A VAMPIRES' GIRL
by milmarcelDianara
Isang linggo mahigit na ang nakakalipas buhat ng malaman ko ang lahat ng tungkol sa kanila. Isang linggo narin akong nagkukulong dito sa loob ng aking kwarto, hindi dahil sa natatakot ako sa kanila, pati wala naman akong dapat ikatakot dahil kung papatayin nila ako, sana noon pa.TOK! TOK! TOK!
Ito na naman sila, kumakatok saking pinto. Hindi naman talaga ako takot sa kanila. Sadyang hindi ko lang sila maharap ngayon dahil medyo may gulat factor pa akong nararamdaman sa mga nangyari. Lalong lalo na kay Tao.Matapos niya kasi akong sambutin noong isang linggo nang sumugod ang mga col- col- colgate ba 'yun? ay! hindi ko na tanda Basta!
So 'yun nga napayakap ako sa mga braso ni Tao ng sobrang higpit, hindi ko naman minanyak si Tao. Natakot lang talaga ako.
Tapos ayun nga nakatulog ako sa kanyang mga bisig hanggang sa naisipan daw nito na dalhin ako saking kwarto. Tapos nun hindi makaalis si Tao kasi tuwing sinusubukan nitong umalis ee lalong humihigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.
Sobrang kilig naman ng mga buto ko habang ikinikwento sakin nila Suho at Chanyeol ang tungkol dun. Pero nawasak lahat ng kilig ko ng bigla daw bumuhos- este tumulo ang aking LAWAY sa braso ni Tao. At dahil sa maarte ito minsan, ayun tinulak ako at nalaglag sa kama.
Nakakahiya talaga!
"Ayos lang naman talaga sakin yun." napapikit ako ng mata, haist! bakit nandidito si TAO?
"Ako nga ito kaya huwag ka nang magtulog-tulugan diyan" bulong nito saking tenga. Nataranta ako ng maramdaman ko itong sumampa sa kama. Susko! Anong gagawin niya? Balak niya bang gawin ang naiisip ko?
"Kung mamarapatin mo yang nasa isip mo..bakit hindi?" Napatayo ako sa kama ng tuluyan.
"B-bakit ba nandito ka?" Mabilis kong kinuha yung kumot at itinakip saking katawan. Baka may gawin sakin si Tao na hindi ko magustuhan! Ee?
"Oo nga" hala! nakakabasa nga pala 'to ng isip. Mabilis kong kinuha ang isang unan saking paanan at malakas itong ibinato sa kanya.
"Ano ba talaga kasing ginagawa mo rito?"
"Tutulog" sambit niya at bigla nalang bumagsak sa kama.
"Oyy Tao! dun ka matulog sa kwarto mo!" Lumapit ako dito pero napatigil ako ng makita ko ang nagdudugo nitong braso. Hala! anong nangyari!? Bakit siya may sugat? bumalik ba yung mga colgate- este ano.. ay! Basta!
Tuluyan akong lumapit kay Tao. Binuhat ko ito sa abot ng aking makakaya, pero grabe lang! ang bigat ng lalaking 'to! At dahil dun na out balance kami. OMG! ayaw ko ng ganitong scene!
ARAY!
Nakadagan ngayon si Tao saking ibabaw. Wahh! Rape ito guys! Rape 'to!
Itutulak ko na sana siya ng bigla nalang ako mapatigil dahil sa biglang pagbukas ng pinto. Dahan-dahan akong napalingon sa mga lalaking nakatayo sa may pintuan. Gulat na gulat at itsura ng mga 'to.
Lagot!
"Rated SPG kayo!" sigaw nila.
Luhan
Hawak hawak ko ang tagiliran kong may sugat habang tinatahak ang daan pauwi ng mansion.
Kanina lang nagtalo kami ni tao at nauwi sa pag-aaway kaya pareho kaming nagtamo ng sugat. Mas malala nga lang ng kaunti ang sakin. Ang dahilan kung bakit naman kami nagtalo?
flashback..
Naabutan ko si Tao sa labas ng bintana ng kwarto ni Dianara. Ito na naman ako, naaasar kay Tao dahil palagi na lamang itong nakadikit kay Dianara.
"Masyado naman ata ang pagbabantay mo" pagsita ko dito ng makalapit ako sa kanyang kinatatayuan. May gusto ba siya kay Dianara?
"Hanggang ngayon ba, hindi mo parin magawang mabasa ang nilalaman ng isip ko?" sabi ko. Tanging pag-irap lamang ang sinagot nito sakin.
"May gusto ka ba sa kanya?" Prangka kong tanong kay Tao, muli itong tumingin sakin " Kung meron ma'y pigilan mo na."
"OO, gusto ko siya kaya bakit ko naman gagawin ang sinasabi mo?"
"Layuan mo na siya Tao, dahil sakin na siya. Akin na si Dianara"
"HAHA! hindi siya SAYO at hindi mo 'rin siya pagmamay-ari kaya wala kang karapatang sabihin 'yan Luhan."
Mabilis ko siyang kinuwelyuhan.
"Ako ang na-una sa kanya!" sigaw ko
"Wala akong pakialam! isa pa, sigurado ka bang may gusto siya sayo?" Nakaramdam ako ng galit sa sinabi niya, kaya isang suntok ang binigay ko sa kanyang mukha dahilan para tumama siya sa isang puno.
"Akin siya TAO! At wala ka ng magagawa dun! dahil..
Mahal ko na ...siya" pag-amin ko. Alam ko na masyadong mabilis. Pero hindi ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko para kay Dianara. Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagtibok ng puso ko sa kanya.
"Hindi lang ikaw ang nagmamahal sa kanya!" sigaw pabalik sakin ni Tao. Dahil mas mabilis siya kumpara sakin, agad siyang nakalapit sa kinatatayuan ko at sinipa ako ng malakas sanhi para tumama 'rin ako sa isang puno gaya ng nangyari sa kanya.
Hinawakan ko ang aking tagiliran. Nakita ko ang pagtulo ng itim na likido.
"Lalaki sa lalaki. Lumaban ka ng patas Luhan. Dahil ako, kaya kong gawin 'yun para kay Dianara." Natigilan ako sa kanyang sinabi.
End of flashback.
Papasok na ako sa pinto ng mansion ng mapansin kong paakyat sila Xiumin sa taas. Nagtaka ako ng tumigil ang mga ito sa tapat ng kwarto ni Dianara. Mabilis akong sumunod sa mga ito.
Binuksan nila ang pinto ng kwarto
ni Dianara. Napansin ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng kanilang mukha.Anong nangyari? May masama bang nangyari kay Dianara?
Mabilis akong lumapit sa kanila at agad na pumasok sa loob ng silid ni Dianara. Pero sana hindi nalang sana ako pumasok.. Sapagkat hindi ko nagustuhan ang naabutan ko.
"Rated SPG kayo!"
***
End of Chapter Eleven.milmarcel.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.