CHAPTER 19

402 54 1
                                    

[Gen]

Halos magdadalawang buwan na kami ni Kian dito sa silid pagsasanay, iba't ibang pagsasanay ang ginawa namin sa loob ng halos dalawang buwan. Sinanay ko ang aking katawan, gamit ang mga malalaking bato at mahihirap na pagsasanay ay sinanay ko ang aking katawan upang mas tumibay ito. At hindi rin naman ako nabigo dahil sa mas tumibay nga ito kaysa noon, nagpaturo narin ako kay Kian upang bumilis rin ang aking pagkilos.

Malaki ang pinagbago ko at pati narin si Kian, sa loob ng halos dalawang buwan kung pagsasanay dito sa silid pagsasanay ay narating ko na ang Level 7 Fighter. Kung noon ay halos abutin pa ako ng ilang taon bago makatapak sa susunod na ranggo ay ibang iba na ngayon. Sa tulong ng mga kayamanan na ibinigay ni guro at magandang silid na pweding pagsanayan ay mas napadali ang paglakas ko.

Katulad ko, isa naring Level 7 Assassin si Kian. Katulad noon ay mas malakas parin siya kaysa saakin at mas nauna pa siyang nakarating sa Level 7 kaysa saakin. Pero dahil sa pagpupursigi kung pagsasanay ay nahahabol ko parin siya.

Sa pananatili ko sa loob ng silid pagsasanay ay wala akong natanggap na minsahe mula kay guro, ang sabi kasi niya saakin ay ipapatawag lamang niya ako oras na malaman na niya kung saan nagtatago ang ibang demonyo. Pero nakalipas na lamang ang halos dalawang buwan ay wala parin akong natatanggap na balita at hindi rin ako pinatawag ni guro.

Walang gumambala saamin ni Kian ng halos dalawang buwan.

"Tara na." Tumayo si Kian at nauna ng naglakad.

Napagdisisyonan kasi naming dalawa na lumabas na muna ng silid pagsasanay at kumuha ng bagong misyon, nababagot na 'raw siya kakasanay at gusto naman niya ng labanan. Hindi ko maintindihan si Kian kung anong klasing labanan ba ang kanyang hinahanap, may mga Magical Beast naman doon sa silid pagsasanay at malalakas pa kaya bakit naghahanap pa siya ng labanan? 

At isa pa, nagdudwelo rin naman kaming dalawa at ginagawa ko naman ang lahat upang matalo ko siya. Noong nakaraang linggo nga lang ay natalo ko siya sa dwelo namin at sobrang saya ko dahil sa wakas ay natalo ko nadin si Kian.

Nilisan namin ang silid pagsasanay at lumabas na ng gusali, dumiritso kami sa Mission Hall upang kumuha ng isang misyon.

Ang sabi ni Kian ay isang C Class Mission daw ang kukunin namin dahil sa maganda daw i'yon, bukod sa mahirap gawin ang misyon ay maganda naman daw kasi doon mo nagagamit ang i'yong buong lakas at nasusubok rin ang i'yong talino sa pag-iisip ng takteka.

Naninibago ako sa kapaligiran ng Great Dragon Lands, may mga bagong disenyo ang aking nakikita sa kapaligiran at abala rin ang mga ordinaryong tao sa paglalagay ng mga palamuti sa buong paligid. Pati narin ang mga kabahayanan ay may mga disenyo na at may mga palamuti pa.

'Anong buwan na ba ngayon?.' Natanong ko nalamang sa aking isipan dahil sa aking mga nakikita sa kapaligiran.

Tatanongin ko na sana si Kian ng magsalita ito.

"Naamoy ko na ang pasko!." Pasigaw na sambit nito at tumawa pa.

"Bakit anong buwan na ba ngayon?" Tanong ko kay Kian, napalingon naman ito saakin at nangunot ang noo.

"Nakalimutan muna? December na ngayon at malapit nang magpasko." Sagot ni Kian.

Napatingin ako sa kalendaryo na nasa isang bahay, December na nga dito sa Northern Continent.

"Muntik ko nang makalimutan." Nasambit ko na lamang at nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Kian.

Dahil sa sobrang pag-iisip ko kung papaano ko ililigtas sina ama at ina ay muntik ko ng makalimutan ang pasko, abala rin ako sa pagsasanay at kung hindi ako kinulit ni Kian na lumabas muna at kumuha ng misyon ay baka nakalimutan ko na talaga ang pasko.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon