.
Lester: Sige, kuya, salamat sa 'yo.
Umalis na si Lester upang magpatuloy na hanapin ang kakambal.
Samantala, sa malaking bahay...
Rose: Good afternoon po, Ma'am. Sir.
Liam: Ate, pakihanda na 'yong mga gamit ng Ma'am mo.
Rose: Para saan po?
Mialyn: Li, ano ka ba? Hindi natin kailangang umalis. Ate Rose, h'wag mong gawin 'yong sinabi n'ya. Liam, makinig ka sa 'kin.
Liam: Pinalayas na nga ako, 'di ba? Kung ayaw ako ng mga anak mo, hindi ko ipipilit ang sarili ko rito.
Mialyn: Li, sigurado ako na bugso lang 'yon ng galit nila. Binili ni Lester 'to para sa 'yo, gusto n'yang narito ka.
Liam: Talaga? Ikaw nga, nagsinungaling ka rin sa 'kin. Hindi pala tunay na lalaki at babae 'yang mga anak mo.
Mialyn: Hindi nila ginusto 'yon, Liam, alam mo 'yan.
Liam: Wala akong pakialam sa kanila. Sumama ka sa 'kin o samahan mo 'yong mga demonyo mong anak.
Mialyn: Sige!
Biglang tumakbo si Rose sa kinaroroonan nina Mialyn at Liam.
Rose: Ma'am, bitawan n'yo po 'yan. Baka mabubog po kayo.
Mialyn: Salamat sa pag-aalala mo, ate pero ihanda mo na 'yong mga gamit ng lalaking 'to kasi palalayasin ko na s'ya o tutusukin ko s'ya gamit ng bubog na hawak ko ngayon!
Liam: Mi, bitawan mo na 'yan, please.
Lalapit sana si Liam nang...
Mialyn: H'wag mo 'kong lalapitan! Lumayas ka kung gusto mo pero h'wag na h'wag mong masasabi na hindi ka pinagtiisan ng mga anak natin.
Binitawan na ni Mialyn ang hawak na bubog at umakyat papunta ng rooftop.
Liam: Ate, 'yong mga gamit ko.
Lumapit si Rose kay Liam at inabot ang maleta nito.
Rose: Sigurado ka po ba, sir? Hindi n'yo po ba kauusapin ang asawa n'yo?
Liam: Sa susunod na lang siguro. Ayaw kong maabutan ako ng mga walang k'wentang mga anak n'ya.
Kinuha na niya ang maleta at lumabas ng malaking bahay. Umakyat naman si Rose para puntahan si Mialyn.
Samantala, sa pageant...
Alex: It's about time to tell you all the winners for this pageant.
In-award na ang lahat ng ibang mga award na hindi runner up at grand winner.
Michael: (Ace: Kapag nanalo ka, pagbibigyan kita ng isang date.)
Michael: (Ace: Pagbibigyan kita ng isang date.)
Michael: (Ace: Isang date.)
BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...