sa mga single diyan, magbasa nalang TAYO:))) haha
A VAMPIRES' GIRL by milmarcel
Someone's POV
Hindi ko inakalang hindi isang simpleng paglalaban lamang ang masasaksihan ko ngayong gabi, kun'di isang surpresa para sa isang katulad kong bampira.
Hahahahahah!
Siguradong matutuwa ang haring bampira sa aking ibabalita. Humanda kayo!
Mabilis akong lumayo sa lugar kung saan naro'on ang babaeng katangi-tangi. kailangan agad itong malaman ni Haring Dominiro.
".... humanda talaga kayong vampirEXO, lalong lalo ka na
..Dianara"
***
Dianara's POV
"Nagawa ko"
Hindi ko inakalang magagawa ko ang bagay na 'yun. Na makakatapos ng buhay ang mga inosente kong kamay.
Tama lang naman ang ginawa ko diba? Iniligtas ko lamang ang aking sarili sa kapahamakan, ganun 'din ang aking mga kaibigan."Dianara.."
Napatingin ako sa tumawag ng aking pangalan si Sehun.. mabilis akong lumapit dito at yumakap sa kanya ng mahigpit. Natatakot ako.
"Dianara.." bulong niya, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko magawang kontrolin ang panginginig ng buo kong katawan. pagod na pagod na 'rin ako kaya kailangan ko ng masasandalan, kahit ngayon lang.
"Sehun bakit kayo magkayakap ni Dianara?" rinig kong tanong ni Xiumin. Gusto ko itong sagutin pero wala na akong sapat na lakas para sumagot pa. Umiikot narin ang paningin ko.
"H-indi ko alam" sagot ni sehun.
"SEHUN!!" Malakas na sigaw ng dalawang boses. Dalawang napaka pamilyar na boses sa aking pandinig. Parang galit ang mga ito. Gusto ko man silang lingunin pero hindi ko talaga magawa, feeling ko matutumba ako kahit anong oras kapag gumalaw ako saking kinatatayuan.
"Dianara" sabay na tawag ni luhan at tao saking pangalan, ramdam ko ang pag-aalala nila sakin kaya pinilit ko ang aking sariling kumalas sa pag-kakayakap ko mula kay sehun.
Unti-unti at dahan-dahan pero hindi ko pa tuluyang nai-aalis ang aking mga braso sa balikat ni sehun, nagdilim bigla ang aking paningin. Hindi ko na talaga kaya. Babagsak na ang katawan ko.
pero bago mangyari ang pag-bagsak ko, ilang kamay ang naramdaman kong sumambot sakin.
"DIANARA!"
***
Xiumin's POV
Nandidito ako ngayon sa paanan ng kama ni Dianara habang nasa magkabilang gilid naman sila luhan at tao na parehong mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Dana bebe ko.
Sabi ko sa kanila kanina, ako naman ang hahawak sa kamay nito pero tinignan lamang nila ako pareho ng masama, at ang sabi pa 'yung paa raw ni dianara ang hawakan ko pero ng hahawakan ko na ito bigla nilang sinabi na huwag ko 'raw hahawakan. Ano ba talagang totoo!? Bakit ang damot nila!? Sila lang ba ang may karapatan kay Dana bebe ko!? Sila lang ba ang laman ng puso nito!? Paano kung ako pala 'di pahiya sila sakin? Tss.
Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto ni Dianara. Nandito pala kaming lahat. Nakatunghay sa walang malay na Dana bebe ko..
Maliban lang kay sehun na tulala parin hanggang ngayon. Kanina pa ang sehun na 'to. Mula ng mawalan ng malay si dianara natulala na. Parang na-rape kung makatulala.
BINABASA MO ANG
A Vampires' Girl (Editing)
VampireOne precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang maaaring magmay-ari sa kanya.