Attention ♥️

4.2K 78 29
                                    

A/N: today is....    December 25, 2020.
And 11:25pm

hello guys good evening... Actually almost midnight na talaga and I am still not too late to greet you all my fellow readers and followers a very very merry merry Christmas and prosperous new year to everyone. Sana nasa mabuting kalagayan ang lahat kasama ang mga mahal natin sa buhay kahit na nasa gitna tayo ng malaking pagsubok ngayong taon. Sana nag-iingat po kayong lahat.. Nawa'y pagpalain po kayo ngayong araw ng pasko. Actually, I don't celebrate Christmas at all kaya natulog lang ako kagabi. And today, wala lang tinatamad lang si author kasi maulan ngayong araw na 'to pero pumunta pa rin ako sa city together with my father dear to buy him some gifts hehehe actually, something na maisusuot niya next year.

Wala na sana eh, tatamarin na sana akong mag-update dahil busy ang utak ko ngayong mga buwan kaso simula ng magawa ko ang account na ito and started my very first ever story na "Friendship or relationship: Trevor and Odi" ay kasama ko na kayo at nagsusuporta po kayo at patuloy pa rin kayong nagbabasa kahit na delay na ang story kong ito, gusto ko lang ibahagi sa inyo mahal kong readers and followers na si author @missjaysa ay sasabihin na nating magse-settle down na sa jowa kong mahal. He is my long time boyfriend since 2012 and gladly, by 2021 ay magpapakasal na kami. If only I could invite you all pero simpleng kasalan lang naman. Uy nga pala ah, hindi po ako buntis kaya magpapakasal. Hindi po ako kagaya ng mga stories ko na may involved na mga babies. May sariling author din ang buhay ko.

Celebrate with us on February 06, 2021 sana ay may makaalala. Mahal na mahal ko kayo kaya double celebration po tayo ngayon. My gift for your Holidays and for my advance wedding celebration. Kaya as a simple gift from me, Bukas, e.publish ko na ang chapter 27 and hopefully last chapter na ang 28. Sinadya ko lang habaan kada chapter para madaling matapos hehehe. Sobrang haba ng attention ko. I love you all.

Ingat po tayo palagi ha.

Desperate Plea (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon