[Gen]
Hindi pa nga sumasapit ang umaga ay nakasakay na ako dito sa isang malaking nag-aapoy na agila kasama si guro, nilisan na namin ang bayan ng ganito kaumaga at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Sobrang laki ng katawan ng agilang sinasakyan namin ngayon at sobrang nakakamangha pa ang nag-aapoy nitong mga pakpak at balahibo, akala ko nga ay nakakasunog ito ngunit hindi pala. Ang sabi ni guro ay isa itong Blazerunner at nakakatulong ito sa mabilisang paglalakbay, kumpara 'daw kasi sa paglalakbay sa kagubatan ay mas mabilis ang paglalakbay kung ito ang gagamitin.
At totoo naman, sobrang bilis ng lipad ng agila at mabuti nalang talaga ay may ginawang barrier si guro upang hindi kami maapektuhan ng malakas na hangin.
"Guro, bakit wala akong nararamdamang lakas o inerhiya sa Magical Beast na ito?." Kanina ko pa kasi pinapakiramdaman ang agilang ito ngunit wala talaga akong maramdamang ranggo, kahit Level 1 ay wala.
Nasa bandang ulo ng agila si guro samantalang ako ay nasa kanyang likuran.
"Hindi naman kasi ito panlaban na Magical Beast, ginagamit lang ito sa paglalakbay kaya wala ka talagang mararamdamang inerhiya sa katawan ito. Katulad lang ito ng mga Magical Beast na Chicken o iba pang hayop na hindi lumalaban bagkus nakakain o napapakinabangan." Paliwang saakin ni guro.
Naliwanagan naman ako sa sinabi niya, ngayon alam ko na.
Katulad lang pala ito ng mga manok o baboy na walang ranggo pero napapakinabangan naman.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya naman inilabas ko na ang pagkain na inihanda ni guro kanina bago kami umalis, inaya kung kumain si guro pero tumanggi siya. Malakas na si guro kaya sigurado akong kahit ilang buwan pa siyang hindi kumain ay hindi siya makakaramdam ng gutom.
***
Tanghaling tapat na noong ako'y nagising, nakatulog ako sa paglalakbay namin. Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil sa nasa ibabaw parin kami ng mga ulap at sakay sakay parin sa nag-aapoy na agila.
Walang panama ang sikat ng araw dahil sa may barrier na nakaharang, wala akong nararamdamang kahit na kaunting init mula sa tirik na tirik na araw.
"Maghanda kana, narito na tayo." Napabalikwas ako dahil sa sinabi ni Guro.
Dali dali akong lumapit sa kanyang pwesto at tumayo sa gilid niya, naramdaman kung pababa na ang lipad ng agila kaya naman nakaramdam narin ako ng kasabikan dahil sa gustong gusto ko ng makita ang pupuntahan namin. Kanina pa akong umaga nakaupo dito sa malaking katawan ng agila at naiinip na ako dito.
Hindi rin naman nagtagal ay unti unti ko ng naaaninag ang lugar hanggang sa tuluyan ko na nga itong makita, automatikong lumaki ang aking mga mata sa nakita.
Nagtataasang gusali!
Mga malalaking dragon na statwa!
Ang napakataas na pader na nakapalibot sa buong siyudad o bayan? Hindi ko alam kung matatawag pa ba itong bayan dahil sa sobrang laki talaga nito, ito ang unang beses kung makakita o makapunta sa ganitong kalaking bayan.
"Maligayang pagdating sa The Great Dragon Lands."
Napatingin ako kay guro dahil sa kayang sinabi. G-great dragon lands? Ibig sabihin?!
Magsasalita na sana ako ngunit hindi ko na naituloy dahil sa lumapag na ang agila sa mismong tarangkahan ng nasabing siyudad.
BINABASA MO ANG
Dragon Spear [Fighter-Series 1]
FantasiaIsang binata ang gustong maghiganti para sa kanyang mga magulang, nagpalakas siya ng ilang taon at hanggang sa dumating ang panahon na naglakbay na siya. Ngunit, sa paglalakbay ng binata ay may isang trahedya ang hindi niya inaasahan. Isang grupo an...
![Dragon Spear [Fighter-Series 1]](https://img.wattpad.com/cover/245161793-64-k553902.jpg)