A VAMPIRES' GIRL
by milmarcelSomeone's Pov
"Hindi ko akalaing kukupkop ng isang tao ang mga vampirEXO"
"Hindi lang po 'yun kamahalan, may iba pa akong nararamdaman mula sa babaeng 'yun."
"Kung ano 'man yan abangan natin. Ang gawin mo lang muna ngayon ay bantayan ang bawat galaw nila. Yun lang at maaari ka ng makaalis"
"masusunod po."
***
Dianara
"Master Xiumin ituro mo na sakin kung papaano naging kulay pula ang siopao mo!" Tanong ko habang hinahabol si MASTER Xiumin. 'yan ang gusto niyang itawag ko sa kanya mula ngayon. Pati narin sa iba pa gusto master, pakigaya nga eh.
Grabe lang! nakakapagod maghabol sa cute na ito huh! Tumigil ako saglit sa paghabol sa kanya at nag-isip kung paano ko mapapahinto sa pagtakbo ang cute na 'to. Jusko parang bata. Sabagay mukhang bata pa itong si master xiumin.
Ting!
Tingnan natin kung hindi ka tumigil sa gagawin ko. Mabilis kong inilabas ang nag-iisang siopao ni Master Xiumin.
"Hmmn ang bango bango talaga nito" saad ko matapos kong amoy-amuyin ang siopao na hawak hawak ko. Nakita ko naman siyang tumigil. haha. huli ka balbon.
"S-saan mo 'yan nakuha huh! Huwag mong kakagatan 'yan!" Sigaw niya. Mukhang mahal na mahal niya ang siopao na 'to. Pero teka, bakit ganun yung mga mata niya? parang nag-iiba ng kulay? Guni-guni ko lang siguro. Kung ano-ano napapansin ko.
"Kung kagatan ko kaya?" Pang-aasar dito. Sa totoo lang feeling close na ako sa kanya kaya naman sasagadin ko na. Ilalapat ko na sana ang siopao saking bibig ng bigla siyang magsalita
"Sige na sasabihin ko na- Ay, Nahulog!" Sambit niya at tumuro sa may likuran ko. Lumingon naman ako. Pero wala namang nahulog.
"Sa akin 'to" napaharap ako bigla pero sobrang lapit na sakin ni Master Xiumin at hawak na niya ang siopao. Teka bakit ang bilis naman niyang nakalapit sakin?
Subalit hindi niya ako malilinlang, hindi ako magpapatalo. Mas lalo akong lumapit sa kanya at pilit na inagaw ang siopao mula sa kanyang mga kamay. Ngunit masyado siyang malakas kaya naman..
"Ahhh!" sigaw ko ng maramdaman kong tutumba na kami! Pero nagulat ako ng higitin niya ang katawan ko at ipagpalit ang aming pwesto.
"Baboy ka ang bigat mo!" reklamo niya habang nakadagan ako sa kanyang ibabaw. Pero parang wala akong narinig sapagkat ang mga mata ko. Napako nalang sa kanyang mga mata, sunod sa ilong, sunod sa..kanyang mapulang labi!
OMG! PIGILAN NIYO KO! Kung ayaw ninyong mahalay ko ngayon ang lalaking ito. Subalit imbis na tumayo ako at umalis, lalo ko pang inilapit ang aking mukha sa kanya kaya halos magdikit na ang aming mga labi.
Malandi ka Dianara! Malandi! Sigaw ng konsensya ko, pero hindi ko ito pinansin.
"Hoy! Anong balak mo?" Tanong niya habang nanglalaki ang mga mata. Naaamoy ko narin ang mabango niyang hininga. Ang bango! Nakakaadik. Shocks! Ano bang nangyayari sakin? Sa pagkakaalam ko naman hindi ako mahalay na tao. Medyo lang. Pero kasi yung labi niya sobrang nakakaakit. Parang ang sarap-sarap halikan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.. please! Lord ilayo niyo po ako-
Ay pumikit!!?
Omg! Pumikit si Master Xiumin! Anong ibig sabihin nun?
