1 VERSUS TWO

3.2K 116 1
                                    

A VAMPIRES' GIRL by milmarcel

Chapter TwentyFive

Luhan's POV

Sabay sa pagpatay ng ilaw. Mabilis kong kinuha ang kamay ni Dianara at mabilis na inalis sa loob ng Cuvanent Mansion. Hindi maaaring malaman ng maraming bampira na isa siyang Mortal at higit sa lahat ay malaman nilang ito ang nagtataglay sa Dalisay na Dugo.

Tumingin ako buong paligid malayo layo na ang narating namin kaya tumigil na ako sa pagtakbo. At marahan kong ibinaba si Dianara mula sa pagkakababa mula saking likuran.

Humarap ako dito

"Ligtas ka na Diana---Lalane?"

Bulaslas ko paanong..

"Anong ginagawa mo dito!?" sigaw na tanong ko.

"Ano... Ng mamatay ang ilaw agad akong lumapit sayo.. At ang kamay ko ang--"

"Sh*** sh***, nasaan si Dianara!?"

Kailangan ko siyang makita! Baka mahamak sya!

"M--mortal si Ate Dianara?" napatingin ako kay Lalane, wala ng dahilan para ilihim pa sa kanya. Kaya marahan akong tumango.

"kung ganun-"

"LUHAN!!" lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Tao kasama sila Xiumina, pero..

"Nasaan si Dianara?" sigaw na tanong ko bakit hindi nila kasama?

"Ako dapat ang magtanong sayo Nyan!?"

Hinigit bigla ni Tao ang kwelyo ng damit ko. "Ikaw ang huling kasama nya!"

"hindi ito ang tamang oras para magtalo kayo. Siguradong nasa panganib si Dianara!" sigaw ni Suho.. Bumitaw naman agad si Tao

"Kapag may nangyaring masama kay Dianara, Magtutuos tayo Luhan"

Tumalikod na sila at mabilis na nawala. Kailangan ko ng umalis.

"Luhan oppa... iligtas mo si Ate Dianara" lumingon ako sa kanya

"i will"

-----

Dianara's POV

Umalis ako mula sa pagkakayakap ni Kuya Aspen. Nakatingin lang ito sakin at biglang ngumiti. Napaka gwapo talaga.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, ang mahalaga ngayon ay maialis kita sa lugar na ito."

bigla syang Umupo sa harapan ko.

"sakay na.." utos nito. Hindi na ako nagtanong pa at bumaba nalang sa kanyang likod. "Ilalayo kita sa lugar na ito."

Ilalayo? Pero paano sila..

Luhan?

Lumakas bigla ang hangin kaya naman napapikit ako.

"..si haring Dominiro" parinig kong bulong ni Kuya Aspen kaya muli kong iminulat ang aking mata.

Tumingin ako sa unahan, dalawang Lalaki...


Lalaking Bampira. Napuno ng kaba ang dibdib ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo.. Aspen?"

A Vampires' Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon