5

9.5K 277 9
                                    

Namamaga ang mata ko pagising ko kinaumagahan. Walang bakas na dito natulog si Karlos kagabi dahil hindi nagusot ang bahaging yun ng hinihigaan niya. Nasaktan ako dahil itinulak ako nito kagabi na parang nakakadiri ako. Alam ko sobra ko ng pabebe pero ano na eh. Feeling ko na talaga na yun na yun. Hindi ko alam bakit ba ganito ako. Wala ba talaga siyang pagtingin sa akin kahit kunti.

"Ang saklap naman ng buhay mo Annabelle."

Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maligo. Doon binasa ko ang sarili ko ng maligamgam na  tubig. Nakakahiya ang ginawa ko kagabi at wala akong maipamukha kay Karlos dahil sa sobrang kahihiyan. Pero kung palagi akong mahihiya ay talagang hindi ako bebenta. Malapit na akong lalampas sa kaledaryo. Isang taon na lang at burado na ang edad ko sa kalendaryo. Kahit magkaanak man lang ako. Kahit walang ama. No, I must stop this. Hindi ko na alam bakit bumaba ang uri ko dahil lang sa simula na ginusto ko si Nic at nahulog ang loob ko sa club owner ng Scenario dahil lang sa tumataas na ang edad ko. Ilang beses akong ipinagtulakan pero hindi ako umalis dahil lang gusto ko siya ng sobra. Kahit ilang beses kong nahuli na may kalaro ito sa kama ay hindi ako tumigil. Nababaliw na ba ako? Mahal ko nga siguro si Karlos at ayoko talaga siyang iwan kahit ano pang mangyari. Ganito ba ang epekto sa pagbabasa ng mga love stories? Napailing ako.
Pero ang sarap niyang magdala kagabi. I swear, sa kanya ko talaga ibibigay ang unang karanasan ko at least, hindi payatot at sa taong mahal ko pA. Muscles-muscles pa.

Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko sa labas ng silid si Karlos na natutulog sa mahabang sofa. Nagmulat ito at tumingin sa akin. Poker face. 😶😶😶😶

"Magluluto ako, anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya. Bumangon lang ito at tahimik na pumasok sa loob at nakakabingi pang isinara nito ang pintuan. Nahiya ako dahil may nakakita sa amin.

Balak kong pumasok ulit pero naka-lock yun. Bumaba na lang ako at pumunta sa kusina. Baka inaantok nga yun dahil hindi siguro natutulog kagabi.

Doon nagluluto ako ng ginisang kanin.

"Aalis si Sir, hindi ka ba sasama?" Tanong sa akin ng waiter nang pumasok ito sa kusina....

"Huh? Siyempre sasama. Saan ba siya pupunta?"

"Hindi ko alam. Ayon lumabas na si Sir."

Dali-dali akong lumabas ng kusina at hindi ko na naabutan si Karlos. Nakakainis naman.

"Girlfriend ka ba ni Sir?" Tanong ng isang waiter nang bumalik ako sa kusina.

"Girlfriend to be pa lang." Sagot ko sa kanya. Sinabi ko na kay Karlos na gusto ko siya. Ang mga bagay na hindi ko nasabi noon kay Nic. Nasabi ko na ngayon sa taong gusto ko na talaga. Noon nagka-crush lang ako dahil sa mabait si Nic pero iba na ngayon. Na love at first sight ako kay Karlos. Natatawa pa ako, sa tuwing naisip ko si Nic, nakakatawa, hindi kasi ganito ako ka-inlove noon kay Nic. Kakaiba talaga ang dating ni Karlos.

"Uwi muna ako saglit sa condo ko ha?"

"Sige. Babalik ka ba dito?"

"Oo naman."

Dali-dali kong kinuha ang wallet ko at pumara ng taxi. Nasasaktan ako, gusto ko munang mag-isip. Ayaw niya ba talaga sa akin?

Hindi naman niya sinabi sa akin na pangit ako. Malapit ng matapos ang leave ko at talunan pa rin ako.

        ___________

Ano bang nangyari sa akin. Hindi ako pinatulog ni Annabelle kagabi. Kung papasok ako sa silid kagabi ay malamang na hindi ko din siya patutulugin at yun ang iniiwasan ko. Bukambibig nito palagi na mahal niya ako. Baliwala yun sa akin dahil hindi naman totoo ang mga pinagsasabi nito at ayokong umasa siya sa akin. Paniguradong gusto lang nitong mag-move on kaya sinabing gusto niya ako.

Desperate Plea (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon