A VAMPIRES' GIRL
by milmarcelChapter Thirtyone
Baekhyun's POV
Isang malakas na suntok ang pinatama ni Tao sa isang puno. Marahil napuno na ito sa paghahanap ng lagusan na sinasabing daan patungo sa lugar kung nasaan si Dianara...at Luhan. Ang lalaking 'yun nagsosolo, hindi n'ya ba alam na masyadong mapanganib? Hindi basta basta si Dominiro. Alam namin ng pagiging tuso nito. At nangangamba kami para saming kaibigan.
"Saan natin matatagpuan ang lagusan na iyon!?" tanong ni Suho, kahit ako kanina pa nagiisip. Kanina pa kami dito sa gitna ng kagubatan. At wala man lang kaming makita na kahit ano.... wala na kasing ibang sinabi ang Nutella'ng iyon bukod sa lagusan.. yun lang.
"Tignan n'yo!" sigaw ni Kyungsoo at itinuro ang isang direksyon. Tumingin king lahat doon. Ang Lagusan! ito na ba 'yun?
tanging sa paglitaw lang ng buwan makikita ang Lagusan. bigla kong naalala ang binulong sa hangin nung babaeng 'yun.
Tumingin ako sa kalangitan, kitang-kita ko ngayon ang nangangalahating buwan.. Kung ganun ito ang ibig sabihin ni Nutella. Ang babaeng 'yun, kakaiba talaga.
Isa-isa kaming lumapit sa Lagusan na unti-unti ng nagiging malinaw na saming paningin. para itong isang malaking salamin.
"Ito na nga 'yun" rinig kong bulong ni Tao, agad itong pumasok kaya sumunod na kami..
"Parating na kami ..."
--------------
Luhan's POV
Bigla akong napahawak sa mga balikat ni Dianara. Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Dominiro.."..luhan" tawag sakin ni Dianara. Tumingin ako sa mga mata niya. Kahit anong mangyari ililigtas ko ang babaeng ito. Hindi na ako makapapayag na mapasakamay ulit s'ya ni Dominiro. Nginitian ko s'ya tanda na ayos lang ako.
Kahit nahihirapan na ako dahil sa kutsilyong nakabaon saking likuran. Hinarap ko parin si Dominiro na ngayon ay malaki ang ngisi sa mukha.
"..luhan.." rinig ko ng paghikbi ni Dianara.
"Kaya ko 'to, wag kang magalala" sabi ko..alam kong nagaalala s'ya sakin at sobrang masaya na ako sa bagay na 'yun.
"Matibay ka!"
"Para kay Dianara, OO. at lahat gagawin ko para mapatay ang mga katulad mong gustong gumawa ng masama sa kanya!" sigaw ko.. At mabilis akong sumugod sa kanya. Hinugot ko ang kutsilyong nakabaon saking likuran.
"Haha.. Ang mga kagaya mo ay walang binatbat sakin!"
Bigla itong nawala sa kanyang kinatatayuan. Nagulat nalang ako ng biglang may humampas saking likuran dahilan para bumagsak ako sa lupa ng padapa.
"Luhan!"
"Anong masasabi mo Dianara? Hahaha! Tignan mo kung paano ko papatayin ang mahinang bampira na 'to!" sigaw ni Dominiro at muli ko nanamang naramdaman ang patalim saking likuran.. Kahit bampira ako. Ramdam ko parin ang sakit. at hindi maganda 'yun.
"Tama na Dominiro! Wag mo s'yang saktan! Nagmamakaawa ako!!" sigaw ni Dianara. Kailangan kong tumayo dito.
Pinilit kong bumangon sa kinasasadlakan ko. Pero hindi ko magawa! Sh**! Napakawalang kwenta ko.
"Handa ka na bang masaksihan ang kamatayan ng lalaking mahal mo!?" tanong ni Dominiro. hindi ako papayag.
Third Person's POV
"HINDI!!!" malakas na sigaw ni Dianara. bumagsak s'yang nakaluhod sa lupa. hindi maaari! Rumagasa ang napakarami niyang luha. Ginawa ni Dominiro ang kanyang banta. Nagawa nitong patayin si Luhan na walang kahirap hirap.
Sa sobrang pagkabigla Hindi naman niya namalayan ang paglapit sa kanya ni Dominiro na agad s'yang hinawakan sa kamay at walang kagatol-gatol na binuhat sa ere.
"Ngayong wala na s'ya. Wala ng pipigil pa sakin!" nakangising sabi nito at tuluyan ng binitbit si Dianara. "Sa susunod na linggo na ang kabilugan ng buwan. siguradong mapapasakin na ang dugo mo!!" sigaw nito at tumawa na parang wala ng bukas.
Hindi n'ya naman napansin ang pagdating nila Tao na kanina na naguumipsa ng sumugod, kaya..
"'yun ang akala mo!" sigaw ni Xuimin matapos saksakin sa likod si Dominiro ng patalim na isinaksak kay luhan. bumagsak ito sa lupa.
Agad namang tinungo at inakay ni Tao si Dianara patayo. tulala parin ito dahil sa nangyari.
"Dianara ligtas kana" sambit ni Tao ..tumingin sa kanya ang dalaga pero nanatiling tahimik ito hanggang sa tumulo nanaman ang mga luha nito.
"tahan na ... Ako ito si Tao. Ligtas ka na" sabi nito at niyakap ng mahigpit ang dalaga. pero patuloy lang ito sa pagiyak.
"Tao...si Luhan..iligtas mo s'ya" nanginginig na sabi nito. Humiwalay si Tao mula sa pagkakayakap nito at tumingin naman sa iba na buhat na ang kawatawan ni Luhan na walang malay.
"L--l--uha--n" utal na bangit ni Dianara.. Tumingin ito kay Kris at kai na silang may buhat kay luhan..pero napayuko lang ang mga ito..gayon 'rin ang iba.
"H---hin--di !! Hin--di m-aaari!" sigaw nito. Pilit na pinakalma ni Tao, suho at sehun si Dianara pero patuloy parin ito sa pagiyak at pagsigaw.. Hindi n'ya mataggap at hindi siya makapaniwala na hahantong ang lahat sa ganito. Lalong lumakas ang pagiyak nito.
hanggang sa nawalan ito ng malay.
"DIANARA!!!!!!"
-------------
Hindi naman nila napansin ang pagdampot ng isang nilalang sa katawang lupa ni Dominiro.
"pagbabayaran n'yo ang lahat ng ito."
*********end of Chapter 31!
wahhhh!!! sorry kung ngayon lang nakapagUpdate. tapos ang lame lame pa. pagpasensyahan nyo na po ang chapter na ito.
ito lang ang kinaya ni milmarcel.na walang iba kundi si ako.
and bago po kayo mag react ..o magisip ng ano 'man dahil sa nangyari sa chapter na ito uhhmmn ...
abangan nyo na lang po sa next UD.
^^vPALIMOS PO ako ng VOTE at COMMENT kahit 'di ko deserve. pang pa-inspired lang po kulang kasi ang charm ni Crush. at
ADVANCE gift n'yo na sa nalalapit kong kaarawan.
thankyou.
_milmarcel.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampiriOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.