CHAPTER 7

482 67 2
                                    

Walang ibang ginagawa si Gen kundi ang magsanay lang, puro pagsasanay nalang ang inaatupag niya at wala ng iba. Umuuwi lang ng bahay tuwing mag-gagabi na at pag-umaga naman ay nasa kagubatan na siya at nagsasanay na.

Ang pangangaso ang nakakatulong sa binata upang mas lumakas at mas gumaling pa ang kakayahan sa pakikipaglaban, mga Magical Beast ang nakakalaban niya araw araw at walang araw na hindi siya nakakatagpo ng mababangis na Magical Beast.

Lahat ay ginagawa ng binata upang lumakas lang, nakatanim  sa kanyang isipan ang kalagayan ng kanyang mga magulang. Sa tuwing naiisip niya nasa kamay parin ng mga demonyo ang kanyang mga magulang ay labis labis ang galit na kanyang nararamdaman, paano nalang kung pinapahirapan parin ang mga ito at baka nga pinatay na.

Mas lalong sumidhi ang damdamin ng binata, gustong gusto na niyang maghiganti at libutin ang buong Kontinente upang hanapin ang lahi ng mga demonyo. Ngunit sa tuwing naiisip niya na mahina pa siya at hindi pa niya kayang labanan ang mga ito ay labis labis ang kanyang pagkadismaya sa sarili.

Mas lalong pinag-igi ni Gen ang kanyang pagsasanay, sa lahat ng araw na pagsasanay niya ay may nakukuha siyang bunga. Hindi naging sayang ang kanyang pagsasanay dahil sa nakikita at nararamdaman naman niya na lumalakas siya at mas nagiging madali para sa kanya ang pumatay ng mababangis na hayop.

Kung noon ay nahihirapan pa siyang patayin ang mga Level 2 Magical Beast ay nagiging madali nalang para sa kanya ngayon, kayang kaya niya narin itong pagsabayin at kahit pa limang Level 2 Magical Beast ay kayang kaya niya.

Noong nakaraang taon lang ay tumaas na ang ranggo ni Gen, isa na siyang Level 3 Fighter noon at dahil i'yon sa mga ginagamit niyang Pill. Bukod sa pagsasanay niya sa pisikal na lakas ay gumagamit narin si Gen ng mga Pill, ang lahat ng Magical Beast na napapatay niya ay ibinenta niya at dahil doon ay nakabili siya ng Pill na makakatulong sa kanyang pagpapataas ng ranggo.

Ngunit, kahit na isa ng Level 3 Fighter si Gen ay wala paring nadagdag sa Skill niya. Nananatili paring dalawa ang kanyang Skill at walang kahit na isang nadagdag, at dahil doon ay labis labis ang pagtataka ng binata. Ngunit hindi parin tumigil sa pagsasanay ang binata at mas lalo pang nagpursiging magsanay.

Hanggang sa isang araw ay may napagtanto si Gen, mula noong tumuntong siya sa Level 3 Fighter ay napansin niyang mas lalo pa siyang bumilis kumpara sa dati niyang bilis at napansin rin niya na mas lumakas na ang nagiging pinsala ng kanyang ikalawang Skill.

(Kumbaga na-upgrade na ang Second Skill ni Gen pagtungtong niya sa Level 3 Fighter.)

Tatlong taon ang lumipas....

[Gen]

[Second Skill: Spear Strike!]

"Katapusan mo na!"

Iksaktong tumama ang patalim ng aking sibat sa ulo ng Level 3 Magical Beast, halos tatlumpong minuto ko na itong kinakalaban at mabuti nalang ay napatay ko na ito. Napaupo ako sa madamong lupa at naghahabol ng hininga, nakakapagod ang pakikipagbakbakan lalo na't malalakas ang i'yong mga kalaban.

Pang limang Level 3 Magical Beast na itong napatay ko ngayong araw, nakakapagod at nakakaubos ng lakas. Pati ang inerhiya ko ay naubos rin.

Sa kasalukuyang ranggo ko ngayon ay gumagamit na ako ng inerhiya, hindi ko alam pero bigla nalang akong nakakagamit ng inerhiya pero nagagamit ko lang ito sa sibat ko o sa sarili ko. Sa pamamagitan ng inerhiya ay kaya kong pabilisin ang aking galaw at kahit na ang pinsala ng aking ikalawang Skill, natutunan ko ito noong tumuntong na ako ng Level 3 Fighter.

Wala akong bagong Skill pero kaya ko namang gumamit ng inerhiya, hindi narin masama.

Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay sinimulan ko ng pagpira pirasuhin ang mga katawan ng Magical Beast, sa kasalukuyang lakas ko ngayon ay kaya ko ng pumatay ng mababangis na hayop. Katulad kanina na isang Level 3 Magical Beast, kaya ko na silang patayin ng pa-isa-isa pero sigurado akong mahihirapan ako kapag dalawang Leve 3 Magical Beast na.

