Alex: And to start this pageant with a bang. I will now present to you all the contestants in this pageant. Let us all give them a round of applause, everyone!
Pumalakpak muli ang lahat ng mga nanonood habang isa-isang lumabas ang mga kalahok sa pagaent.
Isa-isa nang nagpakilala ang mga contestant hanggang sa...
Mialyn: Gina, sandali. H'wag kang gagawa ng gulo.
Gina: H'wag ka pong mag-alala, Mi. Kaya ko po 'to.
Lumapit si Gina sa pinakaharapan, sa tapat ng stage at sumigaw.
Gina: Hoy taksil! Bumaba ka rito!
Ace: (Ate! Bakit ka sumugod?)
Russel: Anyway, good evening...
Gina: H'wag kang mag-good evening, good evening d'yan. Magpaliwanag ka!
Alex: Ms. who is below the stage, please don't make a commotion. You could talk to our contestant later after the pageant. Please step aside immediately.
Gina: Mamaya na!
Umakyat si Gina sa stage at pagkaakyat niya ay sinampal niya si Russel at kinuha ang microphone sa kaniya.
Gina: Gusto kong malaman ng lahat ng mga tao rito ang kataksilan nitong asawa ko sa asawa ng kapatid ko!
Nagulat ang lahat ng tao sa isiniwalat ni Gina sa lahat.
Gina: At mukhang nabuntis na rin niya ang asawa ng kapatid ko. Mga mas masahol pa kayo sa baboy!
Lester: Gina, tama na 'yan.
Lumapit si Lester at umakyat papunta sa mag-asawang Gina at Russel.
Lester: Gina, tara na. Bumaba na tayo. Nakahihiya na sa mga tao rito.
Gina: Dapat mas mahiya siya dahil sa kakatihan niya.
Russel: Ayaw mo talagang tumigil ah...
Inagaw ni Russel ang microphone kay Gina.
Russel: Hoy, ikaw na bakla ka. H'wag kang magmalaki sa 'kin. Ano ngayon kung nabuntis ko ang asawa ng kakambal mong tomboy, ha?
Mas nagulat ang mga tao sa sinabi ni Russel sa lahat.
Liam: Mialyn, anong sinasabi ng lalaking 'yon sa mga anak natin?
Mialyn: Wala 'yon, Li. Sinisiraan n'ya lang sina Lester.
Liam: Sabagay, s'ya nga eh narito, ibig sabihin, bakla s'ya.
Mialyn: Labas na muna tayo, Li.
Liam: Hindi ako lalabas nang hindi natin kasama ng mga anak natin.
Samantala, sa stage...
Russel: Tama ang narinig n'yo, ladies and gents. Itong babaeng 'to ay hindi talaga babae at itong kakambal n'ya ay babae talaga.
Gina: Parang no'ng kailan lang, asawa ang tawag mo sa 'kin. Ngayon, bakla na lang kasi nakahanap ka na ng ibang babae.
Russel: Anong ibang babae? S'ya lang ang babae sa inyong dalawa.
Susugod sana si Gina kay Lester nang...
Alex: Security, alisin n'yo muna 'yong dalawa rito.
Palapit na sana ang mga security kina Lester at Gina nang...
Lester: Kami na lang ang aalis. P'wede n'yo nang ituloy ang pageant.
BINABASA MO ANG
Ace
Tiểu Thuyết Chung[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...