hello nabasa ko yung one and only comment sa last chap. at sabi BITIN kaya ito na po:))))
sana magustuhan n'yo.
-------------
A VAMPIRES' GIRL
by milmarcelChapter Thirtyfour
Dianara's POV
Kinagabihan matapos ang nangyari sa loob ng silid ni Chen. Ay hindi na umalis saking tabi ang mga Gwapong bampirang ito..gayon 'din si Kuya Aspen at Lalane na tahimik na nasa sulok ng aking silid.. naisip ko.. hindi ba sila nabobored sa pagtingin sa hindi kagandahan kong mukha?
..oh sya panget na.
Pati hindi nyo ba napapansin na wala dito si Nutella? Sa totoo lang naaawa ako sa kanya. paano ba naman halos kaladkarin na siya ni Luhan palabas ng mansion tapos sinigawan pa ng get lost. kaya wala na s'yang nagawa kundi ang umalis pero bago 'yun, nagbanta ito na hinding hindi 'daw mapupunta sakin si Luhan.
Sabi ko naman saking isip.. hindi na kailangan dahil sakin naman talaga si Luhan. Haha. kapal ko talaga. ee hindi nga ako pinapansin ngayon. Hindi ko alam kung bakit. pero heto s'ya ngayon nasa kaliwa ko. Tahimik na tahimik.
Iniisip siguro 'yung kanina'ng sinabi ni Nutella. hindi ko tuloy maiwasang kiligin.
"Matulog ka na, Dito lang kami" sabi ni Suho. Hindi ko tuloy mapigilang hindi ngumiti. Sino bang nagakala na pahahalagahan ako ng mga lalaking ito?
Nang mga Bampirang ito?
Sa totoo lang sobra na ang nagawa nila sakin. Ni hindi ko nga alam kung paano sila pasasalamatan. Sana dumating 'yung oras na maibalik ko lahat ng kabaitan na pinakita at ginawa nila para sakin.
"Tama na ang pagiisip, matulog ka na"
Napatingin ako kay Tao na seryosong nakatingin sakin. Nambasa nanaman ng isip ito.
"Goodnight?" sabi ko, bago ko marahan na ipinikit ang aking mga mata.
Sa totoo lang kinakabahan ako. hindi ko kasi alam kung anong pwedeng mangyari, Bukas at sa mga susunod pang mga araw.
pero habang kasama ko sila..
Ang mga bampirang nagpapahalaga sakin. Iwawaksi ko lahat ng bagay na nagpapagulo saking isip at nagpapakaba sa puso ko.
'ngayong gabi walang mangyayaring masama' mahina kong sambit bago ako tuluyang nagpaagos sa nararamdaman kong antok.
-------------
Kinabukasan maaga akong nagising at sa pagmulat na pagmulat ng aking mata. Ang mga mukhang hindi ko ata kayang makalimutan ang sumalubong sakin.
Talaga pa lang nakakaganda ng umaga ang mga magagandang tanawin.
"Oo, hindi tulad mo na kulang nalang ay walistambo, mukha ka ng mangkukulam"
Napasimangot ako ng sobra sobra dahil sa salitang sinabi ni Tao. Kahit kailan talaga. Kaya hindi ko napigilang magtakip ng mukha.
Marahan kong itinaas baba ang aking mga balikat, kung titignan para akong umiiyak ngayon.
at maya-maya lang naramdaman ko na ang paglapit niya sakin.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.