A VAMPIRES' GIRL
by milmarcelDianara
Sinamantala ko ang pagtatalo nila. Mabilis akong tumayo at naglakad palayo upang makatakas sa mga babaeng bampira. Alam kong hindi pa ako tuluyang ligtas sapagkat anumang oras ay kaya nila akong maabutan. Ugod-ugod pa naman akong maglakad ngayon.
Ginawa ko ang pinaka mabilis kong pagtakbo pero wala parin dahil nga ugod-ugod ako. Marahil siguro sa sugat ko sa binti kaya hindi ako makatakbo ng maayos idagdag pa ang
sugat ko sa braso.Kailangan ko na talagang makita ang daan pauwi.
"Saan ka pupunta?"
Pusang ginahasa ng tatlong beses!
Napaupo ako sa sahig ng biglang tumambad saking harapan ang mga babaeng bampira. Sabi na at maabutan nila ako!
Mabilis akong tumayo. Ayaw kong matapos ang buhay ko ng nakahiga. Gusto ko nakatayo para naman may effect kapag bumagsak ako sa sahig. Feel ko 'yon!
"Sa tingin mo makakatakas ka samin?" nakangiting tanong ni Urna. Pero yung ngiti niya nakakatakot. Sa totoo lang na-iinggit ako sa ganda ng kanyang ngiti. Pero dahil isa siya sa tatapos ng buhay ko. Dibale nalang!
"Kanina oo, pero dahil nasa harapan ko na kayo ulit, anong sa tingin mo?" matapang kong sagot sabay irap pa ng matindi. Alam kong katangahan ang ginagawa kong pagsagot sa kanila dahil maaari silang magalit at mapatay na nila ako ng tuluyan pero anong magagawa ko? Ito nalang ang naiisip kong paraan para hindi naman ako mamatay ng walang kalaban laban diba?
"Matapang ka! Hawakan nyo siya!" utos ni Urna sa dalawang kapatid.
"Any last word?" tanong ni Oriana
"Meron at alam nyo ba kung ano?" nakangisi kong tanong, nakita ko naman na para silang naasar. Napalunok ako ng laway. Kaya ko 'to!
"Go ahead" sabi nila habang unti-unti ng lumalapit sakin. Huminga ako ng malalim.
"MAS MAGANDA AKO SA INYO!" malakas na sigaw ko.
"Hahahahahaha edi WOW!!" Sabi nila. "HUMANDA KA!" Nagulat ako ng magpalit sila ng anyo.
"AAAAHHHHH!!" sigaw ko. Sabi na ee! Mas maganda talaga ako sa kanila inside and Out!
Pero mamamatay na ba talaga ako!? Siguro, marahil. Kaya paalam sa inyo Xiumin, tao, d.o, chen, suho, lay, kai, baekhyun, chanyeol, kris, sehun at luhan..
Dahan dahan ko ng ipinikit ang aking mga mata.
handa na akong mamatay!
Lumipas ang ilang sandali pero wala parin akong naramdaman na sakit bagkus isang yakap ang nadama ko. isang malamig at mahigpit na yakap.
Minulat ko ang aking mga mata, kita ko ngayon si Verona at Oriana na nakabulagta sa may sahig. Siya ba ang may kagagawan nun!?
"Don't cry" bulong niya. Mas lalong napahigpit ang aking yakap. Hindi ko napansin na pumapatak na pala ang mga luha ko sa kanyang balikat. Humarap ito sakin at hinawakan ang aking mukha.
"Ligtas ka na, kaya 'wag kanang umiyak" nakangiti niyang sabi saka pinunasan ang luha ko. Ito ang unang beses na makita ko siyang ngumiti.. sakin.
dub. dub. dub. dub. tibok ba ito ng puso ko dahil sa takot o dahil sa kanyang ngiti na ngayon ko pa lamang nasilayan?
"LUHAN, Susugod sila!" sigaw ko ng makita kong patakbo na ang mga panget. Agad naman lumuhod si Luhan patalikod sakin. Mabilis ko namang nakuha ang kanyang ginawa kaya agad akong sumampa sa kanyang likod.
"Humawak ka ng maayos.. 'Wag kang bibitaw, naiintindihan mo." utos niya kaya pinulupot ko ang aking kamay sa kanyang leeg.
Bumilis naman ng sobra sobra ang tibok ng puso ko ng bigla nalang tumalon paitaas si Luhan.
"Waaahh Luhan naman!!" sigaw ko.
"Higpitan mo lang ang yakap mo" sabi nito. sinunod ko nalang ang kanyang utos. Jusko ko po baka mahulog ako pero hindi dahil sa lumilipad kami kun'di dahil kinikilig ako! Heaven 'to!
Hindi ko naman naiwasan singhutin ang mabangong amoy ni Luhan. Ang bango bango nito! amoy baby! Nakaka adik ang amoy tapos yung likod niya ang lapad lapad. Feel na feel ko tuloy ang pagpatong sa kanyang likod.
Ngunit naputol ang kalandian ko ng mapabitiw ako kay luhan ng mayroong humigit saking likod.
"DIANARA!!!!" Rinig kong sigaw ni luhan.
Nakaramdam ako ng kirot mula saking likod parang pinupunit ito sa sobrang sakit.
"Akala mo makakatakas ka samin? HINDI!!" sigaw ni Urna at hinagis ako pababa. Wala na akong ligtas!
"I got you" minulat ko ang aking mga mata at don nakita ko ang mukha ni Tao. Si TAO!
"TAO! asan sila? ..si Luhan!?" tanong ko
Nakababa kami sa lupa ng maayos, pero parang hindi ko kayang tumayo. Hindi ko maramdaman ang paa ko.
"Dianara!" napatingin ako kila Xiumin at sa iba pa.. Nandito silang lahat! napangiti ako pero agad 'rin nawala.
"Asan si Luhan?" kinakabahan na tanong ko, baka napano siya!
"I'm here" lumingon ako sa likod. Ligtas siya.
3rd Person's POV
"Your knights, hindi ko inakala na mayroong tagapagligtas ang isang tulad mo at talagang mga bampira pa." Sambit ni urna.
"Papatayin ka 'rin nila!" sigaw naman ni Verona.
"Hindi sila tulad nyo!" sigaw ni Dianara "Mababait sila, At hinding hindi nila gagawin ang sinasabi nyo!"
" paano ka nakakasiguro? iinomin 'rin nila ang dugo mo!" napangiti ako
"Kung gagawin nila 'yun, noon pa ng malaman nila ang pagkatao ko, pero hindi. Bagkos iniligtas pa nila ako, sa mga katulad ninyong uhaw sa dugo ko! ... At kung sakali 'man na gagawin nila ang sinasabi nyo, pipiliin ko na lang sa kanila mapunta ang dugo ko" seryoso kong sambit
"Dianara.." napatingin ako kay D.O at ngumiti
" nawalan na ng saysay ang buhay ko buhat ng mawala si papa, pero ng mapadpad ako sa lugar na ito, sa mansion ng mga VampirEXO at ng maging kaibigan ko sila, masasabi kong may saysay na muli ang buhay ko." pinunasan ko ang aking luha.
"Dianara tama na.. Naiiyak na ako" sabi ni Xiumin, ngumiti ulit ako.
" At nararamdaman ko na kahit hindi ko 'man taglayin ang dugong taglay ko ngayon pahahalagahan parin nila ako tulad ng pagpapahalaga nila sakin ngayon." sabi ko, bigla akong niyakap ni Xiumin at niyakap ko 'rin ito.
Napatingin ako sa dalawang pares ng mata na masamang nakatingin sakin si Luhan at si Tao ala! Anong meron?
"Masyado kayong madrama!" sigaw ni Urna " Verona! Oriana! Sugudin sila!" sigaw pa nito at sumugod na nga sila.
"...wag kang magalala pro-protektahan ka namin" sabi nila
At naghanda para umatake.
*****
milmarcel.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.