Alam niyo ba kahit na panget ako ay naghahangad parin ako ng first kiss mula sa isang gwapo? kaya grab the chance ang peg ko ngayon. Konti nalang!
"EHEM."
Sabay kaming napatingin sa tumikhim. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Si Luhan! agad akong napatayo ganun din si Master Xiumin na namumula ang mukha Hala! Ang cute.
"Are you guys kissing?" tanong ni Luhan. Biglang tumingin sakin si Master Xiumin. Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya. Para itong naduduwak na ewan. Nagulat nalang ako ng maya-maya ay nagtatakbo ito papuntang kusina, ala! napano 'yun?
"Napano si Master Xiumin?" tanong ko kay luhan ngunit isang matalim na irap lang ang ginawa nito. Ay ang taray! tinalo ako sa pag-irap. Naglakad na ito palabas ng pinto kaya naman tinanong ko kung saan siya pupunta pero inisnob lang niya ako. Sungit! makapunta na ngalang siguro sa kwarto at makapagbilang ng kuto. Joke wala ako nun.
Habang paakyat naman ako ng hagdan, siya namang pagbaba ni TAO.
"Hindi. hindi ko yun pangalan." Mahinang bulong nito, pero narinig ko naman. Tatanungin ko sana siya ng lampasan niya lamang ako. Hayy
Napahawak ako saking tiyan. Gutom na talaga ako. kung bakit kasi walang pagkain dito sa bahay, naturingang ang laki-laki pa naman. huhuhu wala pa naman akong pera dahil kakaumipsa ko palang naman magtrabaho. hayyy! makatulog na ngalang.
**
"Hoy gising!" Sino ba itong istorbo? Nakitang ang sarap sarap ng tulog ni Sleeping beauty eh! Nanggugulo!
"Ang kapal talaga ng mukha mong panget ka" boses ni Tao. Si Tao? hala! bakit nandito ito? hindi kaya- aray! ang pwet ko. Ilaglag ba naman ako sa kama.
"Hindi kita pagsasamantalahan kahit pa nakahalita ka diyan ng walang saplot, ang panget panget mo kaya" sabi niya. Tss! Wala naman akong sinasabi eh.
"Masakit kaya!" bulyaw ko sa kanya. Kung makasigaw ako parang hindi amo ang kaharap..
parang boyfriend lang. Hihihi chos!
"KAPAL MO, magpunas ka nga ng laway mo dali!" utos niya. Pinunasan ko naman ang laway kong kumalat sa kanang pisngi ko. Nakakahiya naman sa kanya.
"Nakakadiri ka, alam mo yun? Tss. Ohh" tinignan ko naman yung hawak niya. Isang itim na supot.
"Ano 'yan?" Takang tanong ko. Patuloy lang ako sa pagpunas ng aking laway. ano ba yan meron 'rin sa buhok ko, kainis!
"Diba nagugutom ka? Eh, 'di pagkain" sambit nito. Pagkain? As in pagkain pagkain? pagkain? pagkain? PAGKAIN? Tama na! OA kana!
"Kung ganun akin na pala" saad ko matapos kunin sa kanya ang supot. Ano kaya ito? Kung buksan mo kaya!? Tss manahimik ka brain huh.
Binuksan ko na ang supot at ang laman!? Hamburger at isa pang Hamburger? huh? bakit dalawa?
"Sayo pareho 'yan" sabi niya. Nagningning naman ang mga mata ko, talaga ba?
"Thank you master TAO!" pasasalamat ko muna sa kanya bago inumpisahan ang pagkain sa burger. Ang sarap! Mabubusog ang tiyan ko nito kahit paano.
"Tss. Parang bata" bulong niya bago bumungisngis. Natulala tuloy ako sa kanya. Ang gwapo mga friends!
"Laway mo" sambit niya habang nakangiti. Pinunasan ko ang laway na kakatulo lang. Ang baboy mo Dianara! Konting kahihiyan please.
**
End of chapter sevenayus ga? sorry sa typos.
hope you like it.
milmarcel
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.