EPILOGUE

710 69 25
                                        

Noong magising ako ay ipinaliwanag agad saakin ni Kian kung ano ang nangyari kanina, wala na kasi akong natandaan simula noong nagamit ko ang bago kung Skill na [Supreme Warrior]. Hindi nga ako makapaniwala na natuklasan ko ang
bago kung Skill ng ganoon lang kadali, pero siguro ay dahil i'yon sa Dragon Spear.

Sabi nga ni guro, may basbas ang Dragon Spear ng isang diyos ng mga Dragon kaya siguro ako nabigyan ng panibagong Skill.

Hindi ko makontrol ang [Supreme Warrior] dahil sa para bang nawawala ako sa sarili ko dahil sa kakaibang lumalabas na inerhiya sa aking katawan, katulad nga ng sabi ni Kian. Sobrang lakas ko daw at sobrang bilis na kahit siya ay hindi mapapantayan ang bilis ko, pero ang sabi rin niya ay pagkatapos ng limang minuto ay nawalan na ako ng malay at nag-aagaw buhay. Mabuti nalang daw at nagamot agad ako ni Lily.

Noong mga oras ding i'yon ay pinatawag agad ako ni guro, at ipinaliwanag saakin lahat ni guro ang nangyari kanina at panandalian rin niya akong sinanay gamit ang aking Skill na [Supreme Warrior]. Sa tulong ni guro ay nakokontrol ko na agad ang aking sarili oras na gamitin ko ang [Supreme Warrior], hindi na ako nawawala sa sarili at nagagamit ko na ng maayos ang aking bagong lakas. Ramdam na ramdam ko ang lakas ko habang ginagamit ko ang [Supreme Warrior] at ang bilis ko na kahit ako ay hindi makapaniwala sa bilis na ipinapakita ko.

Marami pang itinuro saakin si guro at lahat i'yon ay sobrang nakatulong sa kabuoang lakas ko.

Isang beses ko lang nagagamit ang Supreme Warrior dahil sa sobrang lakas nito kumain ng inerhiya na kahit ang aking pisikal na lakas ay kinakain rin kaya nakakaramdam agad ako ng pagod sa loob lamang ng limang minutong pag-gamit sa Supreme Warrior.

Kaya pinayuhan ako ni guro na hindi basta bastang gagamitin ang Supreme Warrior at gagamitin lang ito oras na kailangan na kailangan na talaga.

"Aalis na po ako ngayon din, guro. Kailangan ko ng puntahan ang pinagtataguan ng mga demonyo at iligtas ang aking mga magulang, marahil sapat na siguro ang kabuoang lakas ko ngayon upang harapin sila at kalabanin." Saad ko habang kaharap ngayon si guro, ito na ang pinakahinihintay kung pagkakataon. Malakas na ako at siguro naman ay kaya ko ng harapin ang mga demonyong bumihag sa aking mga magulang.

"Hindi na kita pipigilan pa Gen." Saglit na huminto sa pagsasalita si guro at may inilabas na isang Insterspartial Ring. "Nasa loob ng Insterspartial Ring na ito ang mapa at baluti na magagamit mo sa pakikipaglaban sa mga demonyo, mag-iingat ka."

***

Binabaybay na ngayon ng binatang si Gen ang daan patungo sa pinagtataguan ng mga demonyo, kasama ng binata ang kanyang matalik na kaibigan na si Kian.

Suot suot ngayon ni Gen ang baluting ibinigay ni Great Dragon, isang kulang gintong baluti ito at nanggaling pa ang baluting ito sa kaliskis ng isang Dragon kaya masasabi talagang hindi ito basta bastang baluti lamang.

Tahimik na nilalakbay ng dalawa ang daan patungo sa mga demonyo, hindi sila gumagawa ng ingay at parang mga hangin lang kung dumaan sa mga sanga ng puno.

Habang nasa ibabaw naman nina Gen ang kanilang guro kasama ang batang si Lily, walang kaalam alam ang dalawa na sinusundan pala sila ni Great Dragon at palihim na tinutulongan. Hindi komportable si Great Dragon kung mananatili lamang siya doon sa Dragons Altar, nakasakay sa isang dragon si Great Dragon at natatabunan siya ng mga makakapal na ulap at dahil doon ay hindi siya napapansin ng kanyang dalawang studyante. At isa pa, marunong rin siyang magtago ng presensiya.

Hindi nagtagal ay narating na ng dalawang binata ang kanilang distenasyon, medyo malayo layo pa sila sa gawi ng mga demonyo at nagtatago sila sa isang malaking puno. Nasa ibabaw ng puno ang binatang si Kian at tinitingnan kung nasaan ang tiretoryo ng mga demonyo, bumaba siya at iniulat kay Gen ang kanyang mga nakita.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon