[Gen]
Kakatapos lang naming kumain at ngayon ay kasalukuyan akong nagpapahinga sa ilalim ng malaking puno. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko, matapos ipaliwanag saakin ng lahat ng matanda ay doon na ako nahiya at walang lakas na magsalita.
Ang mga kayamanan na ipinakita niya saakin kanina ay ang patunay na hindi nga siya isang magnanakaw, nahihiya ako sa mga pinanggagawa ko kanina at hindi ko man lang naisip ang na baka nagkakamali lang ako at nangbibintang lang.
Wala akong lakas ng loob upang kausapin siya, nakapagpasalamat naman ako kanina sa kanya pero naiilang parin talaga ako.
"Alam ko kung anong klasing buhay ang meron ka, Gen." Napatingin ako sa matanda dahil sa sinabi nito, hindi ko pa alam kong ano ang pangalan kaya tanda muna ang itatawag ko.
"Alam ko rin na hinahanap mo ang i'yong mga magulang at alam ko rin kung saan matatagpuan ang ibang lahi ng mga demonyo." Doon na napantig ang pandinig ko, napalaki ang mga mata ko at hindi ko napigilan ang hindi mapatayo. Lalapit na sana ako sa matanda ng maalala ko ang mga pinanggagawa ko kanina.
"A-anong ibig mong sabihin?..... Alam mo kung nasaan ang mga magulang ko?." Umiling ang matanda at nagsalita.
"Hindi ako sigurado kung nasaan ang mga magulang mo pero alam ko kung nasaan ang ibang lahi ng mga demonyo na nakatakas mula sa digmaan walong taon na ang nakalipas. Malay mo nandoon ang mga magulang mo."
Alam niya kung nasaan ang lahi ng mga demonyo? Ibig sabihin rin nito ay may tsansa rin na baka nandoon ang aking mga magulang, at oras na makapunta ako roon ay maiiligtas ko na sila at ang iba pang bihag.
"Saan? Saan ko sila matatagpuan? Sabihin mo saakin ngayon din tanda dahil pupuntahan ko na sila ngayon ngayon din at ililigtas ko sila ama at ina." Nasasabik at natatarantang tanong ko.
Sa muling pagkakataon ay nakita kong umiling muli ang matanda.
"Isangdaang milyong Gold Coins ang bayad para sa impormasyong ito." Dire-diretsong saad ng matanda.
Napakurap-kurap naman ako sa narinig, napanganga pa ang aking bibig dahil sa halagang binanggit ng matanda. I-isangdaang milyong Gold Coins? Nagbibiro ba siya? Saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaga?
"A-ano?!" Tanging nasambit ko nalamang.
"Kong wala kang ganoong halaga ay wala karing makukuhang impormasyon." Wika ng matanda.
"Pe-pero, tanda wala akong ganoong kalaking salapi dahil sa isa lamang akong binata at isa pa saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaga?"
"Ang bagay na i'yan ay problema muna at hindi saakin, pero," Pinutol ng matanda ang kanyang sasabihin at bahagyang lumapit saakin, sa tantiya ko ay sampung metro ang layo namin sa isa't isa.
"Pero kong papayag kang maging isang studyante ko ay ibibigay ko sayo ang tamang lokasyon ng pinagtataguan ng mga demonyo, 'yon ay kung papayag kang maging isang studyante ko."
Maging isang studyante?
Kong magiging isa akong studyante ng matandang ito ay may tsansa na baka gawin niya akong alipin at baka nga pahirapan ako ng matandang ito. Nakakatakot pa naman ang mukha ng matanda, pero kong hindi naman ako papayag ay hindi ko rin malalaman kung nasaan ang lokasyon ng mga demonyo. Iniipit talaga ako ng matandang ito eh.
BINABASA MO ANG
Dragon Spear [Fighter-Series 1]
FantasyIsang binata ang gustong maghiganti para sa kanyang mga magulang, nagpalakas siya ng ilang taon at hanggang sa dumating ang panahon na naglakbay na siya. Ngunit, sa paglalakbay ng binata ay may isang trahedya ang hindi niya inaasahan. Isang grupo an...