Tatlong taon na akong nagsasanay dito sa kagubatan pero isang ranggo lang ang itinaas ng ranggo ko, patunay lang ito na hindi madali ang magpataas ng ranggo lalo na't wala akong kayamanan na ginagamit. Tatlong Pill lang ang nagamit ko nitong mga nakaraang tatlong taon dahil narin sa sobrang mahal ng bawat isang Pill. Nag-iipon pa ako ngayon para makabili ulit ng isang Pill.

Nangmatapos ako sa ginagawa ko ay agad narin akong umalis sa kagubatan, mag-gagabi na at dilikadong manatili sa loob ng kagubatan.

Sa ngayon ay nakakapasok na ako sa pinaka-unang sulok ng kagubatan dahil doon ko lang matatagpuan ang mga Level 3 Magical Beast, pero sa tantiya ko ay hindi ko pa nararating ang gitna ng kagubatan. Hindi ako nangahas na pumusok sa pinakasulok ng kagubatan dahil alam kung malalakas na Magical Beast na ang mga nakatira doon.

"Pauwi ka na ba, Gen?" Napatingin ako sa likuran ko at doon ko nakita si Manong Teo.

Katulad ko ay nangangaso rin siya dito sa kagubatan at halos araw araw ko siyang nakakasalubong dito, tatlumpung taong gulang na si Manong Teo at ang kanyang lakas ay Level 5 Fighter na. Para saakin ay malakas na siya.

"Opo pauwi na ako Manong Teo, ikaw po ba?"  Sagot at tanong ko

"Pauwi narin ako, alam mo naman dilikado dito lalo na't mag-gagabi na." Napatango ako sa sinabi ni Manong Teo at sabay na kaming naglakad pabalik sa bayan.

Kahit na si Manong Teo na isang Level 5 Fighter ay natatakot na manatili dito sa kagubatan, talaga ngang nakakatakot ang mga Magical Beast kapag gabi na.

Habang naglalakad ay nag-usap usap rin kami patungkol sa mga nakuha naming Magical Beast.

***

Pagkarating ko sa bayan ay agad na akong dumiritso sa tindahan ni Ginoong Robert upang ibenta ang mga nakuha kong Magical Beast, kumita ako ng labinlimang Gold Coins ngayong araw. Hindi narin masama...

Sa tatlong buwan kung pag-iipon ay nakaipon na ako ngayon ng dalawang daan at limampung Gold Coins, malaking halaga na ito pero nakalaan na ang salaping ito para sa bibilhin kong Pill.

Pagka-alis ko sa tindahan ni Ginoong Robert ay agad na akong dumiritso sa bilihan ng Pill, ang Pill Market. Dito ibinibinta ang klasi klasing Pill, may Pill para sa sakit, may Pill para sa pinsala, may Recovery Pill, may Pill para sa pagpapataas ng ranggo at marami pang Pill ang ibinibinta dito sa Pill Market.

"Dalawang Level 3 Red Scarlet Fighter Pill." Saad ko sa nagbibinta dito sa Pill Market, inilahad ko rin sa babasaging lamesa ang dalawang daan at limampung Gold Coins.

Binilang nito ang salaping ibinayad ko at ng sakto ay kinuha na niya ang Pill.

Sobrang mahal ng isang Pill at nagkakahalaga ito ng isangdaan at dalawampu't limang Gold Coins, tatlong buwan akong nag-ipon para dito at sa wakas ay nakumpleto ko narin ito.

Napalingon lingon ako sa paligid dahil sa may nararamdaman akong kakaiba, para bang may nagmamasid saaking mga mata ngunit hindi ko matukoy kung saan ito banda. Naputol ang paglingon lingon ko dahil sa bumalik na ang babaeng umasikaso saakin kanina, dala na niya ang dalawang Pill at nasa loob ito ng babasaging garapon

"Ito na po ang dalawang Level 3 Red Scarlet Fighter Pill, maraming salamat po sa paghihintay. Sana ay bumalik balik kayo dito ginoo." Tumango ako at tinanggap ang Pill, inilagay ko agad ito sa aking Magic Bag at nilisan narin agad ang palingke.

Umuwi ako sa nirerentahan kong bahay  at pagkatapos ay isinarado ko ang lahat ng labasan, ang bintana, pinto at ang pinto saaking silid. Ngayon ngayon din ay magsasanay na ako gamit ang Pill na binili ko, wala akong dapat sayangin na oras lalo na't alam kong nanganganib parin ang buhay nina ama't ina.  Nasa kamay parin sila ng mga demonyo at kahit na anong oras ay kaya nilang saktan ang aking mga magulang.

Kinuha ko ang isang Level 3 Red Scarlet Fighter Pill at pinagmasdan ito.

"Para kay ama at ina ay gagawin ko ang lahat upang lumakas lang, abutin man ako ng ilang taon bago pa lumakas ay hindi parin ako mawawalan ng pag-asa. Pagbabayarin ko ang lahat ng nagkasala  saakin at saaking pamilya, ang lahi ng mga demonyo ay uubusin ko at walang ititira miski isa!"

Nilunok ko ang Pill at hinayaang matunaw saaking tiyan, masarap sa pakiramdam ang ganito. Nakakaginhawa.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pagkatapos ay nagsimula na akong maghigop ng inerhiya sa paligid....

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon