A VAMPIRES' GIRL
by milmarcelSomeone's POV
"She's supposed to be dead."
Tahimik na nag-iisip ngayon ang labing isang Bampira sa isang silid ng kanilang mansion. Iniisip ng mga ito kung papaano nakapasok ang isang tao sa kanilang lugar. Gayung hindi na ito matatagpuan ng kahit sinumang tao at tanging mga bampira nalang ang maaari. Pinag-iisipan din nila sa mga oras na ito kung paano ito papatayin.
"Just kill her." saad ng isa sa kanila. Ngunit nagsi-iwasan lang ang mga ito nang tingin sa isa't-isa.
"Oh? bakit natahimik kayo?"
Walang sinuman ang tumugon sa kanila. Sa bagay sino ba naman bampira ang gugustuhing kumagat sa malibag na leeg ng dalagang ubod pa ng panget?
Kaya naman walang nagtangkang kumagat o umatake sa babaeng ito kanina ng makapasok ito sa lugar nilang mga bampira kahit takam na takam pa sila sa sariwang dugo nito.
"So, anong gagawin natin sa kanya?"
"Paalisin nalang natin siya dito kung ganun."
"Nakakalimutan mo ata na hindi na maaaring makalabas ang taong nakakapasok dito sating lugar."
Muli na naman tumahimik ang bawat isa.
Gaya nga ng sabi nila, walang sinuman na tao ang nakakaalis pa ng buhay sa lugar nilang mga bampira oras na makapasok na ang mga ito. Ngunit ang pinagtataka nila ay matagal ng sarado ang portal na kumokonekta sa mundo ng mga tao at sa mundo nilang mga bampira. Kaya nagtataka talaga sila kung paano nakapasok ang isang mortal na kagaya ni Dianara.
Hindi tuloy nila maiwasan ang mag-isip tungkol dito.
"Then.. Deal with her."
***
Dianara
Mag-tatatlong oras na akong nakaupo sa mahabang sofa dito salas ng mansion. Ngalay na ngalay na tuloy ang pwetan ko sa pag-upo. Kanina pang wala yung mga nag gwa-gwapuhan na may-ari ng mansion.
Hindi ko maiwasan ang kabahan at mapatanong ng paulit-ulit saking sarili kung may pagkakataon bang matanggap ako o walang pag-asa?
Pero sana. sana. sana. Sana naman ay tanggapin nila ako. Ayos lang naman sakin kahit maging yaya nilang lahat. Handa akong ipaglaba sila ng brief. Hihi
Inilibot ko nalang muli ang aking paningin sa kabuuan ng mansion. Kapansin-pansin talaga ang mga mamahaling gamit dito sa loob. Pero may napansin akong bagay na wala sa loob ng mansion na ito.
Litrato at salamin.
Kahit isang litrato wala akong nakikita. Kadalasan kasi sa mga ganitong mansion naglipana ang mga naglalakihang litrato, pero dito wala. Pati salamin wala 'rin. Pero sa kabilang banda, naisip ko na ayus lang ang walang salamin dahil ayaw kong makita ang pag-mumukha ko. Baka matakot din kasi ako kagaya ni siopao boy.
"She's so ugly."
Agad akong napalingon sa may hagdan ng marinig kong may nagsalita at tama naman ako dahil nakikita ko ng muli ang mga lalaking ubod at saksakan ng kagwapuhan.
Waahhhh ang gwapo! Sayang wala akong camera para selfie selfie with them. Naks!
Tumayo na ako mula saking pagkakaupo at inayos ang aking sarili. Kailangan maging maganda naman ako sa kanilang paningin. Pero agad akong nakarinig ng isa nanamang panglalait mula sa lalaking nakakabasa ata ng isip. Meron ba talaga nun?
"Oo na, panget na ako mr..."
"I'm Tao" pakilala nito. bigla akong natulala. Wow! Ang ganda ng pangalan, parang kay- ay teka! tanggap na kaya ako?
"Tanggap na ba ako bilang katulong nyo?" tanong ko. Sana matanggap ako dahil kung hindi, siguradong sa semento ako tutulog ngayong gabi at magiging palaboy nalang sa kalsada habang buhay. Panget na nga, palaboy pa. Saklap!
"Yeah.. tanggap ka na bilang--" agad nanlaki ang aking mga mata.
"Talaga!? Oh.my.buhay!!! "
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanilang pwesto. Nagtaka naman ako ng bigla silang nataranta. Teka, yayakapin ko lang naman sila dahil sa pagtanggap nila sakin pati pasasalamat narin. Swerte nga nila at makakayakap sila sa isang panget.
Pero biglang sumingga ang katangahan ko. Nadapa ako!
"Stupid" sambit nila pare-pareho
"Hehehe" tawa ko nalang saka nag peace sign. Sana kinaganda ko 'to.
***
end of chapter fourmilmarcel.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.