PROLOGUE

1K 84 1
                                    

Sa isang planeta na kung saan tinatawag itong Northern Planet ay doon makikita ang iba't ibang lahi na payapang namumuhay, mga ordinaryong tao, Mandirigma, Mahikiro't mahikira, mga Elf's, Dwarf's, demonyo, Witch at marami pang iba.

Sobrang laki ng planeta at at tanging iisang kontinente lamang ang makikita rito at tinatawag lang din nila itong Northern Continent, maraming kastilyo, imperyo, at angkan ang nabubuhay sa kontinenteng ito. At noong una ay payapa lamang silang namumuhay roon, pero dahil sa dumating ang panahon na nakakaramdam na ng ganid at sakim ang ibang lahi ay nagkakaroon na ng labanan sa iba't ibang lahi.

Naiinggit narin ang ibang lahi sa kung ano ang meron ang ibang lahi kaya nagdudulot i'yon ng malaking labanan sa buong planeta. At isa na doon ay ang dalawang lahi na tinatawag na demonyo at Witch. Parehong malalakas ang dalawang lahi at parehong gusto ng dalawang lahi na pamunuan ang buong planeta, ngunit dahil sa mapagmataas ang lahi ng demonyo at Witch ay hindi  nila nais pamunuan sila ng kahit sino sa kanilang lahi at nais nila iisang lahi lang ang mamuno sa buong planeta.

Hanggang sa umabot na sa puntong naglaban na ang demonyo at Witch, sa labanang i'yon ay doon nila papatunayan na isa lang sa kanilang lahi ang dapat na mamuno at sumakop sa buong planeta. Tumagal ang labanan ng halos dalawang dekada at sa nakalipas na panahon ay doon nila nakita ang resulta sa labanan nila, ang milyon milyong demonyo at Witch ay iilan na lamang ang natira at tanging ang malalakas na lang ang natira sa labanan. Sugatan pa sila at pagod na pagod dahil sa sobrang tagal na nilang naglaban, dalawang dekada na ang lumipas at nakaramdam na sila ng sobrang kapaguran dahil sa sobrang tagal na paglalaban.

Hanggang sa umabot na sa puntong itinigil na ng dalawang lahi ang giyera at nagkasundo sila sa isang kasunduan na sila pa mismo ang gumawa. Napagkasunduan ng dalawang lahi na sabay nilang sasakupin ang buong planeta at ang dalawang lahi nila ang mamumuno sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa Northern Planet.

Ngunit may isang pangyayari ang hindi nila inaasahan, sa lugar na ginanapan mismo ng digmaan ay napalibutan ang dalawang lahi ng lahi ng mga Mandirigma at Mage. Kahit na hindi nagkakasundo ang dalawang lahi na ito ay isinantabi muna nila i'yon, mga dugong tao parin sila at mapagmataas rin sila kaya napagkasunduan din ng dalawang lahi na pasurpresang kalabanin ang lahi ng demonyo at Witch. Hindi naman kasi lingid sa kaalam ng lahat ang tungkol sa nagaganap na digmaan sa pagitan ng demonyo at Witch, kalat na kalat i'yon sa buong planeta at napagkasunduan nga ng ibang lahi na makisali sa digmaan sa pagitan ng demonyo at Witch.

Malalakas ang mga Mandirigma at Mage na kumalaban sa mga demonyo at Witch at nagtagumpay nga silang paslangin ang halos lahat ng nandoon na demonyo at Witch.

Pero, kahit na matagumpay nilang natalo ang dalawang lahi ay kalahati naman sa kanila ang nawala at namatay. May iilan sa mga demonyo at Witch na nakatakas at may dala dalang tig-iisang Mandirigma o kaya ay Mage.

Matapos ang digmaang i'yon ay naging tahimik muli ang Northern Planet, patuloy na namuhay ang iba't ibang lahi sa planetang i'yon at hindi parin mawala wala ang mga digmaan laban sa iba't ibang kaharian o imperyo.

***

Lumipas ang mga panahon hanggang sa dumating ang oras na naging sobrang talino na ng ibang tao, mapa Adventurer man o ibang lahi. Nakakagawa na sila ng sarili nilang computer, laboratory at nageeksperemento narin sila. 

Sobrang dami ng pinagbago sa Northern Planet at hanggang sa dumating ang panahon na naging mas maganda ang pamumuhay ng mga tao, nakakagawa na sila ng iba't ibang inbento at marami pa silang nagawang mga kahanga hangang bagay.

Sa paglipas muli ng panahon ay doon na kumalat muli sa buong planeta na may kaharian na ang lahi ng mga demonyo at Witch, tama nga ang sabi sabi nila na darating talaga ang panahon na ito at malalaman nalang nila na may kaharian na ang dalawang lahi.

Ngunit hindi naman i'yon ikinatakot ng mga tao, matatalino na sila at may mga inbensiyon narin sila kaya hindi narin sila nakakaramdam ng takot.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon