CHAPTER 20

363 55 1
                                    

[Gen]

Umaga palang ay nilisan na namin ni Kian ang aming silid at pumunta na sa labas ng tarangkahan, halos abutin na kami ng umaga doon sa bahay inuman dahil sa mga interesanteng kwento. Bawat kwento nila ay nakakasabik pakinggan at muntik na naming makalimutan na may misyon pa kaming dapat gampanan.

Pagdating namin ng tarangkahan ay nakita naming dalawa ni Kian ang grupo na uminsulto saamin kahapon, bukod sa kanila ay mayroon pang ilang mga nandoon. Naagaw ang pansin ko sa dalawang tao, isang lalaki at isang babae.

Pinakiramdaman ko ang lakas ng dalawa at namangha ako sa talento nila, ang babae ay isang Level 9 Assassin, hindi kalakihan ang katawan ng babae at parang isa lamang siyang sampung taong gulang na bata. Pero sigurado naman akong kasing edad ko lang ito.

Isa namang Level 7 Tank ang lalaki at kumpara sa babae ay sobrang laki ng katawan nito at may suot suot pa itong mga baluti, mula sa katawan nito hanggang sa paa. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ng dalawa ay doon ko lang napansin na magkapareho pala ang mukha nila.

'Mukhang kambal ang dalawang ito, nakakahanga naman ang talento nila.' 

Nasa isang gilid lang kami ni Kian at hindi kami masyadong lumapit sa iba, mahirap makipaghalubilo sa kanila lalo na't hindi ko alam kung ano ano ang mga ugali nila. Masama naman ang tingin ng isang grupo saamin, na para bang may nagawa kaming malaking kasalanan sa kanila at ganoon sila kung makatingin.

Hindi nalamang namin sila pinansin at tumingin tingin nalang ako sa paligid, marami kaming nandito at halos apat na grupo kaming nandito. Napansin ko sa isang grupo na may mga kasama silang Healer at Marksman, inisa isa ko ang lahat at doon ko napagtanto na kompleto pala ang lahat. May mga Assassin, Fighter, Mage, Marksman, Tank at Healer.

Hindi pa kami umaalis dahil sa hinihintay pa namin ang Prinsesa.

Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na ang isang karwahe na papalabas ng tarangkahan, mukhang ito na ang hinihintay naming Prinsesa.

"Kompleto na ba ang lahat?." Pasigaw na sambit ng isang lalaki noong makalapit ang karwahe sa gawi naming lahat.

Nakasuot ang lalaking ito ng isang unipormeng baluti na kulay pula at isa siyang Level 11 Fighter.

Walang sumagot sa kanyang tanong, hindi rin naman kasi namin alam kung nandito na ba ang lahat ng kumuha ng misyon. 

"Maghanda na kayo dahil aalis narin agad tayo." Napansin siguro niyang wala kaming balak sumagot kaya naman nagsalita nalamang siyang muli.

Inayos ko lang ang sarili at tiningnan kung kompleto na ba ang lahat ng gamit ko. Kompleto naman pala lahat....

Hindi lumabas ang Prinsesa buhat ng ito'y makarating saaming harapan, mukhang walang balak magpakita ng Prinsesa saamin. Naisip ko tuloy kung maganda ba ang Prinsesa o hindi....

Dumating ang mga kabayo na inihanda para saamin kaya sumakay narin ako sa kabayo ko, kulay itim ang kabayo at mukhang malakas ang kabayong ito. Malaki kasi ang katawan nito kumpara sa ibang kabayo na nakita ko, halatang inaalagaan talaga ng maayos ang mga kabayong nandito.

Nangunguna sa daan ang mga Tank habang sakay sakay sa kani kanilang kabayo, kumpara saaming lahat dito ay ibang iba ang laki ng katawan ng mga Tank. Batak na batak ang kanilang mga katawan at naglalabasan ang mga ugat nila sa braso.

Nakasunod naman ay ang lalaking nagsalita kanina at ang karwahe ng Prinsesa, sunod ay ang mga Assassin, nasa gilid naman ng karwahe ang mga Mage, Healer, at kaming mga Fighter ang nasa likuran nila at ang mga Marksman ang sa huli.

Protektadong protektado ang Prinsesa sa kasalukuyan naming sitwasyon ngayon, hindi na kami nagkausap ni Kian dahil sa nasa unahan siya kaysa saakin, isa siyang Assassin kaya natural lang na nasa harapan nila ang karwahe ng Prinsesa upang masigurado ang kaligtasan nito.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon