CHAPTER 9

482 74 1
                                    

[Gen]

"Humanda ka, Tanda. Ipapatikim ko sayo ang bagsik ng mga kamao ko!"

Sinugod ko ang matanda at pinag-aatake ito gamit ang kamay at paa ko, puro ilag lang ito kaya hindi ako makatama kahit na isang beses. Inaamin ko, mabilis siya at hindi ko nasasabayan ang mga kilos niya.

Pero, dahil sa ginawa niya saakin kanina ay hindi ko siya mapapatawad at hindi ko papalampasin ang mga ginawa niya. Itinali niya ako sa itaas ng puno at hinayaang mahulog! Hindi ako magtitimpi dahil sa mga ginawa niya saakin!

"Puro ilag ka nalang ba, tanda? Napakawalang kwenta mo—ARGH!" Hindi paman ako natatapos sa pagsasalita ay isang kamao na ang tumama sa sikmura ko dahilan upang mapaluhod ako sa sahig habang hawak hawak ang aking tiyan.

Ang sakit! Walang awa talaga itong matandang ito, parusahan ka sana ng mga diyos, tanda! 

"Kamusta ang bagsik ng kamao ko?." Saad ng kasuklam-suklam na matanda habang hinihimas ang kanyang kamao.

Kahit na nahihirapan ay pilit akong tumayo. Hawak hawak ang tiyan at masamang tumingin sa matandang nakangisi saakin, masakit ang ginawa niya at ramdam na ramdam ko i'yon.

Humanda ka tanda, ipapakita ko na talaga sayo kong gaano ako kalakas. Isa na ako Level 3 Fighter at patungo na sa Level 4 Fighter, humanda ka.

Tiningnan ko ang Magic Bag ko at laking pasasalamat ko dahil sa nandoon pa ang sibat, pero. Wala na doon ang mamahaling Pill na kakabili ko lang, masamang tingin ang ipinukol ko sa matanda at ang matanda ay nakangisi lang! Magnanakaw nga talaga ang matandang ito!

"Hoy tanda! Ibalik mo ang Pill na ninakaw mo saakin! Mahal ang bili ko 'don at pinag-ipunan ko i'yon ng ilang buwan kaya ibalik mo i'yon saakin!." Sigaw ko at inilabas na ang sibat ko na siya pa mismo ang nagbigay nito saakin noon.

Ayoko sanang gamitin ito ngunit wala na akong mapagpipilian, wala na akong ibang sandata maliban sa sibat na ito.

May isang Pill ang lumabas sa kamay ng matanda at hula ko ay nanggaling i'yon sa suot suot niyang Insterspartial Ring, isang pamilyar na Pill ang hawak hawak ng matanda at sigurado akong saakin i'yon. Ang Level 3 Red Scarlet Fighter Pill ko! Sabi ko na nga ba at magnanakaw talaga ang matandang ito.

"Ito ba ang hinahanap mo? Gusto mo ba itong makuhang muli? Bakit hindi mo ito kunin saakin? Gen Tyler." Winagayway ng matanda ang Pill sa harap ko.

Ngunit ang ikinagulat ko ay kung bakit alam ng matanda ang pangalan ko.

Pero, ipinagsawalang bahala ko muna i'yon. Winasiwasiwas ko ang aking sibat at masamang tiningnan ang kaharap na matanda.

"Ibalik mo saakin i'yan, tanda!"

Tumakbo ako patungo sa kanya samantalang siya ay nakatayo lang doon at para bang hinihintay ang gagawin ko pag-atake, nanglimang metro nalang ang layo ay ginamit ko na ang isa sa dalawa kong Skill.

[Second Skill: Spear Strike!"]

Tumalon ako at patusok na bumulusok patungo sa nakatayong matanda.

SWOSH!

Hindi ako makapaniwalang madali lang na nailagan ng matanda ang atake ko, sa bilis kong i'yon ay nagawa niya paring makailag? Mukhang hindi nga ordinaryong matanda itong kaharap ko, kung hindi lang sana ito magnanakaw ay baka napahanga na ako sa talento nito.

Pagkatapak ko sa lupa ay agad ko ring pinag-aatake ang matanda gamit ang sibat, ngunit lahat ng wasiwas at atake ko ay madali lang para sa kanya na ilagan na para bang alam na alam niya ang lahat ng susunod kong atake.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon