CHAPTER 12

447 72 2
                                    

[Gen]

Umaga na noong ako'y nagising, napasarap ang tulog ko sa malambot na kama kaya hindi tuloy ako nakapaghapunan kagabi. Dibali nalang, babawi ako ngayong umaga.

Pumunta ako sa kusina at doon nagluto ng iba't ibang ulam, mga sinabawang karne at gulay. Nag-ihaw narin ako ng mga sariwang karne at ng maluto na ang lahat ay inihanda ko na ito sa babasaging lamesa at doon kumain.

"Ang sarap talaga."

Labing walong taong gulang na ako at walong taon na akong naninirahan sa inuupahan kung bahay kaya natural lang na magaling akong magluto. Wala namang nag-aasikaso saakin noon kundi ako lang.

Nangmatapos akong kumain at magligpit ay umupo na muna ako sa malambot na upuan, nagpapahinga habang hinihimashimas ang aking tiyan.

"Napasobra ata ang kain ko, para na akong buntis nito."

Makalipas ang ilang minutong pagpapahinga ay tumayo na ako, wala akong mapagkakaabalahan dito sa silid na ito dahil sa hindi naman ako pweding magsanay dito. At isa pa, wala rin ako kasama dito kaya nakakabagot lang kung mananatili lang ako dito.

"Tama. Pupuntahan ko nalang si guro at ng makapag-usap na kami, marami pa naman akong itatanong sa kanya." Bubuksan ko na sana ang pinto ng maunang bumukas ito at iniluwa doon si guro, ganoon parin ang kanyang kasuotan purong ginto.

"G-guro." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ngayong nalaman ko na ang tunay na katauhan ni guro ay nahihiya na ako.

"Maaring bang pumasok?"

"O-opo, pasok kayo." Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok si guro, dumiritso kami sa sala at umupo sa makaharap na malambot na upuan habang nasa gitna naman namin ang babasaging lamesa.

Marami akong gustong itanong ngunit wala akong lakas ng loob upang magsalita, pasulyap sulyap nga lang ako kay guro dahil sa hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin.

Mahinang natawa si guro siguro napansin niya ang kakaibang kilos ko.

"Hindi ako sanay na ganyan ang kilos mo Gen, mas sanay akong makita kang maingay at palaging nagrereklamo." Natatawang saad ni guro.

Mas lalo naman akong nahiya dahil sa sinabi niya, napansin nga niya ang kakaibang kilos ko.

"Ah-eh, ano po kasi—." Hindi ko alam kung ano ang susunod na sasabihin ko.

"Alam kung naguguluhan ka, Gen. Marami akong hindi sinabi sayo at marami ka pang hindi alam tungkol saakin, h'wag kang mag-aalala dahil darating din ang panahon na makikilala muna ako ng lubusan. Siguro naman alam muna na ako si Great Dragon hindi ba?"

Tumango tango ako sa sinabi ni guro.

"At siguro naman alam muna ang iilang bagay patungkol saakin hindi ba?"

Tumango akong muli, siyempre alam ko ang ilang bagay patungkol kay Great Dragon. Bukod sa malakas siya ay may iba rin akong alam patungkol sa kanya, at isa doon na may sarili siyang lupain at doon nakatarak ang mala-imperyo niyang angkan. At andito ako ngayon, mismong ako ang nakatayo at nakapasok sa mala-imperyo niyang lupain.

"Pero guro, bakit niyo sinabi na isa niyo akong ampon na anak? Hindi ba't malinaw naman ang usapan natin na isa mo lang akong disipulo at hindi isang ampon na anak? Ngunit ano i'yong inanonsiyo mo kagabi?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Tama ka, isa nga kitang disipulo. Gusto kung ipaalam sayo na ang lahat ng disipulo ko ay itinuturing kung isang ampon na anak at wala ng iba."

Ganun pala, ngayon alam ko na.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon