Kakatapos lang gamutin si Gen ng kasama nilang Healer at ngayon ay kasalukuyan silang nagpapahinga, malaki ang naitulong ng mga Healer sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi mapapadali ang paghilom ng kanilang mga malalalim na sugat.
"Sino ang nag-utos sa inyo na tambangan kami?." Tanong ng lalaking kasama ng Prinsesa.
May isa pang bandidong natira at ngayon ay tinatanong nila ito, nakagapos ang kamay sa likuran at nakatutok ang patalim ng spada ng lalaki sa leeg ng bandidong lalaki.
"A-ang Black Sphinx Kingdom. Binayaran nila kami upang tambangan kayo dito at patayin ang Prinsesa." Nanginginig na saad ng bandido.
Sila ang isa sa mga sikat na bandido dito sa Northern Continent, at sila ang kinuha ng Black Sphinx Kingdom upang patayin ang Prinsesa habang naglalakbay ito patungong Red Sphinx Kingdom. Ngunit dahil ang mga nakalaban nila ay hindi rin mga basta basta ay i'yon na ang naging katapusan ng grupo nila, napatay na ang pinuno nila at tanging siya nalang ang natitira.
"Bukod sa utos na 'yan, may roon pa bang sinabi ang kalaban naming kaharian? Sagutin mo ng totoo ang tanong ko dahil kung hindi ay siguradong hihiwalay itong ulo mo sa katawan mo.." Tanong at pagbabanta ng lalaki.
Nanginig naman ang bandidong lalaki sa banta ng lalaking kasama ng Prinsesa.
"A-ang sabi ng rin Black Sphinx Kingdom ay aatake raw sila sa susunod na araw." Utal-utal na saad ng bandido.
Binitawan ng lalaki ang ulo ng bandido at malalim na napaisip, mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ng bandido kani kanina lang.
"Saang kaharian sila susugod?." Tanong ulit ng lalaki.
"H-hindi ko na alam, wala na silang ibang sinabi bukod doon." Sagot naman ng bandidong lalaki.
Naglakad ang lalaking kasama ng Prinsesa at pumasok sa karwahe ng Prinsesa, sinabi niya Prinsesa ang lahat ng gagawin at ilang sandali lang ay lumabas rin naman agad ito.
Sina Gen at Kian naman kasama ang ibang kasamahan ay nakatayo lang sa isang gilid at naghihintay lang sa iutos ng lalaki.
Kinuha ng lalaki ang kanyang kabayo at sumakay dito.
"Ipagpatuloy niyo ang paglalakbay at siguraduhin niyong makakarating ng ligtas ang Prinsesa sa Red Sphinx Kingdom. Kailangan ko ng bumalik sa White Sphinx Kingdom upang maghanda." Utos ng lalaki kina Gen. Tumango sila at naghanda na.
Lumapit ang lalaki sa bandido at pinutol ang tali nito sa kamay.
"Bumalik ka sa Black Sphinx Kingdom at sabihin mong maghihintay kami." Tango lang ang naisagot ng bandido at kumaripas na ng takbo.
Ang lalaki naman ay pinatakbo na ang kanyang kabayo at nilakbay muli ang daan pabalik sa White Sphinx Kingdom.
Kailangan niyang ibalita sa Hari ng White Sphinx Kingdom ang mga nalaman niya ngayon upang makapaghanda sila, hindi nila alam kung saang kaharian susugod ang kalaban kaya kailangan nilang maghanda.
'Hindi pweding manalo ang Black Sphinx Kingdom sa labanan na ito, dahil kung mangyayari ang bagay na i'yon ay siguradong magiging alipin na lamang kami.' Saad ng lalaki sa kanyang isipan at mas pinabilisan pa ang pagpapatakbo ng kanyang kabayo.
Noon paman ay masama na ang hangarin ng kahariang Black Sphinx Kingdom sa White Sphinx Kingdom at Red Sphinx Kingdom dahil sa gusto ng Hari ng Black Sphinx Kingdom na pamunuan ang tatlong kaharian. Ngunit dahil sa mag-kaalyansa na ang White Sphinx Kingdom at Red Sphinx Kingdom ay nahirapan na ang Black Sphinx Kingdom na tuparin ang kanilang masamang hangarin.
At ngayon ay susubukan na naman ng Black Sphinx Kingdom na kalabanin ang dalawang kaharian.
Bumalik na sa pwesto sina Gen, sakay sakay ang mga kabayo nila at naglakbay muli patungo Red Sphinx Kingdom.
BINABASA MO ANG
Dragon Spear [Fighter-Series 1]
FantasyIsang binata ang gustong maghiganti para sa kanyang mga magulang, nagpalakas siya ng ilang taon at hanggang sa dumating ang panahon na naglakbay na siya. Ngunit, sa paglalakbay ng binata ay may isang trahedya ang hindi niya inaasahan. Isang grupo an...