CHAPTER 22

341 50 1
                                    

[Gen]

Ilang araw na ang nakalipas simula noong matapos namin ang C Class Mission, kumuha pa kami ng mga misyon ni Kian at lahat ng i'yon ay matagumpay naming nagagawa.

Noong nakaraang linggo ay pinadala kaming dalawa ni Kian ni guro sa isang digmaan, at ang digmaan na i'yon ay sa pagitan ng White Sphinx Kingdom at Black Sphinx Kingdom. Ipinadala kami doon ni guro upang tulongan ang White Sphinx Kingdom, sila kasi ang inatake ng Black Sphinx Kingdom at mabuti nalang ay nagpadala ng maraming kawal at magagaling na tauhan ang Red Sphinx Kingdom upang tulongan ang kanilang kaanib na kaharian.

At dahil doon ay matagumpay naming natalo ang Black Sphinx Kingdom, tumagal ng isang araw at isang gabi ang digmaan at mabuti nalang ay nakatagal kami ng ganoon ni Kian.

At ngayon, nandito kami ni Kian sa silid pagsasanay at kakatapos lang naming magsanay. Kailangan narin naman naming lumabas ngayon dahil ngayon na magsisimula ang pagdiriwang ng pasko.

Wala paring pinagbago sa lakas namin ni Kian pero pakiramdam ko naman ay malapit na naming marating ang susunod na antas, lalong lalo na siguro si Kian.

Nangmakalabas kami ng silid pagsasanay ay dumiritso na agad kami sa palasyo, ang mga palamuting nakapalibot sa buong palasyo ay siyang mas nagbigay pa ganda ng buong palasyo.

"Saktong sakto at nandito na kayo, halina kayo at ng magsimula na tayo." Saad ni guro noong makita niya kami ni Kian na papalapit sa malaki at sobrang habang lamesa. Pinaupo niya kami sa tabi niya at kaharap na namin ngayon ang mga masasarap na pagkain.

Nagsasalita ang isa sa mga Ministro at lahat naman ay nakikinig sa kanya, nagpapasalamat lang naman siya sa mga bigating bisita na dumating. Nang matapos ang kanyang mahaba habang salaysay ay doon narin naman sinimulan ang masayang handaan.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nanatili doon sa palasyo para lang kumain at makipagkwetuhan sa mga nandoon, dahil narin mga studyante kami ni Great Dragon ay nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap ang ibang bigating bisita. Habang kausap ko nga sila ay pilit kung pinakiramdaman ang kanilang totoong lakas ngunit kahit na anong gawin ko ay hindi ko maramdaman.

Presensiya palang nila ay karespe-respeto na.

Hating gabi na noong makalabas kami ni Kian sa palasyo, sa sobrang tagal naming pananatili doon ay hindi na namin napansin ang oras. Napagpasyahan namin ni Kian na maglibot libot dito sa buong Great Dragon Lands at makisaya sa lahat ng mamamayan.

Lahat ng madadaanan namin ay nakikisali kami sa kanilang kasiyahan at lahat naman sa kanila ay nakisaya saamin at hindi inisip kung ano ang katayuan naming dalawa ni Kian dito sa Great Dragon Lands, mas maayos nga ang ganun para hindi sila mahiyang makipag-usap saamin.

Pumasok rin kami mga gusali at nakisali rin kami sa mga paligsahan nila, may labanan na nagaganap sa munting entablado nila at pumusta kami ni Kian sa bawat magkalaban. At sa kabutihang palad ay nanalo ako at talo si Kian.

Pumasok rin kami sa bahay inuman at doon na kami nanatili ni Kian hanggang magdamag, madaming kwento ang nasabi at lahat i'yon ay nakakasabik pakinggan.


***



Lumipas ang mga araw at wala akong ibang ginawa kundi ang kumuha ng mga misyon, hindi ko parin kasi alam kung nasaan ang ibang demonyo kaya ngayon ay ang ginagawa ko nalang ay kumuha ng mga misyon at magbabakasakali ring makasagap ako ng mga impormasyon patungkol sa mga demonyo. Ako lang mag-isa dahil sa naging abala si Kian nitong mga nakaraang araw, may inutos daw kasi si guro sa kanya.

Isa na akong Level 8 Fighter ngayon at naunahan ko na si Kian dahil sa naiwan na niya ang kanyang pagsasanay dahil nga abala siya sa inutos ni guro, isa na akong Level 8 Fighter ngunit magpahanggang ngayon ay wala parin akong pang-ikatlong Skill. Hindi ko alam kung ano ang problema, saakin ba o kulang lang talaga ako ng talento kaya nagkakaganito, pero ang sabi ni guro ay tutulongan daw niya akong malaman at makuha ang ikatlo kung Skill.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon