[Gen]Mag-uumaga na at dahan dahan ng lumiliwanag ang kapaligiran, nandito na kami sa loob ng nayon at pati narin ang mga mamamayan ng nayon. Sugatan si Pinunong Riley sa bandang braso at paa dahil sa nakipaglaban siya sa mga Magical Beast, mabuti nalang at naabutan pa namin siyang buhay.
Mas maayos na ang kanyang kalagayan ngayon dahil sa pikain na namin ito ng Recovery Pill, nong una ay tinatanggihan pa niya ang Recovery Pill dahil daw wala silang pambayad para dito pero noong tinakot siya ni Kian na sasabihin niya sa pamahalaan ng Great Dragon Lands na nagsinungaling siya sa misyon ay napilitan nalang siyang tanggapin i'yon at gamitin.
Tapos na ang misyon namin dito at ito na ang tamang oras upang umalis na kami, pero bago kami umalis ay inilabas muna namin ni Kian ang mga bangkay ng mga Magical Beast na napatay namin.
Ang tatlong bangkay ng Ragebager at ang limang bangkay ng Burning Bull ay inilabas ko at inilatag sa sahig, ang kay Kian naman ay limang Fire Wolf at apat na Red Magiboar.
Nagtaka naman ang mga mamamayan ng Seve Village, wala si Pinunong Riley dahil kasalukuyan itong nagpapahinga.
"Sa inyo na po ang lahat ng ito." Sabi ko na ikinabigla naman ng mga mamamayan.
"H-hindi na namin matatanggap ang mga i'yan aming mga bayani, sobra sobra na ang tulong na ibinigay niyo saamin at wala na kaming kapal ng mukha upang tanggapin pa ang mga i'yan." Isang matandang lalaki ang nagsalita, siya ang pumapangalawang pinuno ng nayon na ito.
Nagsitanguan naman ang mga mamamayan sa sinabi ng matanda.
"Sobra sobra na ang mga naitulong niyo saamin."
"Mga bayani kayo ng aming nayon."
Ito ang mga naririnig ko mula sa mga mamamayan ng nayon.
Nagkatinginan kami ni Kian at isang makahulogang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, tumikhim tikhim pa siya at naging seryoso ang mukha.
"Tatanggapin niyo ba ang mga ito o isusumbong ko kayo sa pamahalaan ng Great Dragon Lands?." Sa muling pagkakataon ay tinakot na naman ni Kian ang mga mamamayan, dali dali namang lumapit ang mga kalalakihan at binuhat ang mga bangkay ng mga Magical Beast.
Napangiti ako sa aking nasaksihan, kaya nilang ibaba ang kanilang dignidad para sa kanilang pinuno. Alam kung ang iba sa kanila ay mapagmataas ngunit pagdating naman sa pinuno nila ay tumitiklop sila. Pinapahalagahan nila ang kanilang pinuno dahil sa mabuti ito sa kanila, kaya nilang ibaba ang kanilang dignidad para sa pinuno nila.
Nagulat kami ni Kian dahil sa biglang lumuhod ang mga mamamayan, yumuko ang mga ito at nasa lupa ang mga mukha.
"Maraming salamat sa inyong dalawa, itinuturing kayo ng nayon namin bilang mga bayani at mula ngayon ay tatatak na sa puso't isipan namin ang inyong kabutihan. Pagpalain kayo ng mahal na panginoon, aming mga bayani."
"Maraming salamat sa inyo, aming mga bayani!." Sabay sabay na sambit ng mga mamamayan.
Yumuko rin ako at tinabig ko si Kian na nakatayo lang.
"Maraming salamat din po, mauna na po kami." Saad ko.
"Ipagpaalam niyo nalang po kami kay Pinunong Riley oras na magising na siya." Saad ni Kian at kumaway kaway na kami.
Nangmakalabas na kami ng tarangkahan ay inilabas narin ni Kian ang maliit na hawla, pinalabas niya ang Blazerunner at bumalik na ito sa orihinal na anyo. Isang malaking nag-aapoy na agila na naman ang nasa aming harapan.
Tumalon kami sa ibabaw ng katawan nito at sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa mamamayan ng nayon, kumakaway sila at isinisigaw ang pagkabayani namin ni Kian.
BINABASA MO ANG
Dragon Spear [Fighter-Series 1]
FantasyIsang binata ang gustong maghiganti para sa kanyang mga magulang, nagpalakas siya ng ilang taon at hanggang sa dumating ang panahon na naglakbay na siya. Ngunit, sa paglalakbay ng binata ay may isang trahedya ang hindi niya inaasahan. Isang grupo an...