A VAMPIRES' GIRL
by milmarcelDianara
"Papa ano po 'yan?" tanong ko sa bagay na hawak hawak ni papa.
"kwintas 'to anak, obvious naman diba?"
"Papa naman ee!" tumawa ito ng tumawa.. pero nagulat ako ng isuot sa akin ni papa ang kwintas.
"ingatan mo ang kwintas na yan anak at huwag na huwag na 'wag na 'wag mong huhubarin yan, naiintindihan mo?" tumango naman ako habang pinagmamasdan ang kwintas "mahal na mahal ka ni papa" napatingala ako sa kanya at ngumiti. hinalikan niya naman ako sa noo kaya napapikit ako.
"mahal na mahal ko 'rin po kayo." saad ko habang nakapikit parin. Ngunit pagmulat ko ng aking mata, ibang mukha na ang nasa harapan ko.
Kulay puti ang mga mata nito. ..s-siya yung matandang manghuhula!
"Mag-iingat ka! nasa panganib na ang buhay mo simula ngayon." hinawakan niya bigla ng mahigpit ang aking kamay, nasasaktan ako! kaya pilit ko itong tinanggal mula sa kanyang pagkakahawak.
Mamamatay ka!
Mamamatay ka!
Mamamatay ka!"
Mamamatay ka! "
"HINDI!" Sinapo ko ang aking dibdib. Isa lamang panaginip! nakakatakot na panaginip, na mas nakakatakot pa sa pagmumukha ko. Hinawakan ko ang kwintas na bigay sakin ni papa.
"Papa, natatakot po ako" sambit ko bago ko isinubsob ang aking mukha saking mga tuhod. Gusto ko sanang umiyak ngunit naisip ko na hindi makakatulong sakin ngayon ang pag-iyak. Pati kailangan ko din maging malakas para saking sarili.
Nang maging maayos na ang pakiramdam ko. Bumangon na ako sa kama at mabilis tumungo sa may bintana upang buksan ang makapal na kurtina.
"Hala! Umaga na pala! baka gutom na ang mga amo ko!" Natatarantang sambit ko. Mabilis kong tinungo ang pinto. Bubuksan ko na sana ito ng may maalala ako. Hindi pa pala ako naghihilamos at nagmumumog. baka ma turn-off sila sakin.
Tss. kahit maligo ka pa turn-off parin sila sayo! Sigaw ng isip ko.
Ang sama sama nito sakin samantalang iisa lang naman kami. Parehong panget! Hindi na ako naghilamos at tuluyan nalang binuksan ang pinto at bumaba na.
Sandali? bumaba ba ako kahapon?
nag-isip ako ng mga tatlong segundo pero wala naman akong naalala. Tuluyan nalang akong bumaba.Kapansin-pansin ang kadiliman sa buong mansion. Ang laki-laki nga ng bahay sobrang dilim naman. Nang tuluyan na akong makababa, agad kong tinungo ang mga bintana at isa-isang binuksan ang mga kurtina.
At BOLA! este VIOLA! maliwanag na sa buong mansion. Sumilip ako sa labas ng bintana. Yung totoo? Disyerto ba ang lugar na 'to at wala manlang ka tao-tao sa labas? Sa amin kasi mga ganitong oras siguradong nagliparan na ang mga Chismosa sa kaliwa't kanan ng kalsada at pinag-uusapan na aking kagandahan. Charot.
Hayy nako makapag handa nalang ng umagahan ng mga gwapo-
"Ay! Pusang ginahasa!" sigaw ko ng magulat ako sa lalaking nakatingin sakin ng masama.
"Ikaw! mukhang pusang ginahasa!" sigaw nya. hala! Ang aga-aga highblood.
"Pasensya na kung nagulat kita "kesa ang totoo ee ako naman talaga ang nagulat sa ka-cute-tan mo hihi" Ano nga po pala ang pangalan mo?" Tanong ko. Nakalimutan ko kasi. Paano ba naman nagpopokus ang utak ko sa mga kagwapuhan nilang taglay.
"Call me D.O" D.O? Astig naman ng pangalan ng mga amo kong 'to "Hindi ka ba marunong magsuklay ng buhok? Pati bakit mo binuksan ang mga bintana? Hindi mo ba alam na bawal kami sa liwanag dahil mga-"
"DO KYUNG SOO!! Anong sinasabi mo diyan!?" Sabay kaming napatingin sa sumigaw. Isang napakatangkad na gwapo ang bumababa ngayon nang hagdan pero mukhang
mang-aaway 'to dahil nakisamangot siya. Ang gwapo din neto eh!Napansin ko naman na napatakip sa kanyang bibig si D.O habang nanlalaki ang mga mata, ang cute cute ni D.O sarap halikan! Chos!
Nang tuluyan ng makalapit sa amin si..
"I'm Chanyeol" pakilala nito. Bigla naman akong nagulat nang hilahin nya si D.O paakyat ng hagdan. Mga mukha silang kulto dahil balot na balot sila ng tela, ano nga bang tawag dito?
Ro--ro---ro- ay ang hirap naman! kapute na ngalang.
***
Chanyeol
Mabilis kong hinila si Kyungsoo sa paitaas. Muntik na kaming mabuko. Muntikan ng malaman ng babaeng yon ang totoong pagkabampira namin.
"Bunganga mo walang preno kanina!" Mahinang sigaw ko sa kanya.
"Paano ba naman kasi itinaas ang mga kurtina! ee kung masunog ako!?" Sigaw din nito at hinawakan pa ang kanyang balat. Tss, ang arte talaga ng kwagong 'to.
"Bakit kasi doon ka natulog?" tanong ko."Ala! Ang importante hindi mo nasabi kung ano tayo, kaya sa susunod kyungsoo alalahanin mo muna ang sasabihin mo. Arasso?" saad ko.
"Okay!"
***
Dianara
Hindi na ako nag-abala pang magluto dahil ayaw naman nila. Hindi daw sila kumakain ng breakfast. Pwede ba yon? kaya siguro sila mapuputla. Tapos alam niyo ba na yung mga kurtina? Ayun muli nilang binaba? ang dilim dilim tuloy dito sa loob, ayaw din nila buksan ang ilaw. Ay ewan!
"Ano, wala po ba kayong i-uutos?" tanong ko sa doseng 'to. OO DOSE sila! As in TWELVE sa english. At kilala niyo ba kung sino yung isa?
si
si
si
si
si
si
si
si OMG!!!! kinikilig talaga ako! Pero sino pa nga ba?
Edi si LUHAN! hihi dito din pala siya nakatira sa mansion na ito. biruin mo yon?
"Ikuha mo kami ng du- ARAY ko naman!" Sigaw ng maitim matapos siyang batukan ng pinakamatangkad sa kanila na palagi nalang nakasimangot. Haha nakakatuwa sila.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Gusto mong marape!?" Sigaw nito kaya lalo kong nilaksan ang pagtawa..
pero biro lang! Ayaw kong ma-rape. bata pa ako. Chos!
**
end of chapter Six
milmarcel.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.