A VAMPIRES' GIRL
( Dianara )
Nanatili lamang akong nakanga-nga habang nakatitig ng may matinding pagnanasa sa lalaking nasa aking harapan. Artista ba ang isang 'to!? or model? Nag-uumapaw kasi sa kagwapuhan ang lalaking kaharap ko. Ang ilong niya ay sobrang tangos at ang mga mata naman nito ay nakakapanlambot kung tumitig. Tapos, yung labi niya ang pula pula na sobrang nipis! Nahiya tuloy yung labi kong nagbibitak bitak na sa sobrang pagka- dry. Huhu
Pero grabe mga beh! Medyo swerte parin ako ngayong araw na 'to kahit papaano. Kasi biruin ninyo napalayas lang ako sa bahay namin, nakakita na agad ako ng gwapo nilalang. Doon kasi samin walang gwapo! Meron sanang kaunti kaso puro jejemon na inaraw-araw na ang pagpapatugtug ng stupidlove. Hayss
Teka, hindi naman kaya ito ang may-ari ng bahay sa likuran ko? At kung tama ako saking hinala.. ito ang magiging amo ko!? gosh ang swerte ko talaga if ever!
"I said, what the hell are you doing here!?" Galit na tanong ni kuyang pogi. Impernes ang gwapo niyang magalit. Parang nag-aalala ganun. Hala! crush ko na ata sya! lande!!
"Do you know what kind of place is this?" tanong nito. Hindi ko naman talaga alam ang lugar na 'to.
"Hindi--" magsasalita na sana ako ng muli siyang magtanong.
"Do you even know what kind of creature who lives here!?"
"Teka--" pinutol nanaman niya ang aking sasabihin. Ayaw niya ba akong pagsalitain? Ang gahaman huh.
"How did you know this place? How come--"
"Pwede bang pagsalitain mo naman ako!?" sigaw ko dito para matigil siya sa kanyang walang tigil na pagtatanong. Nakakainis na eh. Ayaw akong bigyan ng moment. Charot lang hehe
Napansin ko itong umatras mula sa kanyang kinatatayuan. Ay grabe, natakot ko ata pero bakit naman siya matatakot?
"You witch! How dare you to scared me like that!" Hala siya? witch daw?
"Hoy! hindi kita tinatakot huh! At lalong hindi ako mangkukulam" sabi ko. Sus! Ang sama naman pala ng ugali ng lalaking 'to. Pero dahil sa ubod naman siya ng kagwapuhan. Pagbibigyan ko siya ngayon. Tsk!
"Are you sure? You're not a witch?" tanong pa nito na kinalaki ko talaga ng mata. Kaloka. Talagang sinusubukan ako ng lalaking 'to. Oo, alam ko naman na panget ako pero hindi naman ako mangkukulam. Siguro sa mukha lang. Pero sa ugali at pagkatao. Umuwi nalang siya dahil walang makakatalo sa pagiging mabuti kong tao. Diba guys? Oo nalang kayo. Haha
"Hindi." Tipid kong sagot habang mariing nakatingin sa kanya, dahil sa gwapo niyang mukha bigla nanaman akong nakaisip ng kalandian. Paano kaya kung magkagusto siya sakin? Tapos magiging kami sa huli. Hala! Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti dahil saking naisip kahit pa medyo nilait niya ako kanina. Haha
"Don't smile, you're scary" bumalik ako sa reyalidad. Ang bilis naman.
Sabi ko nga! Kaya wala akong nagawa kundi ang sumimangot na lamang at ngumuso ngunit napangiwi si kuyang pogi! Nakalimutan ko, hindi nga pala bagay sakin ang ngumunguso dahil mukha daw akong suso. Sabi pa ni tiya sakin nakakadiri daw tignan. Psh.
"If you're not a witch, then.." napatitig ako dito. Hindi talaga siya naniniwala na hindi ako mangkukulam. huhu
Kapansin-pansin sa gwapong binata ang bigla nitong pagka-tense, ganun din ang sunod-sunod nitong paglunok? Hala! Hindi kaya naaakit siya sakin dahil nagpout ako ng labi!? attracted ba siya? Gawin ko na ba ito lagi? Muli akong ngumuso, this time mas mahaba, mas matilos. haha
"A-are you a HUMAN!?" Sigaw niya dahilan para unti-unting mawala yung kilig kong nag-uumapaw. Kumunot talaga ang noo ko. Uupakan ko 'to ay!
"Alangan! TAO 'RIN AKO KAGAYA MO kuya! hindi man nabiyayaan ng maganda at perkpetong mukha na kagaya mo, tao parin akong maituturing kasi may damdamin akong nasasaktan." Tuluyan ng nawala yung kilig ko sa katawan. Nawala yung kilig factor between us. Char!
"S-sorry" bulong nito pero rinig na rinig ko, kaya naman nagliwanag ang aking mukha. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya. Ngunit inirapan lang ako ni kuya! Luh, suplado ka bhe?
"So, anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang nakasimangot pero oy! nagtatagalog naman pala si kuya! Jusko pinoy naman pala ang isang 'to pinahirapan pa ang utak kong magtranslate ng bawat salitang sinasabi niya. Kaloka.
"Naghahanap kasi ako ng trabaho, tapos may nakita akong signage kung saan nakasulat yung number at address kaya sinulat ko, ito nga oh" lumapit ako dito sabay pakita sa kanya nung notebook kong may sulat ng weird na address.
"But how.. ahh! nevermind. Anong pangalan mo?"
Nagulat ako ng tanungin niya bigla ang pangalan ko. Did he really asked my name? Sus! Nakapag-english tuloy ako ng 'di oras! Shocks first time 'to!
"Dianara Damin" Mahinhin pa sa malumanay na hangin ang aking pagkakasabi. Dapat mala maria carey-este clara pala dapat.
"How can your name be so beautiful, and you're not." Naiinip niyang sambit. Nag-english speaking na naman tss. Kung reypin ko kaya 'to ng matigil? Akala niya ata hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Eh, sa pangalan nalang ang maganda sakin. tss
"Ang sama mo" bulong ko, pero bago ang lande kailangan ko ng matutuluyan talaga. "May nakatira ba diyan?" Turo ko sa bahay na parang anomang oras ay may lalabas na multo. Jusko katakot!
"Oo"
Ang tipid naman ngayong sumagot, sungit talaga. Tumalikod na ito sakin kaya medyo kinabahan ako. Omg! iiwan na ba niya ko? Ohmy! Hindi ko pa ata kaya! Charot
"HOY!" pagtawag ko dito. Makahoy naman ako akala mo close kami eh. Haha. Tumigil naman ito sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod sakin.
"Anong p-pangalan mo?" tanong ko.
Kahit hindi ka na humarap sakin basta sabihin mo lang ang pangalan mo kuyang saksakan ng pogi! , Lord sana po ibigay niya kasi ipa-FLAMES ko mamaya! Malay mo po siya na pala ang ka forever ko diba?
"Sebastian"
**
milmarcel.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.