CHAPTER 14

439 67 1
                                    

[Gen]

Isang E Class Mission ang kinuha namin ni Kian, ang misyon na isa sa mga pinakamadaling gawin. I'yon ang sabi ni Kian, ang mga E Class Mission daw ay madadali lang gawin dahil sa hindi naman mahirap ang ipinapagawa ng mga kliyente.

Ayon sa misyon, isang nayon ang nangangailangan ng tulong dahil sa may umaatake raw na mga Magical Beast sa nayon nila tuwing hating gabi. Sampung Gold Coins ang bayad oras na matapos ang misyon, nagreklamo pa nga si Kian dahil sa sobrang dali lang daw gawin ng misyon na ito at sobrang liit lang ng bayad. Pero wala na siyang nagawa dahil sa nakuha ko na ang misyon at hindi na ito pweding ibalik pa, kaya naman heto kami ngayon at naglalakad patungo sa palasyo.

Inabot kami ng ilang minutong paglalakad bago narating ang palasyo, medyo malayo kasi ang Mission Hall sa palasyo kaya ganon.

Pagkarating namin sa palasyo ay agad narin kaming pumasok at dumiritso sa kung saan nandoon si guro, pagkarating namin sa truno niya ay agad din niyang pinaalis ang ibang kawal na malapit saamin.

"Guro." Sabay naming saad ni Kian.

"Binabati ko kayo sa inyong tagumpay, pareho na kayo ngayong Level 5 at masaya ako para sa inyo. Aking mga studyante." Nagkatinginan kaming dalawa ni Kian dahil sa sinabi ni guro, pareho kaming napangiti sa papuri ni guro.

"Maraming salamat sa i'yong papuri, guro." Sabay naming pasalamat ni Kian.

Nakangiting tumango si guro.

"May napili naba kayong misyon?." Tanong ni guro.

Tumango ako at inilabas ang papel na kung saan doon nakasulat ang misyon.

"Opo guro, ang sabi ni Kian ay madali lang daw gawin ang misyon na ito dahil sa isa lang itong E Class Mission."

"Bakit isang E Class Mission lang ang kinuha niyo?." Nangunot ang noo ni guro, mukhang hindi niya inaasahan ang bagay na ito.

"Hinawakan ko lang naman kasi to kanina pero hindi ko naman inaasahan na matatanggal agad, hindi naman daw pwede itong ibalik dahil sa natanggal na 'raw." Paliwanag ko naman.

"Ayos lang, pagtiyagaan nalang natin. Oras na matapos to kukuha ulit tayo ng misyon at ako na ang pipili, maliwanag Gen?." Si Kian at inagaw saakin ang papel.

Tumango nalang ako bilang sagot.

Tumingin akong muli kay guro para sana magpaalam na ngunit hindi ko inaasahan ang kanyang itatanong.

"Gen, nabuksan mo na ba ang kahon?." Ito ang naging tanong ni guro, at dahil sa tanong niya ay doon ko lang naalala muli ang kahon. Masyado akong nasabik sa misyon kaya nakalimutan ko na ang kahon, akmang kukunin ko na ang kahon ng pigilan ako ni guro.

"H'wag mo munang buksan i'yan Gen, gusto kung ibigay mo muna ang i'yong buong atensiyon sa inyong misyon ngayon at kapag natapos na ang misyon ay doon mo nalang buksan. Bumalik ka muna dito bago ka magdisesyon, maliwanag?."

Saglit akong napaisip sa sinabi ni guro, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Masusunod, guro. Pagkatapos ng misyon na ito ay babalik muna kami dito at dito ko na bubuksan ang kahon." Paniguradong sagot ko.

Tumango si guro sa naging sagot ko, napatingin naman ako kay Kian na nakakunot ang noo at halatang walang ideya sa pinag-uusapan namin ni guro.

"Anong klasing kahon ba ang pinag-uusapan niyo?." Bulong na tanong niya saakin.

"Mamaya ko nalang sasabihin sayo."

"Gen, Kian. Tanggapin niyo ito."

Tinanggap ko ang isang gintong kard, wala akong kaalam alam kung para saan ang kard na ito.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon