A VAMPIRES' GIRL
by milmarcelDianara
"Salamin. salamin. ipakita mo sakin, mukha ng mga lalaking nahuhumaling sakin"
Natatawang sambit ko habang nakaharap sa salamin na nakuha ko saking bag. Nababaliw na naman siguro ako. kung bakit kasi kahit anong gawin kong pagpapaganda wala paring nagbabago sa mukha kong ito. Lagi naman akong blooming. Aba! ikaw ba naman ang may makasama sa araw-araw na isang dosenang lalaking nag-gwa-gwapuhan, ewan ko lang talaga kung hindi mamukadkad ang kalandian mo. Haha
Ilang linggo narin pala akong nandidito at masasabi ko namang hindi ako katulong. Dahil hindi naman sila utos dito at utos doon. Mukha pa nga akong senyorita dahil puro hayahay ang ginagawa ko dito. At alam niyo ba na may improvement na ang samahan namin dito sa loob ng mansion dahil friends ko na silang lahat. Pero hindi ngalang palagi dahil minsan hindi ko sila maituring na kaibigan. Ang tataray kasi, daig pa ang babaeng may dalaw.
Pero bakit ganun.. minsan hindi ko maiwasan ang magtaka. Sapagkat ang mga lalaking yon, kung kailan umaga saka nagkukulong sa mga kwarto nila at kapag gabi naman, ayun sa labas pa naglalaro at alam nyo ba kung ano ang nilalaro?
Watergun! Baril-barilan sila. Para talagang mga bata kaya naman isang beses nakisali ako sa kanila at ang ginawa ko nilagyan ko ng asin yung akin para maalat. Saan naman nang galing ang asin? Sa bag ko? Ay ewan kung bakit merong asin sa bag ko. 'Wag nyo ng alamin.
Yun nga, balik tayo sa kwento. Eh, 'di nakipagbarilan nga ako sa kanila at ang mga luko nagsitakbuban palayo sakin at nagsisigaw ng OUCH!! Aray, masakit at kung ano-ano pa. Ang OA nila diba?
"Ay! Bakit ba ang init!?" reklamo ko habang todo paypay ng kamay saking mukha, akala mo'y may hangin na nilalabas. Tumingin ako sa orasan, Alas-dos na pala ng hapon, huh! kaya siguro ang init. Tsk siguradong nasa mga kwarto na naman nila ang mga 'yun.
Tinungo ko ang banyo saking kwarto. Liligo ako nalang ako tutal ilang araw narin ata akong hindi naliligo. Ewan ko ba kung bakit pagdating sa pagligo ang tamad tamad ko.
Hinubad ko ang lahat ng aking suot ganun din ang kwintas. Sandali ko lang naman tatanggalin, wala naman sigurong mangyayaring masama hindi ba Papa? Kausap ko saking sarili habang tinatanggal ang kwintas. At ng matanggal ko na ito dali ko itong ipinatong sa ibabaw ng tokador at tuluyan ng pumasok sa banyo.
**
Third person's POV
Masayang naliligo si Dianara sa sariling banyo sa kanyang kwarto, habang ang mga kasama naman niyang bampira sa bahay ay unti-unti ng hindi mapakali. Isa lang ang dahilan. Naaamoy nila ngayon ang mabango at mahalimuyak na dugo ng Dalaga.
Si Dianara ang matagal nang hinahanap ng mga bampira. Ayon sa sinasabing propesiya ng mga bampira. May nag-iisang tao na nagtataglay sa dugong Dalisay na nakapagbibigay ng kakaibang lakas at kapangyarihan sa sinumang makakatikim ng dugo nito.
Alam ito ng Ama ni Dianara. Kung kaya't pinasuot nito ang kwintas upang maitago ang totoong tunay na bango ng dugong tinataglay ng Dalaga at dahil sa kwintas nanatiling normal lang ito sa paningin at amoy ng mga bampira.
Subalit sa mga oras na ito hindi suot ni Dianara ang kwintas, kaya malayang naaamoy ng mga kasama niyang bampira ang kanyang napakabango at mahalimuyak na dugo.
"Hindi ko na kaya!" sigaw ni Kai habang pilit na nilalabanan ang mawala sa katinuan dahil sa pagkakahumaling sa dugo ni Dianara.
"Pigilan mo! kaibigan na natin si Dianara, kaya Kailangan nating pigilan ang mga sarili natin" nahihirapan na sambit ni Suho. kahit siya 'man ay unti-unti naring nahuhumaling sa dugo ni Dianara.
"Pero bakit ngayon lang natin naamoy ang kakaibang amoy ng dugo ni Dianara?" tanong ni baekhyun.
"Dahil sa kwintas" tumingin ang lahat sa nagsalita, si Luhan "Ang suot na kwintas ni Dianara ang dahilan kung bakit hindi natin naamoy ang dugong tinataglay nito" paliwanag nito. Hirap narin si luhan magpigil, kahit pa sa kanilang magkakaibigan siya ang may pinakamatalas na pang-amoy, ganun 'rin ang lakas pagdating sa pakikipaglaban.
"kung ganun, alam niya na mga bampira tayo? Dahil suot niya ang kwintas na 'yun" tanong ni kyung soo.
"Hindi" sagot ni Luhan "wala siyang alam tungkol satin"
"Dapat isinusuot na niyang muli ang kwintas!" sigaw ni Kai. Bigla itong napaupo sa sahig "hindi ko na kaya!!" Sigaw pa nito. Naging kulay itim na ng tuluyan ang mga mata nito.
"Hawakan niyo siya!" sigaw ni tao.
"Kumalma ka Kai!" sigaw ni Xiumin. Ngunit para itong walang narinig dahil patuloy ito sa pagwawala. Hinawakan ng mabuti nila Kris, Chanyeol at Tao ang kaibigan. Ngunit isang sigaw ang umabala sa kanila.
"AHHHHHHHHH!!!!" Pag sigaw ni Dianara mula sa itaas.
"Si Dianara!" sigaw nila at daling umakyat sa itaas. Ang iba naman ay naiwan para kay Kai.
Nang marating nila ang kwarto ng dalaga. Natagpuan nila itong nasa sulok ng kwarto habang hawak ang nagdudugong kamay at nakatingin sa isang bampira na nakatayo malapit sa kanya.
"Dianara" pagtawag ni Luhan. Napatingin naman sa kanila ang dalaga ganun din ang panget na bampira.
"Umalis na kayo!" sigaw ni Dianara.
Humarap naman sa kanila ang kapwa nila bampira. Ngunit hindi nila ito katulad na mga gwapo. Dahil panget ang bampirang nakapasok sa kwarto ni Dianara. Mahaba ang tenga nito habang nanlalagas naman ang puting buhok at ang mga ngipin nito ay sira-sira. Marahil isa ito sa mga bampirang matagal ng hindi nakakatikim ng sariwang dugo.
"kyung, kunin mo ang kwintas. Ikaw naman baek puntahan mo si Dianara" tumango naman ang dalawa kay Luhan.
"Ako at si Sehun ang hahawak sa kamay" saad ni chen. Mabilis naman na nagtungo ang dalawa sa magkabilang tabihan ng panget na bampira at mabilis na hinawakan sa mga kamay. Pero malakas ito. Ngunit magpapatalo ba ang VAMPIREXO? Hindi.
Kaya binigyan ni Luhan ng isang nararapat na malakas na suntok sa mukha at isang sipa sa tiyan ang panget na bampira. Hindi pa nakuntento ang binata, umikot pa ito paitaas bago pumatong sa balikat ng kalabang bampira. Hinawakan ni Luhan ang ulo nito. Tumingin siya kay chen at sehun na nagsasabing handa na ba kayo? At 'yun nga ang ginawa nila. Sabay sabay nilang pinilipit ang ulo at mga braso nito.
"Agghggggrrgg!" sigaw ng panget na bampira bago ito tuluyang maging abo. Napaupo naman sa sahig si Chen at Sehun, habang si Luhan naman ay nanatiling nakatayo. napatay na nila.
Tinignan nila pare-pareho ang nakatulalang si Dianara. Nilapitan ito ni Chen at tulad noong unang kaganapan binura muli nito sa isip ng dalaga ang nangyari.
"Now sleep Dianara" bulong ni Luhan sa tenga ng dalaga. Hindi naman nagtagal nawalan na ito ng malay.
**
Endofchapter Eight!
yes! alam narin ng vampirEXO na si Dianara ang nagtataglay ng Precious blood. ano kayang mangyayari? Abangan!
hope you like it:)))
milmarcel.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampirOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.