[Gen]
Nakauwi na ako at nakahiga na, matapos ang kwentuhan doon sa bahay aliwan ay agad na akong umuwi. Maraming kwento ang nabanggit ngunit hindi ko na napakinggan ang mga kwento nila, naging blanko ang isip ko mula noong malaman ko ang naganap na digmaan sa pagitan ng mga demonyo at ng Morian Empire.
Nasagot ng retiradong kawal ang unang tanong ko ngunit ang pangalawang tanong ay hindi siya sumagot, malaki ang hinihingi niyang salapi at wala akong ganoon kaya hindi rin niya sinagot ang katanungan ko.
"Nasa pangangalaga ng Empiryo ang lahat ng nailigtas at sa pagkakaalam ko ay naging mabuti na ang kalagayan nila." Ito ang naging sagot ng retiradong kawal sa unang tanong ko.
Nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa sagot ng retiradong kawal ngunit nangangamba rin akong baka wala doon sina ama't ina.
Kaya naman, nagtanong ulit ako.
"Maari ko po bang malaman kung sino sino ang mga nailigtas na bihag?"
Disidedo na ako, kahit pa gastusin ko ang lahat ng salaping meron ako ay gagawin ko. Gusto kong malaman kung nasa maayos na lagay ba ang mga magulang ko at para narin mapanatag ang kalooban ko.
Mula sa bulsa ng retiradong kawal ay may kinuha ito, isa papel at ipinakita niya ito saakin.
"Ang pangalan ng lahat ng nailigtas ay nakasulat sa papel na ito, ngunit hindi ko maaring sabihin sayo kung sino sino sila. Limampung Gold Coins at makukuha mo ang sagot sa katanungan mo."
Ito ang naging sagot ng retiradong kawal.
Limampung Gold Coins ang kailangan ko at makukuha ko ang sagot sa katanungan ko.
Saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga? Limampung Gold Coins ang kailangan samantalang ang meron lang ako ay tatlong Gold Coins, sobrang laki pa ng kailangan ko.
"Bukas na bukas rin ay lalabas akong muli sa bayan upang mangaso, kailangan na kailangan ko ngayon ng pera upang malaman at makuha any sagot sa katanungan ko."
Kahit na walang kasiguraduhan na nakalista ang pangalan ng aking mga magulang doon ay gagawin ko parin ang lahat makuha lang ang listahan na i'yon, nagbabakasakiling nandoon sina ama't ina.
***
Umaga palang ay nilisan ko na ang bayan at pumunta sa bundok upang mangaso, hindi naman ako lumalayo masyado sa bayan at hindi rin ako masyadong pumapasok sa mga sulok ng kagubatan dahil sa nakakatakot na ang mga hayop doon.
Nag-baon lang ako para sa pananghalian ko, isa nga akong Adventurer ngunit sa lakas ko ngayon ay nakakaramdam parin ako ng gutom. Pwe'ra nalang sa ibang malalakas na Adventurer, siguradong ilang araw din silang hindi makakaramdam ng gutom.
Isang araw akong mangangaso ngayon at hanggat hindi napupuno ang mga dala kong lagayan ay hindi ako uuwi, kailangan ko ng malaking halaga ngayon upang malaman kung nasa maayos bang kalagayan ang mga magulang ko.
Naglalakad ako ngayon dito sa kagubatan at naghahanap ng mabibktimang Magical Beast, sana nga lang ay hindi ako makatagpo ng malalakas ng Magical Beast.
Hindi nagtagal ay nakahanap narin ako, isang itim na lobo at mukhang nagpapahinga ito.
"Pasensiya na ngunit ikaw ang una kong mabibiktima."
Gamit ang sibat ko ay pasurpresa kung inatake ang itim na lobo.
[Second Skill: Spear Strike!]
Limang metro pa ang layo ko mula sa lobo ngunit dahil sa Skill ko ay agad din akong tumalon at patusok na inatake ang lobo, nakita kung nagulat pa ang lobo dahil sa atake ko ngunit dahil sa iksaktong sa dibdib mismo tumarak ang sibat ko ay binawian agad ito ng buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/245161793-288-k553902.jpg)
BINABASA MO ANG
Dragon Spear [Fighter-Series 1]
FantasyIsang binata ang gustong maghiganti para sa kanyang mga magulang, nagpalakas siya ng ilang taon at hanggang sa dumating ang panahon na naglakbay na siya. Ngunit, sa paglalakbay ng binata ay may isang trahedya ang hindi niya inaasahan. Isang grupo an...