CHAPTER 4

546 70 0
                                    

[Gen]

Kagaya ng pagpatay ko sa unang pagong ay ganoon lang din ang ginawa ko sa natitirang pagong, at ngayon ay pinaghihiwa kuna ang bangkay ng dalawang pagong. Wala akong sinayang na parte at lahat at inilagay ko sa lagayang dala ko, lalong lalo na ang makapal na punlo.

Sigurado akong mahal ito dahil sa mataas narin ang kalidad ng materyalis na ito, pwede itong gawing baluti ng isang Blacksmith o di kaya ay isang kalasag.

Ang dugo ng tatlong Level 2 na napatay ko ay inilagay ko sa ibang galon, mas mataas ang kalidad nito kaysa sa ibang dugo dahil sa dugo ito ng isang Level 2 Magical Beast.

Nang matapos ko na ang lahat ay inilagay ko na itong lahat sa aking Magic Bag, pagkatapos ay nagpahinga lang ako saglit dahil sa napagod rin ako sa laro namin ng dalawang pagong.

Limang Level 1 Beast at tatlong Level 2 Magical Beast ang meron na ako ngayon, hindi ko alam kung magkano ang halaga nito oras na ibinta ko na ito pero sigurado akong kulang pa ito para sa hinihingi ng retiradong kawal na i'yon. Pero kahit ba ganon ay gagawin ko parin ang lahat makaipon lang ng limampung Gold Coins.

"Sana lang talaga ay isa sina ama't ina sa nailigtas ng Morian Empire."

Wala talagang makakatalo sa Empiryo ng Morian, malalakas ang mga kawal nila at sobrang dami pa nila. Katulad na lamang ng retiradong kawal na i'yon, isa siyang Level 10 Fighter. Sobrang lakas niya kahit na isa lamang siyang kawal ng Empiryo.

"Magdadapit hapon narin pala, mukhang hanggang dito nalang muna ang pangangaso ko. Dilekado dito sa kagubatan oras na mag-gabi na dahil sa gumagala na ang mga malalakas at nakakatakot na mga Magical Beast."

Tumayo na ako at inayos ang sarili.

***

Papasok na ako sa bayan at didiritso na ako sa tindahan ni Ginoong Robert, kanina lang habang papabalik na ako dito sa bayan ay nakatagpo pa ako ng isang Level 1 Beast kaya wala akong nagawa kundi ang patayin i'yon. Madali ko lang naman napatay ang Beast na i'yon at hindi ko na inilagay sa Magic Bag dahil sa puno na i'yon, binuhat ko nalang ito at nasa mga bisig ko ito. Hindi ko na ito ibibinta dahil sa pangkonsumo ko na ito.

Pagkarating ko sa tindahan ni Ginoong Robert ay hindi agad ako nakalapit dahil sa may nagbibinta rin, isang babae at kaedaran ko lang siguro ito. Masasabi kung maganda naman siya, kulay dilaw ang buhok at maputi ang balat na bumagay naman talaga sa kanyang buhok. Nakatalikod pa ito saakin ngunit masasabi ko ng maganda ito, walang duda.

Napansin siguro ng babae na tinitingnan ko ang likod niya kaya lumingon siya saakin, at doon ay nakumpirma kong maganda nga ito. Medyo singkit ang mata niya at matangos ang ilong, maganda nga.

"H'wag mo kong tingnan ng ganyan, manyakis!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ho-hoy! Hindi ha, natural nasaharap kita kaya natitingnan talaga kita. Maganda nga ang sungit naman." Medyo hininaan ko na ang boses ko sa huling sinabi ko.

Pero mukhang narinig pa talaga ng masungit na babaeng ito.

"May sinasabi ka?" Usisa nito at pina-ningkitan pa ako ng mata.

"Wa-wala!" Depensa ko

"Siguraduhin mo lang," Sabi pa nito at ibinalik na ang tingin kay Ginoong Robert.

'Ang sungit naman.'

Nangmatapos sila sa pag-uusap ay humarap na muli saakin ang masungit na babae, masama muna ako nitong tiningnan bago umalis.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon