BEST ACTRESS

5.2K 197 5
                                    

A VAMPIRES' GIRL
by milmarcel


Luhan

Nandidito kaming lahat ngayon sa silid ni Dianara. Minabuti namin na bantayan muna siya dahil sa mga pangyayari. Mahirap na maiwanan mag-isa ang babaeng ito kaya ito kaming lahat.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na si Dianara ang taong nagtataglay sa dugong ninanais ng lahat ng bampira. Kaya pala pamilyar 'rin sa akin ang suot niyang kwintas. Nakita ko na ang kwintas na iyon sa isang larawan at nalaman ko 'rin kung para saan ito.

"Bakit hindi parin siya nagigising?" tanong ni Xiumin. Dalawang araw na pala ang nakakalipas ng may makapasok dito sa mansion kaya dalawang araw naring walang malay si Dianara.

"Sigurado ba kayong, ayos lang siya?" tanong naman ni Suho. tumingin ako kay Dianara.

"Hoy! Panget gumising kana!" sigaw ko sa isip nito. Napatingin naman ako kay Tao na nakatingin ngayon sa akin, bigla itong umirap. Tsa siguradong hindi niya mabasa ang iniisip ko.

"WAAHH! Gising na siya!" sigaw ni Xiumin. napatingin naman kaming lahat kay Dianara ngunit para itong wala sa sarili.

"Ayos ka lang?" tanong ni kyungsoo
Nagtaka kami ng hindi siya sumagot sa tanong ni kyungsoo. Ilang minuto ang lumipas pero wala parin itong imik.

Isa-isa niya kaming tinignan hanggang sa tumigil ang tingin nito sakin. bigla akong kinabahan.

Napatingin ako kay Chen at ganun 'rin ito sakin. sh*t! baka hindi nabura ang alaala niya.

"Sino kayo?" Napaayos kami sa mga tayo namin dahil sa tanong nito.


Dianara

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa kanila. teka? bakit nandito ang mga ito? wahhh! hindi ba nila alam na nakakahiya ang may nakatingin sayo habang natutulog? Hindi ko tuloy agad minulat ng tuluyan ang aking mga mata.

"Hoy panget! gumising kana!" huh? kaninong boses 'yun? unti-unti kong minulat ang aking mata.

"WAAHH! Gising na siya!" sigaw ni Xiumin. anong kagulat-gulat roon? Umupo na ako at ngayon nakikita ko na silang lahat OMG! kompleto sila! anong meron? Sa pagkakaalam ko isa lang ang Prince Charming ni Sleeping Beauty? pero bakit dose itong nasa harapan ko? ang kapal ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni D.O wahh! touch ako promise. ang sarap pala sa feeling ng may nag-aalala sayo. teka bakit ba sila ganito? anong meron? may nangyari ba?

Sasagot na sana ako ng may pumasok na isang kalokohan saking isip. Saglit lang ito promise. Haha!

Tinignan ko muna sila isa-isa

"Hoy! Tao-pot! makisama ka huh!" sabi ko saking isip habang nakatingin kay Tao. diba nakakabasa siya ng iniisip? Umirap lang ito. tss kahit kailan talaga ang taray ng lalaking ito.

Inilipat ko naman kay Luhan ang tingin ko. nakatingin lang 'rin siya sakin. KYAAAHhh! Masaya Lagi ang araw ko kung ganitong mga mukha ang bubungad sakin. hahahaha ang lande ko!

Ano bang meron sa kanila...tss. Humanda kayo sakin! Hahaha ito na! Lights! Camera! Action!

"Sino kayo?" tanong ko habang pinagugulo ang expression ng aking mukha. hehe para kunyari totoo.


Nakita kong kumunot ang mga noo nila at nagkatinginan. haha perfect!



"Hindi mo kami natatandaan?" tanong ni Chen. isa pa ito ang gwapo. sus! kayo? makakalimutan ko? Imposible. Kayo na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko kaya malabo ko kayong makalimutan. Naks ng! saan ko nahugot 'yun?

"S--orry pero h--hindi ko kayo k-kilala..... asan ako?" Woooohhh! best actress talaga ako.

"HINDI PWEDE!" sigaw ni Xiumin. tumayo ito at hinawakan ang aking balikat at niyugyog ako. Wahh! nakakaliyo. mawawala ako sa konsentrasyon nito. "HINDI MO KAMI PWEDENG KALIMUTAN! LALONG LALO NA AKO!!" ee? bakit Boyfriend ko ba siya? o siya OO NA. hindi na.

"T-t-eka X---iumin naliliyo na ako!" sambit ko. agad itong napatigil at tumingin sakin ng mabuti.

"Hehe" nginitian ko lang siya at ang loko. Itinulak ang aking noo kaya napahiga tuloy ulit ako sa kama.

"ANG SAMA MO!" sabay- sabay nilang sigaw accept lang kay luhan at lalong lalo na kay TAO na isang irap ang binigay saakin. scaryyyyy

"HAHAHAHA!" pagtawa ko. nakakatuwa kasi ang mga mukha nila. their so worried about me! nikekeleg ako!

"Lintik kang panget ka!" sigaw ni Xiumin at biglang dinampot ang isang unan saking tabi at inihampas ito sakin. ARAY KO!

"h-hoy masakit 'yun ahh!" reklamo ko habang pilit bumabangon sa pagkakahiga. hindi na drama ito!

"Dapat lang 'yan sayo!" sigaw naman ni Lay " Pagtulungan 'Yan!" sigaw ulit nito.

OMG!! Sisigaw na ba ako ng RAPE????






***
end of chapter Nine!

milmarcel.

A Vampires' Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon