thank you sa lahat ang nagbabasa ng storyang ito:)))
~~~
A VAMPIRES'GIRL
by milmarcelThird Person's POV
Pagod na pagod na isinandal ni Dianara ang kanyang sarili sa isang malaking puno. Kanina pa siyang nag-papaikot-ikot sa loob ng kagubatan ngunit hanggang ngayon hindi parin nito makita-kita ang tinahak na daan.
Nagdesisyon itong bumalik sa mansion dahil naalala niya na nasa lugar pala siya ng mga bampira, pero huli na ang lahat. Nakalimutan niya ang daan pabalik ng mansion kaya naligaw siya at nakulong sa malawak na gubat.
Napatingin si Dianara sa kalangitan, nagsisimula ng mag-agaw ang dilim at liwanag. Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa kaba.
"Nakakaasar! Bakit ba kasi lumabas pa ako!" asar na sabi nito sa kanyang sarili at napakamot na lamang sa kanyang leeg pero napahinto siya ng mapansing wala ang kanyang kwintas, muli niya itong kinapa ngunit wala talaga.
"Hindi maaaring mawala ang kwintas ko!" naiiyak na sabi niya.
Pinaliwanag sa kanya ng VampirEXO ang lahat-lahat tungkol sa kwintas at sa kanyang tinataglay na dugo. Sinabihan siya ng mga ito na huwag na huwag niyang huhubarin ang kwintas sapagkat maaari niya itong ikapahamak.
Naikwento 'rin ng mga ito sa kanya ang mga nangyaring hindi niya inakala, tulad nalang ng minsang may nakapasok na Bloodthirsty vampire sa mansion na muntik na siyang atakihin. Ganun 'rin nang sumugod ang mga colovent na aktwal naman niyang nasaksihan.
Halo-halong emosyon ang naramdaman niya sa mga oras na iyon. Hindi niya akalain na ganun na lamang ang ginawang pagliligtas sa kanya ng mga ito.
Kaya ngayon sobra siyang nagagalit sa kanyang sarili sapagkat inilagay niya ang kanyang sarili sa kapahamakan. Mawawalan tuloy ng saysay ang bawat pagtatanggol at pagmamalasakit na ginawa ng VampirEXO para sa kanya.
"Patawad sa inyo"
"Sorry for whom?" Agad nag-angat ng tingin ang dalaga sa nagsalita.
Nabato ito sa kanyang kinatatayuan.
Apat na magagandang babae ang nasa harapan niya ngayon at imbis na inggit ang maramdaman niya. Takot ang naghari sa kanyang dibdib sapagkat alam niya kung anong klaseng nilalang ang nasa harapan niya ngayon.
"Sino kayo!?" matapang na tanong ni Dianara.
"Hindi mo kami kilala?.. sa bagay TAO ka!"
"At hindi lang basta tao! kun'di isang espesyal na tao!"
Pinalibutan ng NUVO'S SISTER si Dianara, dahil dun lalong lumaki ang kaba nito sa kanyang dibdib.
Ang Nuvo's sister ay kilala bilang mga dayuhang bampira. Mga bampirang walang permanenteng tirahan na nanggaling pa sa kabilang bahagi ng mundo. Pinangungunahan ito ni NIRVANA SACCHIELLO ang pinaka panganay sa apat, leader at pinakamalakas, sumunod ay si URNA SACCHIELLO na sinundan ni VERONA SACCHIELLO at ang bunso ay si ORIANA SACCHIELLO.
Tunay na magaganda ang mga ito, ngunit naman ginagamit nila ang kanilang angking kagandahan para makapang biktima ng lalaki. Tao 'man o kapwa bampira at dahil don, nakilala sa lahi ng mga bampira ang NUVO's sister.
"Sa tagal naming paglalakbay.."
sambit ni Nirvana. Hinawakan nito ang mahabang buhok ni Dianara at inamoy amoy pa ito."Dito lang pala namin matatagpuan ang nagtataglay ng Dalisay na Dugo." ngumiti ng pagkalaki-laki ang apat. Para silang tumama sa isang super grand lotto dahil sa pagkakatagpo kay Dianara.
"Anong pangalan mo?" tanong ni Verona.
"Hindi nyo na kailangan pang malaman kung ano ang pangalan ko" matapang na sagot ni Dianara kahit na sobra sobra na ang kabang nararamdaman niya sa kanyang dibdib.
"Matapang ka!" sigaw ni Oriana at sa isang iglap tumalsik si Dianara sa malayo at malakas na tumama sa isang malaking bato dahilan para magkaroon siya ng malaking sugat sa kanang braso kaya dumaloy ang masagana nitong dugo.
"Aggghhhhhh!!" ungol ng Nuvo's sister ng maamoy nila ang mabango at nakakatakam na dugo ni Dianara.
"Ako ang mauuna sa kanya!" sigaw ni Nirvana sa kanyang mga kapatid.
"Huwag kang sakim Nirvana!"
"URNA! Nakakalimutan mo ata na ako ang panganay satin! kaya AKIN SIYA!!" tumakbo na nga ito ng mabilis patungo sa pwesto ni Dianara,
ngunit mabilis itong napigilan ng kanyang mga kapatid kaya naudlot ang sabik na sabik na paglapit nito sa dalaga.Hinagis nila ng malakas si Nirvana sa malayong bahagi ng kagubatan. Pag-dating sa dugo nagiging ganid talaga ang magkakapatid. Tumingin ito kay Dianara.
"Akin ang dugo mo" parang nababaliw na sabi ni Urna.
"Wag kang sakim tulad ni Nirvana"
"Makakaasa kayo mga kapatid" sabi ni Urna. Muli nitong nilingon ang pwesto ni Dianara pero laking gulat ng mga ito ng makitang wala na si Dianara sa kanyang pwesto.
"Nakatakas siya!" sigaw ng tatlo bago mabilis na nagpalit ang mga ito sa anyong ibon na ubod na ubod ng sama.
Luhan
"Aaaaaggghggg!!! Humanda ka talaga sakin URNA! Makikita mo!"
Napalingon ako sa isang babaeng bampira hindi kalayuan ang pwesto mula saking kinatatayuan. Mukha itong napaaway dahil sa sugat nito sa kanyang mga braso.
"Tss. Ano bang pakialam ko sa isang 'to?" Bulong ko.
Akmang aalis na sana ako ng marinig ko ang mga salitang nakapagpatigil at sobrang nagpakaba sakin.
"Ako dapat ang mauna! Akin ang dalisay na dugo ng babaeng 'yon!" galit na galit na turan nito sa sarili.
Si Dianara! nasa panganib si Dianara!Lalapitan ko na sana ito pero bigla akong napahinto nang makita ko itong magpalit ng anyo mula sa pagiging isang normal na bampira bigla itongnaging isang panget at nakakatakot na ibon!
Hinanda ko ang aking sarili ng lumipad na 'to. Mabilis ko siyang sinundan. Hintayin mo ko Dianara. Parating na ako!
Tao
"Mas maganda siguro kung maghiwa-hiwalay tayo! nang sa ganun mas mabilis nating makita si Dianara" sabi ni Xiumin. Mababakas sa mukha nito ang matinding takot at kaba.
Pare-pareho kami ngayon na kinakabahan pero MAS kinakabahan ako. Simula ng malaman namin na wala siya sa kanyang kwarto alam kong malalagay sa panganib ang buhay ni Dianara. Pero hindi ko hahayaan mangyari 'yon. Hihiwalay na sana ako sa kanila ng biglang sumigaw si Suho.
"Hindi ito maaari!" napatingin ako sa bagay na hawak hawak niya..
Ang kwintas ni Dianara!
"AAAHHHHH!!!" Narinig namin ang umalingaw-ngaw na sigaw mula sa loob ng gubat. Hindi ako pwedeng magkamali! kay Dianara ang boses na 'yon!
Mabilis kong tinungo ang pinanggalingan ng sigaw..
Parating na ako.. ililigtas kita Dianara!
****
milmarcel.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.