CHAPTER 2

647 75 1
                                        

Nasa loob na ng bahay aliwan si Gen, umiinom at nagmamasid sa paligid. May ilan ilan ring nakakakilala kay Gen at ito ay dahil sa kumakalat na balita na may angking talento ang binata, pero iilan lamang ang nakakakilala sa kanya dahil sa hindi naman siya ganong ka sikat na binata.

Hindi katulad ng mga naririnig na kwento ni Gen mula sa mga maglalakbay, iba't ibang lahi ang naroroon sa bahay aliwan at lahat sila ay masayang nagkukwentuhan. Nag-iisa lamang si Gen sa lamesa niya at mag-isang umiinom.

May Beast Man, Elf, Dwarf, Mage at marami pang ibang lahi ang naroroon, may mga bagong mukha ring nakikita si Gen at nasisigurado siyang mga maglalakbay ito. Isa rin sa pangarap ni Gen ay ang maglakbay at tulongan ang mga bayan o nayon na nangangailangan ng tulong, pero, hindi pa muna niya i'yon magagawa ngayon dahil sa mahina pa lamang siya at kung maglalakbay man siya ay siguradong ikakapahamak lamang i'yon ng kangyang buhay.

Lumipas ang ilang oras hanggang sa napuno na ang buong bahay aliwan, maghahating gabi narin ngunit hindi ito alintana ng mga nilalang na nasa loob ng bahay aliwan. Nag-iinoman silang lahat doon at masayang nagkukwentuhan, nagmamasid lang ang binatang si Gen at naghihintay lang na magpalitan ng mga impormasyon ang mga maglalakbay na nanggaling pa sa iba't ibang Kaharian.

TING! TING! TING!

Tumunog ng tatlong beses ang kampanilya at hudyat lamang i'yon na magsitahimik na ang lahat, tumahimik ang buong aliwan at walang kahit anong maririnig doon.

'Ito na ang pinakahihintay ko, nasasabik na akong muli na marinig ang mga kwentuhan nila.'

Tumayo ang isang maglalakbay na lalaki at nakuha nito ang atensiyon nina Gen.

"Isa akong Adventurer at naglalakbay ako sa iba't ibang Kaharian dito sa Northern Continent, at dahil sa manlalakbay ako ay hindi ko maiwasan ang hindi marinig ang mga usap usapan patungkol sa mga Ninja." Simulang kwento ng lalaking manlalakbay.

Naging interesado naman ang mga nilalang na nasa loob ng bahay aliwan, kahit si Gen ay naging interesado dito at mataman na nakikinig sa ikinikwento ng lalaking manlalakbay.

"Ang lugar ng Ega ay ang lugar ng kung saan doon naninirahan ang mga Shadow, kilala ang lugar na ito at kinatatakutan itong puntahan dahil sa punong puno ito ng mga Ninja. May isang angkan ang nangunguna sa lahat at ito ay ang Scarlet Shadow, sa pagkakaalam ko ang Scarlet Shadow ay nahahati sa dalawang angkan ngunit dahil sa magkaalyansa na ang dalawang angkan ay nabuo na ito sa isang grupo."

"Ngunit, nitong mga nakaraang taon ay kumalat sa buong Northern Continent na nagkabuwag ang dalawang angkan at ang noong Scarlet Shadow Sect ay naging dalawang Sect na ngayon. Sa mga narinig ko ay nagkabuwag ang dalawang angkan na ito dahil sa hindi na nagkakaunawaan ang bawat isang miyembro nila at hanggang sa humantong na sa puntong nagkabuwag na ang dalawang angkan.

"Ang noo'y magkasamang angkan at ang noo'y payapang angkan ay nagkabuwag at nahati na sa dalawang angkan, ang Scarlet Sect at ang Shadow Sect. Magkalaban narin ang dalawang angkan na ito at sa pagkakaalam ko ay nagpapalakasan narin sila."

Saglit na huminto sa pagkukwento ang lalaking manlalakbay at lumagok muna ng alak bago nagpatuloy.

"Lumipas ang mga taon hanggang sa may ipinanganak na pinakatalentadong Ninja sa buong angkan ng Shadow Sect, sinanay ng mga Elder ang bata hanggang sa magbinata na ito. Sobrang lakas ng binatang Ninja na i'yon at kahit ang namumuno sa Shadow Sect ay kayang kayang talunin ng binata."

"Hanggang sa dumating ang panahon na napagdisyonan ng Shadow Sect na lusubin ang angkan ng Scarlet Sect upang mapasakanila na muli ang tiretoryo ng mga ito, at noong palusob na sila ay hindi nila inaasahan ang ginawa ng isa sa miyembro ng Shadow Sect—ang binatang pinakamalakas sa angkan ng Shadow Sect."

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon