CHAPTER 1

913 82 3
                                    


Isang batang lalaki ang naglalakad sa isang masulok na kagubatan, sa isang tingin palang sa bata ay siguradong maawa kana. Galos galos ang katawan ng bata at may mga sugat rin ito sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ngunit hindi ito alintana sa naghahabol hiningang bata.

Patuloy parin siyang naglalakad at nagpapahinga lang oras na hindi na niya makayanan ang kapagurang nararamdaman, kakagaling lang ng batang ito sa isang digmaan sa pagitan ng demonyo at ng mga Adventurer. Hindi siya kasali sa digmaan ngunit dahil sa bihag siya ng mga demonyo ay naging sangkot siya sa giyera nila.

Ngunit nakatakas ang batang ito bago paman nagsimula ang digmaan, halos limang araw na siyang naglalakad sa kagubatan at walang tigil sa paglalakbay para lang masigurado niyang hindi na siya muling mabibihag ng mga Demons at Witch.

Halos Sampung taon siyang bihag ng mga demonyo at sa sampung taon na i'yon ay ginawa siya o silang alipin sa palasyo ng mga demonyo, mabuti nalang talaga at nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Adventurer at Demons kaya nakatakas siya.

"Oras na lumakas ako ay babalikan ko ang aking mga magulang at ililigtas ko sila sa kamay ng mga demonyo, gagawin ko ang lahat mawala lang sa mundong ito ang lahi ng mga kasuklam-suklam na demonyo!" Galit ang nararamdaman ng bata.

Sampung taon siyang nasa kamay ng mga demonyo at sampung taon din siyang naghirap, sinanay sila ng mga demonyo upang gawing kawal sa palasyo nila at noong malaman nila ito ay nagalak sila dahil sa baka sakaling mabawasan ang pananakit sa kanila. Ngunit taliwas sa inaakala nila ang ginawa ng mga demonyo, sinanay nga sila ng mga ito ngunit naging doble ang pananakit ang ginawa sa kanila. Mas pinahirapan pa sila at kaunting pagkakamali lang ay napaparusahan na sila.

Katulad niya mga sampung taong gulang lang din ang kasama niya sa isang silda, sa murang edad nila ay namulat sila sa isang lugar na puno ng pananakit at punong puno ng mga demonyo.

***

Lumipas pa ang ilang taon hanggang sa tumuntong na ang batang ito sa labing-limang taon gulang, nagtagumpay siyang nakaalis sa kagubatan noon at ngayon ay naninirahan na siya sa isa sa kaharian ng Morian Empire.

Sa nakalipas na limang taon ay naging kilala ang binatang si Gen sa kaharian ng Fladus Kingdom, mabuting binata si Gen at maayos siyang namumuhay sa kaharian. Sa pamamagitan ng pagpaslang ng mga Magical Beast sa paligid ng kaharian ay nagkakaroon ng sapat na salapi ang binata upang kanyang ikabuhay.

Pumapatay siya ng mga Magical Beast at ibinibinta ang ibang parte ng katawan ng hayop upang magkaroon ng pera, sa nakalipas na panahon ay naging kilala ang binatang si Gen hindi lang dahil sa mabait ito kundi dahil sa magaling rin ito pagdating sa labanan.

Maraming sumubok sa kakayahan ng binata at siyempre ay ang mga sumubok ay katulad lang din niyang binata, nagkakaroon pa ng dwelo at pustahan kaya oras na manalo ang binatang si Gen ay nagkakaroon rin siya ng pera.

May isang lalaking Adventurer ang nagbigay kay Gen ng isang sibat na Armament at i'yon ang ginagawang armas ng binata.

***

[Gen]

"Natapos narin..."

Isang oras rin bago ko napatay ang dalawang tigreng i'yon, pinupulot ko na ngayon ang bangkay ng dalawang tigre. Gamit ang patalim ng aking sibat ay pinaghihiwa ko na ang bangkay ng dalawang tigre, isinalin ko rin ang dugo nila sa galon na dala dala ko.

Ang mga kuku, balahibo at ibang parte ng katawan nila ay kinuha ko, importante ang bawat parte ng katawan ng dalawang tigre na ito dahil sa pwedi ko ito ibenta sa bayan. Ang parte naman na pweding kainin ay inilagay ko sa Magic Bag ko, sa lahat ng parte na nakuha ko ay tatagal na ito ng halos isang buwan na kainan at hindi na ako mamomroplema pagdating sa pagkain.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon