A VAMPIRES' GIRL
by milmarcelDianara
Sebastian..
Muling banggit ko sa pangalan ni kuyang pogi. Bagay na bagay sa pangalan ko. Sebastian loves Dianara! Ay bongga! may love team na agad ako.
Tatawagin ko sana si Sebastian ng biglang humangin ng pagkalakas-lakas kaya dali akong napapikit ng mata. Masakit kaya ang mapuwing. Try nyo dali. haha
Nang mawala ang malakas na hangin agad akong nagmulat ng mata subalit pagmulat ko wala na siya. Wala na si Sebastian. Wala na yung lalaking nagpatibok ng puso ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at pangungulila char!
Ngunit may mga bagay talaga na panandalian lamang sating buhay tulad nalang ng kaladian ko, pero sana makita kong muli si Sebastian. Ibabalik mo po ang ninakaw mong puso ni Dianara. Chos!
Enggggggggggggggggggggggggggggggggk!
Napalingon naman ako bigla sa gate ng dahan-dahan itong bumukas. Hindi ko naiwasan ang matakot at kabahan ng sobra sa biglaang pagbukas nito, idagdag pa ang tunog nitong pang horror movie. Di' bale nalang kung automatic ang gate na 'to kaya bumukas ng kusa. Napapanuod ko yun sa mga palabas sa tv.
Tutuloy pa ba ako o hindi? Pero saan naman ako pupunta kung mag-iinarte pa ako. tss
Seryoso akong nag-iisip kung tutuloy ba ako o hindi ng bigla nalang magkusang humakbang ang mga paa ko papasok sa nakabukas na gate. Hala! Agad akong napatingin sa paligid. Baka may makakita sakin at sabihin na nagte-tresspassing ako. Ayoko naman makulong. Sinubukan kong pigilan ang mga paa kong humakbang na naman ng kusa subalit ayaw paawat ng paa ko kaya go! Let's go in! Pagbigyan natin.
"Ang lawak" Sambit ko nang gumala ang paningin ko sa loob ng bakuran. Sobrang lawak ng garden nila pero lubos na mapapansin yung mga bulaklak na nasa paligid ay nabubulok na. Paano ko naman nasabi? kulay itim na kasi ang mga bulaklak. Ang tamad naman magdilig ng mga katulong dine, sayang tuloy ang mga rosas.
"Huwag kayong mag-alala kapag ako natanggap araw-araw ko na kayong didiligan." Kausap ko sa mga bulaklak habang nilalampasan ko sila. Tumigil lamang ako sa paglalakad ng makarating na ako sa tapat ng pinto.
"Wow! ang laki-laki naman ng pintong 'to." Di ko nanaman napigilan humanga. Ganito talaga ako sa lahat ng bagay na nakakapagpahanga sakin. Kaya naman isinandal ko ang aking sarili sa malapad na pinto. Iniisip ko ngayon na sana'y likod nalang ni luhan itong sinasandalan ko, siguradong langit ang pakiramdam na yon. Hay lande!
Ngunit may mga bagay talaga na sisira at sisira sa munti nating kasiyahan. Tulad nalang ng hindi inaasahang pagbukas ng pinto. Kaya ang suma? bumagsak ang katawan ko paloob ng mansion.
"Aray!" Sigaw ko ng lumapat ang dibdib ko sa sahig. Mabuti nalang hindi ako plat kaya walang mapaplat. Agad akong tumayo.
Madali akong humarap sa pinto na ngayon ay bukas na bukas na. Lintik na pinto 'to! hindi manlang ako inabisuhan na bubukas siya! Bumagsak tuloy ako sa sahig. Sisipain ko na sana ang pinto ng mapansin ko ang loob ng mansion. Napanganga ako bigla. Sobrang ganda dito sa loob. Kung kanina sa labas sobrang nakakatakot, dito sa loob ay isang malaking kabaligtaran. Ang gondo gondo tologo! Bawat parte ng loob ng bahay ay mukhang mamahalin.
Dumako naman ang tingin ko sa isang kulay pulang bagay na nakapatong sa ibabaw ng center table. Mukha itong siopao saking paningin! Bigla tuloy akong nagutom. Hindi parin pala ako kumakain. Tumingin ako sa paligid upang tignan kung may taong makakakita sa aking gagawin, pero mukhang wala naman.
Hindi naman sigurong masama kung kukuha ako ng isa diba? Isa lang naman promise. Mamatay ka man. Hehe
Dahan dahan akong lumapit sa center table at ng tuluyan na akong makalapit agad akong kumuha ng isang SIOPAO nga! Kaso, kulay pula ito pero dahil sa pagiging pula nito parang mas lalong naging mukhang masarap ang siopao! Kumuha ako ng isa. Inamoy ko muna ito bago itinapat saking bibig. Grabe nakakapaglaway naman 'to. Ngumanga na ako! Isusubo ko na siya. Say a!
"AHHHHHH" konti nalang!
"'WAG! PARANG AWA MO NA! HUWAG MONG GAGALAWIN YAN!" Sigaw ng kung sinoman mula saking likuran.
Agad ko naman ibinaba ang siopao sa lalagyan. Nahuli ako! Nahuli ako! At mukhang papalapit na ito saking kinatatayuan. Patay kang Dianara ka! Panget ka na nga, pakialamera ka pa. Ngayon kulong kang babae ka!
Ramdam ko na ang presensya nito sa likuran ko. Ayan na siya!
"Sino ka?" Tanong nito.
Kinakabahan man ang aking puso, lumingon parin ako dito bilang pagbigay ng respeto. Syempre bahay nila 'to tapos siopa nila yung muntik ko ng kainin. Sa paglingon ko muli akong napanga-nga. Ilang bese na ba akong ngumanga sa araw na 'to? Pero wait sobra akong nagulat sa bigla nalang itong sumigaw ng malakas!
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!" Patuloy nitong pag-sigaw habang nakaduro sakin ang kanyang hintuturo.
"O-oy.." sinabukan ko itong lapitan at kausapin pero lalo siyang nagwala.
"AAAAAAAHHHHHH!! OMO OMO Nagsasalita ang multo saking harapan!!! Nagsasalita siya!" sigaw niya muli pero may kasama nang panglalait.
"Xiumin bakit ba ang ingay mo!" tumingin ako sa nagsalita mula sa ikalawang palapag ng mansion. Oh.my.gulay! Isa pang gwapo! Okay gwapo rin kasi itong sumisigaw.
"W-who are you!?" Pasigaw na tanong nito.
"Ako si Diana-" natigil naman ako sa pagsasalita ng mapansin ko ang sunod-sunod na pagsulpot ng mga gwapong lalaki mula sa ikalawang palapag.
OMG! bakit ang daming gwapo dito!? yung totoo? Isa na ba sa kanila ang forever ko?
"Baliw"
Nagulat ako ng magsalita ang isa sa kanila. OH.MY.ULAM! Pababa na sila at yung unang bumababa ang gwapo kahit malaki ang eyebag!
"I know" Sambit na naman nito. Teka nababasa niya ba ang nasa isip ko? Tumitig ako dito at bumulong sa aking isipan.
'Ang gwapo mo!' Napanganga ako ng bigla itong umirap. OH.MY.PRUTAS! Nababasa nga 'ata nya ang laman ng isip ko.
"Paano ka nakapasok dito?" tanong nila pero hindi ko yon pinansin bagkus binilang ko kung ilan sila.
1...2...345..6...789..10..11. eleven sila! omg! ang swerte swerte ko naman may onseng gwapo akong kaharap.
"Hoy! tinatanong ka namin kung sino ka!?" Tanong ng medyo malaki ang mata.
"Ay! Oo nga. Ako nga pala si Dianara. Dianara Damin" pagpapakilala ko. Wala akong pakialam kung magboses malandi ako dito. Aba! pangalan nalang ang maganda sakin kaya taas noo ko itong sinambit.
"Your name doesn't suit you" komento ng pinakamaliit sa kanila. Okay medyo masakit yon.
"Anong kailangan mo dito sa amin? Alam mo ba kung sino kami at ano kami?"
"Magagandang uri kayo ng tao" sambit ko habang kinikilig. Siguradong namumula na ang pagmumukha ko ngayon. Narinig ko naman bumulong yung isa at ang sabi Creepy? Teka ano 'yun? yung tigpipiso bang junkfood ang tinutukoy niya?
"Hindi bagay sayo ang kinikilig, nakakadiri kang tignan." sambit ni kuyang may eyebag. Ouch! Pansin ko lang huh. kanina pa nila akong nilalait.
"Bakit ka ba napadpad dito?" tanong muli nila
"Mag-aaply sana ako bilang katulong" saad ko. Pansin ko naman ang pagkagulat sa mga mukha nila.
Tapos nag-tinginan sila sa isa't-isa.sana matanggap ako!
***
end of chapter three.milmarcel
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.