[Gen]
Pumunta ako sa bahay aliwan upang tingnan kung nandoon parin ba ang retiradong kawal, mahirap na baka umalis ito ng hindi ko pa nakukuha sagot sa katanungan ko. Gusto kong makasigurado na hindi muna siya aalis dito sa bayan, at kung aalis man siya ay wala akong ibang magagawa kundi ang hanapin siya. Makuha lang ang sagot sa mga katanungan ko.
Pagkapasok ko palang ay sobrang ingay na, malalakas na tawanan at kwentuhan ang namayani sa loob ng bahay aliwan. May roon ring mga bayarang babae na sumasayaw sa gitna.
Una kong hinanap ang retiradong kawal at nakita ko rin naman agad ito, mag-isang umiinom sa lamesa at nalilibang sa mga nagsasayawang babae.
Nilapitan ko siya at umupo sa harap niya dahilan upang mapatingin ito sa gawi ko."Hindi ba't ikaw yong binatang interisado sa kwento ko?" Tanong agad nito saakin.
Tumango ako at nagsalita.
"Ako nga po."
"Pasensiya na bata, ngunit hanggat wala kang sapat na salapi ay hindi mo makukuha ang kasagutan sa tanong mo." Diretsong hayag nito at lumagok pa ng alak na iniinom niya.
"Alam ko po ang bagay na i'yon. Bukas ng gabi, babalik ako dito at dala ko na ang hinihingi mong bayad. Siguraduhin mo lang na totoo ang sagot mo sa katanungan ko." Seryosong saad ko.
Tumawa ng bahagya ang retiradong kawal, uminom muna ito bago sumagot.
"Hanggat kompleto ang ibabayad mo ay kompletong kasagutan rin ang makukuha mo, maghihintay ako dito hanggang bukas ng gabi at kung hindi ka dadating ay lilisanin ko na ang bayan na ito."
Matapos ang usapan naming i'yon ay agad narin akong umalis sa bahay aliwan, kailangan kong maghanda lalo na't may laban pa ako bukas.
***
Kinabukasan, umaga palang ay nagising na ako at naghanda. Matapos kung kumain ay nagsanay na agad ako, ilang oras din akong nagsanay gamit ang inerhiya sa paligid at sa ilang oras kung pagsasanay ay hindi man lang tumaas ang ranggo ko. Nagsanay rin ako gamit ang aking sibat upang kahit papaano ay mapabilis ko ang aking pagkilos.
Lumipas ang mga oras hanggang sa sumapit na ang tanghali, tumigil na ako sa pagsasanay at nagpahinga lang saglit. Kumain narin ako at naghanda para sa pagpunta sa Arena.
"Kinakabahan ako sa magiging laban ko, sana lang talaga ay maipanalo ko ito." Nananalangin na hindi matalo sa labanang ito dahil kung matalo ako ay masasayang lang pag-iipon ko.
Dalawampung Gold Coins ang sugal ko at wala na akong natitirang salapi, gagawin ko ang lahat manalo lang sa labanang ito.
Matapos kong maghanda ay agad ko ring nilisan ang nirerentahan kong bahay, pagkarating ko sa Arena ay agad na akong pumasok. Madaming tao ngayon sa Arena at mayroon ring naglalaban sa nag-iisang entablado.
"Gen! May laban ka pala ngayon?" Napatingin ako sa kiliran ko at doon ay nakita ko si Lucas, isa sa mga kakilala ko dito sa bayan ng Fladus Kingdom.
Tumango ako at sumagot.
"Oo, mukhang ako na nga ang susunod na lalaban." Makikita kasi sa itaas ng entablado ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan, at ako na ang susunod na lalaban.
"Ganoon ba, galingan mo Gen dahil pupusta ako ngayon sayo tiwala naman ako na ikaw na naman ang mananalo." Sabi pa nito at nagpaalam na saakin dahil sa pupusta daw siya saakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/245161793-288-k553902.jpg)
BINABASA MO ANG
Dragon Spear [Fighter-Series 1]
FantasiIsang binata ang gustong maghiganti para sa kanyang mga magulang, nagpalakas siya ng ilang taon at hanggang sa dumating ang panahon na naglakbay na siya. Ngunit, sa paglalakbay ng binata ay may isang trahedya ang hindi niya inaasahan. Isang grupo an...