CHAPTER 8

470 70 5
                                    

Isang linggo din akong nagsanay sa loob ng aking sariling silid, walang ibang ginawa kundi ang maghigop ng inerhiya sa paligid. Sa loob ng isang linggo ay naubos ko na ang isang Pill, ramdam ko kasing wala ng kakaiba sa loob ng katawan ko at hudyat lamang i'yon na tuluyan ng natunaw ang Pill na ginamit ko.

Ramdam na ramdam ko ang sariling lakas ko, malapit na. Malapit ko ng marating ang susunod na ranggo at kunting pisikal na pagsasanay nalang ay siguradong maabot ko na ang Level 4 Fighter.

Sa isang linggong pagsasanay ko ay hindi ako nakaramdam ng gutom dahil narin siguro sa Pill na ginamit ko, pero noong natunaw na ang Pill ay sobra sobrang gutom ang naramdaman ko na para bang gusto ko ng kumain ng kahit anong bagay.

Umaga na noong matapos ako sa lahat ng gawain ko, tapos na akong kumain at naghahanda na para bumalik sa kagubatan. Ngayon ay magsasanay na naman ako gamit ang pisikal na lakas upang marating ko na ang susunod na antas. Sigurado kasi akong kunting pisikal na pagsasanay nalang ay mararating ko na ang Level 4 Fighter.

"Nasasabik na akong malaman kung anong klasing Skill o kaalaman na naman ang matututunan ko."

Nilisan ko ang nirerentahan kong bahay at naglakad na palabas ng bayan, nasasabik na akong tumuntong sa Level 4 Fighter!

***

Tuluyan na ngang nakalabas ng bayan ang binatang si Gen, naglalakad na siya patungo sa kagubatan at mapapansing sa mukha ng binata ang sigla at pananabik.

Ngunit, hindi alam o napansin ng binata na may isang grupo ang nagmamatyag sa bawat kilos niya. Isang linggo ng minamatyagan ng grupong ito ang binatang si Gen at ngayong araw lang nila itong nakitang lumabas sa bayan na ikinasaya naman ng grupo.

Walang kaalam alam ang binata na sinusundan na pala siya ng masasamang grupo, naglalakad na ang binata sa daan patungo sa kagubatan at sinusundan naman ito ng grupo.

Nangmakapasok na ang binata sa kagubatan ay doon na nagsimula ang plano ng grupo, inilabas ng isa ang isang pana at nilagyan ng palasong may halong pampatulog. Pinuntirya ng lalaki ang braso ng binata at narinig pa nila ang pagdaing ng binata noong nadaplisan ito sa braso.

Hindi na nagawang lumaban ng binata dahil sa agad na siyang nakatulog noong nadaplisan siya ng palasong may halong pampatulog. Ang grupo naman ay agad na nagsilapitan sa binata at makikita ang ngisi sa bawat mukha ng limang lalaki.

"Kunin niyo ang Magic Bag niyan at tingnan kong nandiyan paba ang Level 3 Red Scarlet Fighter Pill." Utos agad ng isa sa limang lalaki; ang tumatayong pinuno ng grupo.

Kinuha ng isa ang Magic Bag ni Gen at dahil sa isang Formation Master ang lalaking ito ay hindi naging mahirap para sa kanyang ang tingnan ang loob ng Magic Bag ni Gen.

"Bukod sa nag-iisang Level 3 Red Scarlet Fighter Pill  ay wala ng kahanga hangang kayaman ang nandito sa Magic Bag ng binata, mukhang ginamit nga niya ang isang Pill sa loob ng isang linggo." Saad ng lalaki noong makita niya ang laman ng Magic Bag ni Gen.

"Mukhang naunahan tayo, pero sige kunin mo na i'yang isang Pill malaki laki rin naman ang kikitain natin diyan." Utos ng pinuno ng grupo at ininspeksiyon ang katawan ng natutulog na binata.

Nang wala namang makitang kayaman sa katawan ng binata ay napagdisyonan na ng grupo na umalis na at baka mahuli pa sila ng ibang mangangaso sa kagubatan, ibinalik nila ang Magic Bag ng binata sa pinaglagyan nito kanina at tanging ang Pill lang ang kinuha nila. Wala naman silang balak na patayin ang binata dahil unang una ay mga magnanakaw lamang sila at hindi mamamatay tao.

"Hahayaan niyo nalang bang iwanan ang binatang ito dito?"

Nang aalis na sana ang grupo ay napahinto sila dahil sa isang boses ang nagpatigil sa kanila, napalingon sila pinanggalingan ng boses at doon ay nakita nila ang isang matandang lalaki.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon