CHAPTER 18

396 55 1
                                        

Iniligtas ni Gen ang mag-asawang si Edward at Marta at sinunog nila ang buong nayon, nakausap narin ni Gen ang mag-asawa at tinanong kung sila lang ba ang nandito o nabihag ng mga demonyo.

"Marami kaming bihag ng mga demonyo at kaming dalawa nalang ng asawa ko ang natira, ang iba ay pinatay na at kinain ng mga demonyo ang iba. Noong nakaraang linggo lang ay nagsilikasan ang ibang malalakas na demonyo at may dala dala silang mga bihag." Ito ang naging sagot ni Edward.

"Bukas na sana susunod ang ibang demonyo at mabuti nalang ay naabutan niyo pa sila." Dugtong pa ni Edward

"May nakasama po ba kayong Phillip Tyler at Evelyn Tyler?." Tanong muli ni Gen, nanginginig ang binata habang inaabangan ang magiging sagot ng mag-asawa.

Inilabas narin niya ang kanyang kwentas at ipinakita ang litrato ng kanyang mga magulang sa mag-asawa, nangmakita naman ito ng mag-asawa ay nagkatinginan sila at sinagot ang tanong ng binata.

"Nakasama namin ang mag-asawang ito dito ngunit noong umalis ang ibang demonyo ay dinala rin sila kasama ang iba." Sagot ni Marta.

"Bakit? May koneksiyon ka ba sa kanila?." Tanong ni Marta.

Tumango ang binata.

"Sila ang mga magulang ko." Mahinang saad ni Gen pero sapat na upang marinig ng mag-asawa.

Natahimik ang dalawang mag-asawa at hindi na muling nagsalita, nilisan narin nina Gen ang bundok Agbiag kasama ang mag-asawa. Matamlay ang binata at parang nawalan ng lakas, nahuli siyang iligtas ang kanyang mga magulang at sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari.

Kanina pa nilisan ni Great Dragon ang lugar at bumalik na sa kanyang sariling lupain, hindi dapat malaman ni Gen na nandoon siya sa bundok Agbiag at palihim na tumulong dahil oras na malaman i'yon ng binata ay sigurado siyang magagalit ito sa kanya.

Sa kaunting panahon na pagsasama nila ni Gen ay nakabisado na niya ang ugali ng kanyang studyante.

***

[Gen]

Ilang oras lang ang lumipas at nakarating na kami sa Great Dragon Lands, umaga na noong nakarating kami at dumiritso agad ako kasama sina aling Marta at Mang Edward sa palasyo. Kailangan kung mag-ulat kay guro patungkol sa naging resulta ng pagpunta sa bundok ng Agbiag.

Walang akong masyadong lakas ngayon at parang nanghihina ako na hindi ko alam, parang pinaglalaruan ata ako ng tadhana. Sa muling pagkakataon ay hindi ko na naman nailigtas sina ama at ina, nahuli ako sa pagdating at nangangamba na ako ngayon na baka sa muling pagkakataon ay hindi ko na talaga mailigtas sina ama't ina.

Nakarating kami sa palasyo at nandoon narin si guro, nakauwi narin pala siya mula sa kanyang lakad.

Isinalaysay ko ang lahat ng nangyari sa bundok Agbiag, mula noong sinalakay namin ang nayon ng mga demonyo hanggang sa napatay namin ang nagsisilbing pinuno ng mga natirang demonyo.

Ipinakilala ko narin sina aling Marta at Mang Edward kay guro, sinabi ko kay guro na sila ang mga nailigtas namin mula sa kamay ng mga demonyo. Binigyan ng matitirhan ni guro sina aling Marta at Mang Edward, nagpasalamat naman ang dalawa kay guro at saakin. 

Tinanong sila ni guro kung may pamilya pa ba silang mauuwian ngunit ang naging sagot ng mag-asawa ay wala na, ang kanilang mga anak at apo ay pinatay ng mga demonyo at tanging sila na lamang ang natira.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon