[Gen]
Ilang araw narin ang nakalipas simula noong malaman ko ang tamang lokasyon ng mga demonyo, kahit na alam ko na kung nasaan ang lugar ay hindi na ako nangahas na sumugod doon. Tama ang mga sinabi ni guro saakin, mahina pa ako at hindi ko pa sila kayang labanan.
Humingi ako noon ng pabor kay Kian na kung pwede ay puntahan namin ang lugar pero hindi pumayag si Kian, ang sabi niya ay hindi pwede dahil baka mahalata o maramdaman kami ng mga demonyo lalong lalo na at hindi ako isang Assassin na pweding itago ang presensiya ko.
Hindi naman daw dapat ako mag-aalala kung sakaling umalis ang mga demonyo sa lugar na i'yon dahil sa nandon naman daw ang isa sa mga kawal ni guro at binabantayan ang mga demonyo mula sa malayo.
Nandito lang ako sa silid pagsasanay at walang ibang ginagawa kundi ang magsanay lang, kailangan kung bilisan ang pagpapalakas upang mapuntahan ko na ang lugar ng mga demonyo. Katulad nga ng sabi ni guro, hanggat hindi pa sapat ang lakas ko ay hindi niya ako papayagang umalis.
Kasama ko si Kian at sa kaunting panahon lang na pagsasanay ni Kian ay naabutan na naman niya ang lakas ko, ibang iba si Kian kapag siya na ang nagseryosong magsanay dahil sa sobrang bilis niyang mapataas ang kanyang antas at ang kanyang lakas.
Habang ako ay nananatili paring Level 8 Fighter. Sobrang hirap ng magpataas ng antas dahil sa mataas taas narin ang Level ko, habang tumaas kasi ang Level ay siya ring pagtagal ng pag-angat ng Level. Kung wala lang akong ginagamit na Pill ay siguradong hindi ako aabot sa kung nasaan ang naabot ko ngayon.
Ang sabi ni guro ay tutulongan niya ako sa pagsasanay ko, hindi lang ako kundi kaming dalawa ni Kian. Gagabayan daw niya kaming dalawa pero hindi pa sa ngayon dahil sa may kailangan pa siyang gawin, pero ang sabi naman niya na oras na matapos ang kanyang gawain ay siya na mismo ang magsasanay saamin.
Gamit ang aking sibat ay mabilis kung inatake ang dalawang Magical Beast, pinaikot-ikot ko iyon at pinutol ang ulo ng dalawang Pinosaurus. Limang Pinosaurus iyon kanina pero nangamatay na. Kaya ko na silang pagsabaysabaying lima pero medyo natatagalan parin akong patayin silang lahat.
Si Kian naman ay todo todo rin ang pagsasanay, gusto niyang sumama saakin at gusto rin niyang masubukan na kalabanin ang mga demonyo pero ang sabi niya ay hindi raw i'yon mga ordinaryong demonyo lang. Sila ang tinatawag na Demon Abyss at ang lahi nila ay iba iba, katulad ng mga tao ay may angkan rin silang kinabibilangan.
Hindi na ako nagpahinga at uminom nalang ng Recovery Pill upang manumbalik ang inerhiya at lakas na nawala saakin, ilang sandali lang ay nagtawag na naman ako ng mga Magical Beast at kinalaban an mga i'yon. Kung kinakailangang hindi na magpahinga at magsanay lang ng buong araw upang mas mapabilis ang paglakas ko ay gagawin ko, hindi ito para sa kapakanan ko bilang isang Fighter kundi bilang isang anak na kailangan ng mga magulang.
***
Napatigil kami sa pagsasanay ni Kian noong mapansin naming bumukas ang pinto ng silid pagsasanay, nagkatinginan pa kami ni Kian at nagtaka kung sino ang papasok. Simula kasi noong nagsanay kami dito ni Kian ay kaming dalawa lang palagi ang pumunta dito at nagsasanay, kaya ito ang unang beses na may papasok maliban saaming dalawa ni Kian.
Hindi naman nagtagal ay pumasok na ang isang matandang lalaki, nakasuot ng magarang damit at mala dragon na kulay gintong korona. Si Great Dragon.
Mabilisang pinatay namin ang mga Magical Beast na tinawag namin at lumapit agad kay guro, hindi ko alam na nakabalik na pala siya.
"Mas lalo kang bumilis Kian." Papuri ni guro kay Kain.
Napatingin naman ito saakin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Dragon Spear [Fighter-Series 1]
FantasyIsang binata ang gustong maghiganti para sa kanyang mga magulang, nagpalakas siya ng ilang taon at hanggang sa dumating ang panahon na naglakbay na siya. Ngunit, sa paglalakbay ng binata ay may isang trahedya ang hindi niya inaasahan. Isang grupo an...