[Gen]
Maghahating gabi na at nandito na kaming dalawa ni Kian sa labas kasama ang ibang mamamayan ng Seve Village, ang ibang mamamayan na mga babae, bata, matanda at ang ibang kalalakihan ay pinatago na namin sa ginawa nilang kweba.
Hanggat maari sana ay walang masaktan sa labanang ito, gagawin ko rin ang lahat ng aking makakaya upang protektahan ang mga mamamayan.
Napagplanohan kasi namin ni Kian na siya na ang bahala sa labas at ako ang magpoprotekta sa mga mamamayan, may mga kasama rin kaming mga kalalakihan dito at lahat sila ay may dalang pana. Mga ordinaryong tao lamang sila ngunit kaya naman nilang gumamit ng pana at tumulong sa pakikipaglaban mula sa malayo, nasa mga bubong sila at nagmamanman.
"May paparating!." Sigaw ng isa sa mga kalalakihan na nasa bubong ng kanilang bahay.
Nagkatinginan kami ni Kian at pumunta sa harap ng nakabukas na tarangkahan, nandito rin si Pinunong Riley at gusto niyang tumulong sa pakikipaglaban.
Pinalibutan namin ang buong nayon ng mga sulo upang maging maliwanag, mahirap makilaglaban sa madilim at mahihirapan ding umatake ang may mga pana.
Mula sa hindi kalayuan ay nakikita ko ang mga mata, madilim pa sa parteng i'yon at tanging mga nanlilisik lang ng mga mata ang aking nakikita.
'Mukhang ito na ang sinasabi nilang Moon Wolf.'
Limang kulay-lila na lobo ang aking nakikita ngayon, may mga kulay-lila ring mga sungay ito. Lahat ng balahibo nito patungo sa buntot ay kulay lila at kahit ang pares na mata nito ay kulay-lila.
"Mag-iingat ka Gen, h'wag mong hayaang makalmot ka ng mga lobong iyan. May lason ang mga kuku nila at nakakamatay i'yon, kaya mag-iingat ka." Hindi ko alam kung tinatakot ba ako ni Kian o nag-aalala lang siya saakin, nakangisi kasi siya habang nagsasalita.
"Ikaw rin, mag-iingat ka."
Tumawa si Kian at nagsalita. "Hindi ako mapapatay ng mga mahihinang lobong ito." Pagmamayabang niya.
"Pinunong Riley, h'wag kayong lalabas hanggat hindi pa natatapos ang labanan diyan lang kayo at bantayan ang kapaligiran." Paalala ko sa kanya, napag-usapan na namin ang bagay na ito at gusto ko lang ipaalala sa kanya.
Tumango ito at nagsalita.
"Mag-iingat kayo."
Naglakad na kami palabas sa tarangkahan at agad din naman itong isinarado ni Pinunong Riley, ilang metro ang layo namin sa mga lobo ngunit kung makatingin ang mga lobong ito ay parang kinakain na kami.
ROAR!
Isa isang tumahol ang mga lobo at unang lumusob patungo saamin, agad ko namang inilabas ang aking bagong sibat at humanda sa paparating na lobo.
"Maghiwalay tayo upang mahati sila." Tumango ako sa sinabi ni Kian at tumakbo sa kaliwang bahagi.
Tumalon talon ako sa mga kakahuyan at mula sa itaas ay kitang kita ko ang dalawang lobo na humahabol saakin, hindi ako masyadong lumayo dahil baka maligaw pa ako.
Tumigil ako sa isang sanga at doon muna nagtago, tiningnan ko ang isa sa dalawang lobo at napangiti ako dahil sa nagkahiwalay na ang dalawa. Mas mapapadali ang pagpatay ko sa kanila ngayon dahil sa magkahiwalay na sila.
"Kunting lapit pa..."
[Second Skill: Spear Strike!]
Bumulusok ako patungo sa lobo at winasiwas ang aking sibat, ngunit hindi ko inaasahan ang bilis ng lobo, nakaiwas pa siya at tanging daplis lang sa kanyang tagiliran ang natamo niya.
BINABASA MO ANG
Dragon Spear [Fighter-Series 1]
FantasyIsang binata ang gustong maghiganti para sa kanyang mga magulang, nagpalakas siya ng ilang taon at hanggang sa dumating ang panahon na naglakbay na siya. Ngunit, sa paglalakbay ng binata ay may isang trahedya ang hindi niya inaasahan. Isang grupo an...