CHAPTER 6

489 66 0
                                    

[Gen]

Kakakuha ko palang sa napanalunan ko, ang dalawampung Gold Coins ko ay naging doble na dahil sa pagkapanalo ko sa labanan. Kung tutuosin ay kulang pa ang napanalunan ko dahil sa hindi pa ito umabot ng limampung Gold Coins, may roon lang akong apat-napung Gold Coins.

Pero, kanina lang. Habang papalabas na ako ng Arena ay may mga lumapit saakin at binalatuhan ako, sila ang mga pumusta saakin at nais raw nila akong balatuhan kahit na maliit lang na halaga. At dahil doon ay nakaipon ako ng sampung Gold Coins.

At ngayon ay mayroon na akong limampung Gold Coins, sapat na para sa hinihinging pambayad ng retiradong kawal.

"Malalaman ko narin kong nasa maayos bang kalagayan ang aking mga magulang." Nilisan ko ang Arena at umuwi.

***

Kinagabihan, agad kong nilisan ang aking nirerentahang bahay upang pumunta sa bahay aliwan. Ito na ang oras na sinabi ko sa retiradong kawal, magkikita kami ngayong gabi dala dala ang pambayad na hinihingi niya para makuha ko ang sagot sa aking mga katanungan.

"Masamang balita man ito o hindi ay tatanggapin ko parin, ang importante ay malaman ko kung nasaan ang aking mga magulang."

Nakarating ako sa bahay aliwan at pumasok narin agad, una kung hinanap ang retiradong kawal at nakita ko rin naman agad ito. Katulad noong una naming pagkikita ay mag-isa parin ito at walang kasama, lumapit ako at umupo sa kaharap niyang upuan. Napansin niya ang presensiya ko at ng makitw ako nito ay napangiti siya.

"Mukhang disedido ka ngang malaman ang mga kasagutan sa mga tanong mo." Saad nito noong makita ako.

"Natural, kabilang ang aking mga magulang na nabihag ng mga demonyo at nais kong malaman kung isa ba sila sa mga nailigtas ng Empiryo."

Naging seryoso ang mukha ng retiradong kawal at uminom muna bago nagsalita.

"Pero ito ang tandaan mo bata, oras na malaman mo ang kasagutan sa tanong mo at kung masamang balita man ito para sayo ay labas na ako dito. Nandito lang ako bilang tga benta ng impormasyon at wala na akong magagawa kung sakali mang hindi kabilang ang i'yong mga magulang sa nailigtas mula sa kamay ng mga demonyo. May mga nakatakas na demonyo at bawat isa sa kanila ay may dala dalang bihag."

Siyempre ay alam ko na ang tungkol sa bagay na ito, pero mahirap parin para saakin na tanggapin ang masamang balita. Naisip ko na nga na h'wag na lang ituloy, pero hindi ko rin malalaman ang kalagayan ng aking mga magulang kung magiging duwag ako.

Sana nga lang ay nasa maayos na kalagayan sila at humihinga pa.

Tumango ako at sumagot. "H'wag po kayong mag-aalala, alam ko na po ang tungkol sa bagay na i'yan at hindi ko kayo sisisihin tungkol sa bagay na ito. Labas na po kayo rito, magandang balita man i'yan o hindi ay tatanggapin ko parin."

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo, dala mo naba ang kabayaran sa mga katanungan mo?" Tumango ako sa tanong niya at inilabas ko mula sa Magic Bag ang Limampung Gold Coins.

"Kumpleto po ito, walang labis walang kulang. Limampung Gold Coins." Saad ko at inilapit sa kanya ang salapi.

Tumango tango ang retiradong kawal at nakita kong hinawakan niya ang sing-sing na nasa kanyang kaliwang kamay at lumabas mula doon ang isang nakarolyong papel.

'Isang Insterspartial Ring!' Nasambit ko na lamang saaking isipan noong makita ko ang sing-sing na suot suot ng retiradong kawal.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon