Episode 2: Ang Kinasal (January 2, 2021)

58 3 0
                                    

#ACE 
2020

Natutuwa si Ace na nakikita niyang masaya ang kaniyang kuya Lester at ate Gina sa napangasawa ng mga ito na sina Christine at Russel.

Ace: Ang saya ko talaga para sa kanila, Mi, kaya lang, ang gastos-gastos po nito, nag-ibang bansa pa tayo para dito, bakit hindi pa kasi nila payagan ang same sex union sa Pinas eh. Nabub'wisit lang talaga ako.

Mialyn: Oo nga, anak. Ang maganda naman ay tunay ang pagmamahalan nila at walang sino mang makapipigil doon.

Ace: Tama ka d'yan, Mi, pero last mo na 'to kasi hinding-hindi ako magpapakasal kanino man, promise talaga.

Mialyn: Ayan na pala si kuya Les mo.

Ace: Hi, kuya Les, congrats sa inyo ng asawa mo. Ang ganda niya pa rin hanggang ngayon, kasingganda mo dati no'ng babae ka pa. Joke, bagay kayo.

Lester: Mambobola ka talaga, bro eh no. Inggit ka lang, wala ka kasing Christine sa buhay mo haha.

Ace: Eh di wala kung wala. Hindi naman ako nangangarap ng babae kahit kunin mo lahat ng babae sa mundo, never akong maiinggit sa 'yo, kuya Les.

Umalis na si Lester nang maasikaso ang ibang mga bisita nang dumating naman si Gina.

Ace: Ate Gie, iba naman. Alam mo bang botong-boto ako sa kan'ya? Bagay kayong talaga pero mas gwapo ka talaga sa kan'ya noon.

Gina: Baliw ka talaga, maganda ako 'no pero syempre, mas gwapo ka sa asawa ko eh kapatid kita eh, mana ka kaya sa akin, baka pareho rin tayong magkagusto sa lalaki.

Ace: Mas baliw ka talaga, ate, kasi hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaki kasi wala nang mas gugwapo sa 'kin haha.

Habang nag-uusap sina Ace at Gina ay kausap namin ni Mialyn sina Christine at Russel.

Mialyn: Salamat sa inyong dalawa dahil minahal at tinanggap niyo nang buong-buo ang mga anak ko. Sana huwag kayong magbabago sa kanila dahil mahal na mahal nila kayo.

Russel: Opo tita, mahal na mahal ko po si Gina, sa ganda ba naman niya at bait, sinong hindi mahuhulog sa kaniya?

Christine: Todo po ang pagsuyo nito sa akin ni Lester kaya po umoo ako sa kaniya kasi alam ko po na mahahalin niya ako nang sobra-sobra.

Nang natapos mag-usap sina Ace at Gina, tinawag ni Ace ang ama nito kung dadalo pa rin siya kahit natapos na ang kasal.

Ace: Li, saan ka na po?

Liam: Malapit na ako, hintay lang kayo riyan.

Mialyn: Ano? Papunta na ba iyang ama mo?

Ace: Malapit na raw po siya.

Binaba na niya ang tawag nang biglang may bumulabog. Nakarating na pala ang kanilang ama na si Liam. Unang lumapit sa kaniya si Lester.

Liam: Miguel, ang tangkad mo na pala. Pakilala mo naman ako sa asawa mo.

Lester: Li, siya po, si Christine, asawa ko po.

Liam: Marunong ka talagang pumili, anak. Manang-mana ka talaga sa akin, magaling sa babae haha. Teka, nasaan na ba si Leslie?

Gina: Li, narito po ako. Ito nga po pala ang asawa ko, si Russel.

Liam: Oh, kagwapo naman pala ng pinili mo, kayong dalawa. Akala ko talaga noon, matutuluyan na kayong maging binabae at tomboy pero ang ganda at gwapo ng mga asawa niyo.

AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon