HALIMAW VS. PANGET

6.3K 221 6
                                    

A VAMPIRES' GIRL
by milmarcel

Dianara


Ibinagsak ko ang aking katawan sa malaki at napakalambot na kama. Hindi parin ako makapaniwalang mag-tatrabaho na ako dito sa malaking mansion bilang katulong ng mga gwapong yon. At ang isa pang nakakatuwa, walang ibang babae dito sa mansion bukod sakin kaya naman napakaswerte ko talaga. Yun lang solo ko ang lahat ng gawain dahil ako lang ang katulong dito pero ayos lang dahil mga nag gagwapuhan naman ang aking amo.


Bumangon ako sa pagkakahiga at daling pumunta sa bintana upang sumilip. Nagulat ako ng makita kong madilim na sa labas. Gabi na pala. Kailangan ko na sigurong maghanda ng hapunan at dahil ito ang unang araw este gabi ko bilang katulong. Sasarapan ko ang pagluluto.


Mabilis akong nagtungo palabas ng kwarto. Sumilip muna ako kung nasa sala ba ang mga amo ko pero walang tao don. Hmmn hindi kaya nasa kusina na sila? Agad akong bumaba ng hagdan. Habang tinatahak ko ang hagdan pababa hindi ko maiwasan ang kilabutan. Basta bigla akong nakaramdam ng mali.


Pansin ko lang huh, ang tahimik masyado dito. Hindi ako sanay. Sa bahay kasi lagi kong naririnig ang nakakarinding boses ni tiya Esma sa walang sawang pag-uutos at panunumbat. Sigurado akong nag-bubunganga na naman 'yun sa mga oras na ito.


Napatingin naman ako sa pintuan ng kusina ng may marinig akong ingay mula doon. Sigurado akong nadidito sila kaya tinungo ko na ang kusina pati excited narin akong makita sila. Hihi


Pero nabato ako saking kinatatayuan ng makarating na ako sa kusina.


Halos mawalan narin ako ng dugo saking katawan. Kung panget na ako, masasabi kong mas panget ang kaharap ko ngayon. M-maputla ito, buto't balat na ang katawan at meron 'tong sirang p-pakpak. Mahahaba rin ang mga kuko nito at meron syang malalaking ngipin.





i-isang HALIMAW!




Marahan akong umatras upang iligtas ang sarili ko mula sa kamatayang magaganap kung sakaling makikita ako ng halimaw na 'to. Oh, Lord tulungan niyo po akong makaalis rito ng ligtas. Dahan-dahan akong umatras.


Tatalikod na sana ako ngunit bigla itong tumingala at mapatitig sakin. Mas lalong lumaki ang kaba saking dibdib. Katapusan ko na! 'Yan ang isinisigaw ng puso't isip ko sa mga oras na ito!



Bigla itong suminghot na para bang sarap na sarap 'to sa kanyang naaamoy. Sa pagkakatanda ko ilang araw na akong hindi naliligo kaya imposibleng nababanguhan ang halimaw na 'to sakin.


Nagulat ako ng bigla itong tumalon mula sa lamesa, at dahil din don napaupo ako sa sahig! Ito na ba ang wakas ng aking buhay? Mamamatay ba akong single? Shocks! Hindi ko manlang naranasan ang mahalikan ng kahit sinong lalaki. Kahit kasing panget ko okay lang.

"T-tulungan nyo ko" bulong ko. N-nasan na ba sila? Nasaan na ba yung mga makikisig na yon? Hindi kaya napatay na sila ng halimaw na 'to? Omg! hindi maaari.


"GRAAAWRRRR!" Pag-ungol nito. Nanigas ako ng tumalon na patungo sakin ang halimaw. Marahil ito talaga ang nakatadhana sakin. Ang mamatay na panget at single. Papa! magkakasama na po tayo. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Inihanda ko ang aking sarili sa anumang sakit na matatamo ko mula sa halimaw na magwawakas sa aking buhay.




Pero wala akong naramdaman na sakit. Iba ang nararamdaman ko ngayon.




Isang malamig na yakap. Pero kahit malamig ito, ramdam ko na ligtas na ako sa kapahamakan. Teka sino ba itong nakayakap sakin? Imumulat ko na sana ang aking mga mata ng magsalita ito.


"Don't open your eyes" bulong nito saking tenga. Parang pamilyar sakin ang boses niya! Gusto ko sanang imulat ang aking mga mata, pero hindi ko magawa kaya sinunod ko na lamang ang utos nito na huwag mag-mulat.



"You're safe now" sambit nito. Agad-agad?? Napatay na ba niya yung halimaw? Pero paano? Ni hindi ko nga naramdaman na bumitaw siya mula sa pagkakayakap sakin eh.







"Sleep." Sambit muli nito at ganun nga ang nangyari nakaramdam ako ng antok kaya naman hinayaan ko nalang na lamunin ako ng nararamdaman ko.







***

Luhan




"Welcome back! Oh Luhan nandito ka na pala, nakita mo na ba 'yung- WAAAAHHH!" sigaw ni Xiumin ng makita ang halimaw na nakahandusay sa sahig.



"Ano ba Xiumin! Nagulat ka na naman ba sa mukha ng katulong natin- shit! what is that!?" sigaw naman ni Sehun habang tinuturo yung bampirang muntik ng pumatay sa babaeng mahimbing nang natutulog sa 'taas. Nandito na pala silang lahat.


"Luhan ayos ka lang ba?" tanong ni baekhyun. Muli itong nagtanong ng may maalala "Teka si Dianara?"


"Nasa taas ligtas na siya" sagot ko. Napansin ko naman ang pagbuntong hininga nilang lahat.


"So, alam na niya na bampira tayo?" Biglang tanong ni Lay.. napatingin silang lahat sakin.



"Hindi" tipid kung sagot. "Saan ba kayo galing?" tanong ko. Itinaas naman ni Kai ang hawak niyang Usa. Matapos nun tumingin naman ako kay Chen.


"Chen, tanggalin mo sa isip niya ang lahat ng pangyayari ngayon bago pa siya magising" saad ko. Sa aming mga bampira si chen lang ang may kakayahang bumura sa alaala ng tao. Tumango naman ito.



Mas magandang wala siyang maalala sa nangyari ngayong gabi.



***

END OF CHAPTER FIVE!!

thank you

milmarcel.

A Vampires' Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon