A VAMPIRES' GIRL
by milmarcel
Dianara
Kasalukuyan akong nagluluto nang makakain para saking tanghalian. Sobrang saya ko dahil meron na silang imbak na pagkain dito sa kusina as in kompleto na lahat. Hindi na ako magugutom. Pero nakakalungkot lang dahil para sakin lamang ang aking niluluto. Sabi kasi nila hindi 'raw sila kakain dahil ayaw nilang masira ang kanilang mga sexybody!
Sabi ko naman kanina hindi ako naniniwala. Pero halos mahimatay naman ako nang itaas nila isa-isa yung kanilang mga damit kaya naman kitang kita ko ang mga pandesal nila. edi sila na! hayy hindi tuloy nila ako matitikman -este yung niluluto ko pala. Haha!
Pero bakit ba sila ganun? nakakapagtampo lang kasi. Hindi ko pa sila nakikitang kumakain ng sabay-sabay. Tanging si Master Xiumin pa lang ang nakita kong kumain, yun ngalang puro siopao ang kinakain. Isa pa yang siopao na yan. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano naging kulay pula! Tss.
"Ay! saan ko ba kasi nakuha itong sugat ko sa kamay?" inis kong tanong saking sarili. Medyo nahihirapan kasi akong maghiwa ng gulay. Tinanong ko naman sila kung bakit ako may sugat, sabi nila hindi daw nila alam tapos nun hindi sila makatingin sakin. Kanina pa silang umaga sobra nilang weird. Parang may nangyari? tapos tanong pa sila ng tanong kung OK lang ako? ee? ay! ewan ang gulo ng abs nila este utak nila.
Napatingin naman ako sa pintuan ng kusina kung saan nakasilip ngayon si D.O? bakit kaya ito nakasilip? Nagtago naman ito ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, kakain ba siya? Agad akong lumapit sa may pinto. kung gulatin ko kaya?
"BOOOOO! " panggugulat ko at dahil dun muli ko na namang nasilayan ang paglaki ng kanyang mga mata. Hahaha ang cute talaga ni D.O kapag dumidilat na sobra ang kanyang mata. haha crush ko na tuloy siya.
"Grabe ka! alam mo bang hindi lang sigaw mo ang nakakagulat? pati 'yung mukha mo." OUCH! ang hard naman. tss! hindi ko na siya crush. Chos!
Napatingin ako kung saan siya nakatingin.
"Gusto mo? tamang tama sobra para sakin ang niluto ko-""Hindi, tinitignan ko lang kung paano magluto ang isang tao- ay mean ikaw pala." tao? aba! mukha ba akong hindi tao?
"Halika" paghila ko sa kanya "Gusto mo turuan kitang magluto?" tanong ko. Nakita ko namang kumislap ang kanyang mga mata. 'Yun pala ng kanyang nais. sus! Akala ko naman kaya sumisilip kanina dahil sumisilay na siya sakin. Haha!
"Mali, hindi ganyan, ganito." tinuruan ko siya kung paano ang tamang paghihiwa ng gulay. Pero hindi niya makuha makuha. Napatingin ako sa mukha ni kyungsoo nakakatuwa siyang tignan. Gustong-gusto niya ang ginawa namin. Pero napatigil ako sa paghanga sa kanyang ka-cute-tan ng makita kong nagdudugo na yung isa niyang daliri at kulay..
itim ang dugo niya? Nagtataka man saking nakikita, agad akong kumuha ng malinis na tela.
"D.O, yung daliri mo nagdudugo!" Saad ko habang patuloy sa paghahanap ng telang pwedeng ilagay sa kanyang sugat. At ng makakita na ako mabilis akong lumapit sa kanya.
"Akin na" sambit ko at kinuha ang kanyang kamay. Pero laking gulat ko ng wala na ang hiwa sa kanyang daliri
"Asan na yung sugat?" tanong ko pa habang inilalapit ko ang kanyang daliri saking mukha.
"Wala naman ee" sabi niya tapos inilapit pa niya lalo ang kanyang kamay saking mukha, hala! wala nga. Pero meron talaga akong nakita, tapos kulay itim pa-
BOOOOOGGGGGGGGGSSSSHHH!
Ano yon?
Mabilis kaming nagtungo ni D.O sa sala ng mansion pero walang tao roon. Napatingin naman ako sa basag na bintana, anong nangyari? bakit basag 'to? tapos yung pinto bukas. Napahinto ako saglit. BUKAS? lumabas sila? WOW!
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.