( hello guys! Ako po ay sobrang humihingi ng pasensya dahil sa sobrang late late UD. bc lang po.
so 'yun po... hope like this chapter : )
-----
A VAMPIRES' GIRL
by milmarcel3rd Person's POV
Tahimik na nakamasid ang dalawang bampira sa isang bagay na unti-unting lumilitaw. Ang libro ng Propesiya.
Sa batas ng mga bampira, ang muling pagpapalabas sa libro ng propesiya mula sa pagkakatago ay isang malaking kasalan.
Dahil para sa kanila, ang propesiya ay parang isang malalang sakit, hindi nila ito matanggap. Sapagkat natatakot sila na maranasan nila ang naranasan ng mga nauna pang bampira. Kaya dahil 'don, napagpasyahan nila na ipatago ito sa pinakamatibay na mahika ng mga salamangkero.
Pero ang Propesiya ay mananatiling propesiya, Walang makakapigil. Walang Makakabago.
"Sa WAKAS!" malakas na sigaw ng isa sa bampirang nagpalabas sa libro. Gumuhit sa mukha nito ang isang nakakatakot na ngiti " Hindi ko inakala na muli kong masisilayan ang librong kinatatakutan ng ibang bampira." sabi nito at marahan na binuklat ang unang pahina ng libro.
"Anong susunod nating gagawin?"
"Simple... hahanapin natin ang mga posibleng maging balakid sa plano ng mahal na Hari" sabi nito at nagpatuloy na sa pagbuklat.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na tanong ng isa..
"Sa kapangyarihan na matatamasa ng sino 'mang makakatikim sa Dalisay na Dugo ng Avintro... ay natitiyak ko na mayroong posibleng paraan para matanggal ito. o mawala ito sa bampirang nakakuha sa Dalisay na dugo."
"ibig sabihin, nakasulat ang posibleng paraan sa librong ito?"
"Mismo!"
Nagpatuloy lang sa pagbuklat ang dalawa, hanggang sa makita na nila ang kanilang hinahanap. pero ng basahin nila ito .ay sobra silang nagtaka sapagkat iba ang nakasulat sa libro.
Sinuri ng matandang bampira ang gilid ng libro at napagtanto nito na nawawala ang isang pahina.
"hindi ito Maaari! N---N--n-awawala ang isang pahina!" tarantang sigaw nito.
"Huh? ..paanong----"
Natigil ang dalawa at napatingin sa pintuang kabubukas lang.
Pumasok ang isang alalay na bampira.. yumuko muna ito bago tuluyang magsalita.
"Ipagpaumanhin n'yo po prinsipe ZALIM , pero napakahalaga po ng aking sasabihin." lumapit ito sa harapan ni Zalim
lumapad ang ngiti nito...
"Gising na po si Haring Dominiro.....gising na po ang iyong Ama."
-----------
"Parang may mali" bulong ni Lalane sa kanyang sarili. habang pauli-uli ng lakad sa loob ng kanyang silid.
kanina matapos n'yang ayusin ang magiging kwarto ni Dianara...ay biglang bumigat ang kanyang pakiramdam.
"Hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito... pupuntahan ko sila" sabi nito at mabilis na tumungo sa pintuan, pero biglang may nagsalita dahilan para ikatigil niya.
nilingon n'ya ang babaeng bampira na nakaupo sa malambot na kama na para kay Dianara.
"Sigurado akong ...hindi n'ya mahahagkan ang kamang ito.. ahh! kahit pala ang pagtungtong sa mansion na ito ay hindi n'ya na magagawa! HAHAHA!" parang nababaliw na sabi nito.
Agad itong nilapitan ni Lalane at mariin itong sinakal.
"Paano ka nakapasok dito? at anong ibig mong sabihin sa huling sinabi mo?!!!!"
Halos lumubog na ang ulo ni Nutella sa kama dahil sa sobrang diin na pagkakasakal ni Lalane sa kanya.
"w-a-la n--na ka--yong magaga-wa! w--wala" nahihirapang sambit ni nutella.
Hindi na kontento si Lalane sa naging sagot ni Nutella. kaya sa sobrang galit ibinato niya ito palabas sa bintana.
"Lalane...."
lumingon ito.. Aspen?
"Anong ginagawa mo dito?"
tanong n'ya..lumapit ito kay Aspen pero napatigil ito ng makita ang itim na likido na patuloy na tumutulo mula sa dibdib nito."S--i ...Do---m---ini--ro! b-b--uhay s'ya!"
********end of chapter 37
vote and comment?
thankyou
#milmarcel.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.