A VAMPIRES' GIRL
by milmarcel
DianaraPara akong sikat na artista na nahaharap sa matinding issue dahil pakiramdam ko nakaupo ako ngayon sa hotsit dito sa loob ng mansion at ang host ng mala-talk show na pag-uusap. Walang iba kun'di si Xiumin kasama pa ang very supportive audience, walang iba ku'ndi 'yung siyam.
Nakabusangot parin ang mga mukha nito, lalong-lalo na ang kay Xiumin.
Sigurado ako na tungkol parin ito sa nangyari kagabi.Ilang beses na akong nag
paliwanag sa kanila pero ayaw nila akong paniwalaan. Sinabihan ko nga si Tao na magsalita na siya pero nanatili lamang itong tahimik pag-katapos nun bigla nalang ngi-ngisi dahilan para lalong bumusangot ang gwapong pag-mumukha ni Xiumin."Inuulit ko, bakit.ganun.ang.pwesto nyo.ni.Tao.kagabi? Bakit!?" tanong ni Xiumin.
"Siguro may binabalak kayo ano?" Biglang tanong ni D.O habang nanlalaki naman ang mata."Baka gagawa na sila ng baby" sabi ni Kris. Napanga-nga ako sa narinig.
"Totoo ba Dianara? Kung ganun sana sakin nalang!" sigaw naman ni Kai. Nasisiraan na talaga ang mga lalaking 'to.
"Gusto ko BOY!" Suhestyon ni Lay na agad naman sinundan ni chanyeol.
"Gusto ko BABAE! puro lalaki na kasi tayo."
"Mas maganda kung kambal diba, Dianara?" si Baekhyun naman habang hinahawakan ang kamay ko ng mahigpit, grabe ang lamig lamig ng kamay niya!
"Dianara, basta ito ang tandaan mo, ako ang Number one NINONG!, marami akong pera promise!"
Ayaw ko na! Hindi na kaya ng isip ko ang mga pinagsasasabi nila.
"Tsk. tsk. tsk." Si chen habang umiiling.. mabuti nalang hindi na ito nakisali sa mga salitang hindi makain ng utak ko. Tumingin ako kay tao.
Magpaliwanag ka!
"Yeah, we did it" bigla kong binatukan si Tao, pero hindi ko iyon sinasadya. Agad akong humingi ng sorry. kasi naman ee! Tumingin ako kay Xiumin.
"Xiumin, wala talaga 'yun, na-OUT balance lang kami ni Tao kagabi kaya naging ganun ang posisyon namin promise." Paliwanag ko. bakit ba kasi ayaw nilang maniwala sakin?
"Hindi parin ako-kami na niniwala. Tignan mo nga ang ngiti ng TAO na 'yan." sabi nila. sus parang ang ganda ganda ko naman ee?
"Ano naman sa inyo kung nakita ninyo kami sa ganung posisyon? Naudlot nga ang dapat naming gagawin dahil mga istorbo kayo." sabi ni Tao, kung pwede lang malaglag ang panga ko sana nga nalaglag nalang!
"Hoy! Ano bang pinagsasabi--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Luhan na dumaan sa may salas.
Saglit itong tumingin sakin at umirap ala! ano na naman ba ang ginawa ko? Tungkol 'rin ba ito sa nangyari kagabi? Pero wala naman talaga yun!
Akala siguro ni Luhan ginayuma ko si Tao. Sa mga tingin kasi nito, parang ayaw niya yung ideyang kami ni Tao.
Napabuntong hininga ako.Sabagay, ang gwapo ni Tao para maging girlfriend ng katulad kong panget. Pero oy! bente ang sukat ng bewang ko at masasabi ko namang mayaman ang aking hinaharap at pang-upo kaya nga nauso ang salitang..Hipon!
Kain katawan, tapon ulo. Ng malaman ko ang ibig sabihin nun sobra akong nagalit. Totoo naman kasi.
Sinundan ko ng tingin si Luhan na papalabas ng pinto. Saan naman kaya pupunta yun? kung sundan ko kaya-- napatingin ako bigla kay Tao at grabe lang ang pandang 'to ang sama-sama ng tingin sakin, Hala! Nakakabasa nga pala ito ng isip.
Nagkunwari akong humihikab.
"Diyan muna kayo mga amo ko, tutulog lang ako saglit." Paalam ko bago dumiretso ng akyat sa hagdan. Nagpatuloy lamang ako kahit naririnig ko ang malakas na sigaw ni Xiumin. Haha! ang kulit.
Nang marating ko na ang aking silid agad kong ni-lock ang pinto. Sa totoo lang hindi naman talaga ako tutulog, ni hindi nga 'rin ako nakakaramdam ng antok. Gumawa lang talaga ako ng dahilan para makaalis doon sa salas.
Balak ko kasing sundan si Luhan, para kasing galit ito sakin, i felt guilty! chos!Naglakad na ako patungo sa may bintana, binuksan ko ito at dinama ang malamig na hangin na pumasok mula rito. Pero joke lang mga friend, wala naman talagang hangin na pumasok. Feel ko lang.
Sumilip ako sa labas ng bintana. Tinantya ko kung gaano kataas ang bababain ko. Medyo may kataasan ito pero dahil malakas ang loob ko at malaki ang dibdib ko. biro lang. Tatalunin ko ito ng buong tapang..
pero biro lang ulit! Ayaw ko pang mamatay no! Haha.
Dahil ayaw ko pang tapusin ang buhay ko, nag-isip nalang ako ng ibang paraan kung paano ako makakababa dito sa bintana ng hindi nahuhulog. Pero wala akong maisip kaya nagbago na ang isip ko, pati hindi ko pala kaya ang bumaba sa bintana. Masyado talagang mataas. Mahirap pa naman ma-fall ng walang sasambot sayo. Masakit.
Sa likod nalang siguro ako ng bahay dadaan. Ang problema ko nalang ee, nasa salas sila kaya sigurado ako na makikita at makikita at makikita at makikita nila ako. Tss.
Marahan akong lumabas ng aking silid na parang isang babaeng manyak na mamboboso sa mga lalaking naliligo sa ilog habang walang saplot kaya makikita ko ang mga ano- ay tama na, ang harot ko na!
Pero ang ibig ko talagang sabihin ay ang pagsilip ko sa salas. Walang tao-este mga bampira. Hmmn
Nasaan kaya sila? Pero napahinto ako saking naisip. This is my chance para makalabas ng mansion!
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na tumakbo patungo sa malaking pinto.
CLICK!
Bukas na ang pinto! Sa wakas masisilayan ko na muli ang haring araw! Mabilis akong lumabas ngunit nawala mg ngiti ko at napasimangot dahil nagmukha akong tanga, wala naman kasing araw!
Pero saan kaya nagpunta si Luhan? Mabilis akong tumakbo palabas ng gate.
"Saan kaya dumaan ang gwapong 'yun?" tanong ko sarili. Pero dahil hindi naman ako sasagutin ng aking sarili.
"Bahala na!" Naglakad na ako palayo ng mansion. Sana makita ko siya.
~
Third person's POV
"KAMAHALAN!!" Malakas na sigaw ng isang ispiyang bampira.
"Anong kailangan mo?" galit na tanong ng kamahalan. Nagulat kasi ito ng bigla nalang bumukas ang pinto. Ngunit nawala ang galit nito sa mukha dahil sa sinabi ng ispiyang bampira.
"Sigurado ka ba diyan?" naniniguradong tanong ng kamahalan.
"Opo kamahalan sigurado po akong lumabas ang babaeng tao mula sa mansion ng mga VampirEXO"
"Kung ganun ano pa'ng ginagawa mo dito? Kunin mo siya at dalhin sakin!" utos nito.
"Masusunod po" sabi ng ispiyang bampira at tuluyan ng umalis.
"HAHAHAHAHA!" malakas na pagtawa ng haring bampira. Kinuha nito ang basong may lamang dugo ng tao."Humanda kayong mga VampirEXO sa pagsaway saking batas." parang nababaliw na sabi nito at tumawa ito ng tumawa.
***
Vote.comment po:)
milmarcel
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.