CHAPTER 13

423 64 2
                                    

[Gen]

Tatlong araw narin ang nakalipas simula noong nagsanay ako dito sa kakaibang silid, ang silid na may kagubatan, lawa, bundok at ordinaryong bahay. Kakaiba talaga ang silid na ito, kompleto rin ito sa kagamitan kaya wala akong naging problema.

May mga Magical Beast rin akong nakalaban dito at i'yon ang naging daan sa pagsasanay ko, lumalabas lang ang mga Level 3 Magical Beast tuwing tinatawag ko ito. Ang sabi saakin ni Kian ay mga alaga 'raw ito ng Great Dragon at ginawa niya ang kakaibang silid na ito para sa kanyang nasasakupan. Katulad namin na mga studyante niya.

Sa tatlong araw kung pananatili dito ay naging kasama ko si Kian, naging mas malapit pa kami sa isa't isa at mas nakilala namin ang bawat isa. Katulad ko, nag-iisa nalang din sa buhay si Kian at inampon lang daw siya ni Great Dragon. Malaki ang pasasalamat niya kay guro dahil kung hindi dahil sa kanya ay baka patay na siya sa matinding gutom, palaboy laboy nalang daw siya noon dahil sa bata palang siya ay inabanduna na siya ng kanyang pamilya.

Simula noong pumasok ako sa silid na ito ay hindi na muli akong lumabas, nanatili ako dito ng tatlong araw at walang sinayang na oras. Nagsasanay ako sa lahat ng oras, nagpapahinga lang kung hindi na talaga kaya ng katawan ko. Araw at Gabi akong nagsasanay at nadadala na si Kian saakin, ang noo'y nanonood lang ay nakikisabay na. Ayaw raw niyang mapag-iwanan ko siya kaya magsasanay daw din siya oras na magsasanay ako.

Simula kasi noong nakaapak na ako ng Level 4 Fighter ay hindi narin nagpapahuli si Kian, naabutan ko na nga ang ranggo niya ngunit malaki naman ang agwat ng lakas namin. Matagal tagal na siyang nanatili sa Level 4 Assassin at sigurado akong kunting pagsasanay nalang ay maabot narin niya ang Level 5 Assassin.

At isa pa, Assassin si Kian at Fighter ako kaya malaki talaga ang agwat ng lakas namin. Minsan narin kaming nagdwelo ni Kian at natalo ako, hindi ko siya masundan dahil sa sobrang bilis niya. At isa pa, habang tinitingnan ko siya ay parang napakagaan lang niya kung kumilos, para lang siyang sumasabay sa hangin dahil sa bilis na ipinapakita niya.

Narating ko na ang Level 4 Fighter pero magpahanggang ngayon ay wala parin akong nakukuhang bagong Skill, pero kahit na ganon ay pakiramdam kung mas lumakas naman ang pinakaunang Skill ko. Ang Spear Flip, mas malaki na kasi ang nagiging pinsala nito at oras na tumama ito sa pinakamahinang parte ng katawan ay siguradong hindi na makakatayo ang natamaan.

Ang sabi ni Kian ay natural lang daw ang pangyayaring i'yon, halos lahat naman daw ay ganoon ang nangyayari at sobrang tagal kung matuklasan ang ikatlong Skill. Kahit na siya ay dalawang Skill lang din ang meron.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga ngayon ni Kian, kakatapos lang naming kumain at ngayon ay nagpapahinga lang saglit dahil mamaya maya lang ay magsasanay na ulit kami.

"Ano ba ang pangarap mo, Gen?." Bahagya akong natigilan sa naging tanong ni Kian, napakuyom ang aking kamao dahil sa naalala ko na naman ang aking mga magulang.

Napansin ata niyang nag-iba ang aura ko kaya binago niya ang usapan namin. Pero wala namang dahilan upang hindi ko sagutin ang tanong niya.

"Isa sa mga pangarap ko ay ang makitang muli sina ama at ina, ipaghihigante ko rin sila at uubusin ko ang lahat ng lahi ng mga demonyo." Alam narin ni Kain ang tungkol sa bagay na ito, naikwento ko na ito sa kanya dahil sa sobrang palatanong niya.

Tumango tango si Kian sa naging sagot ko, mukhang inaasahan narin naman niya ang sagot ko sa katanungan niya.

"Ikaw Kian, ano naman ang pangarap mo?." Balik na tanong ko sa kanya.

"Ako? Hmm... Wala."

"Wala?."

"Oo, wala. Wala akong pangarap eh."

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon