Chapter 26

5.4K 170 10
                                        

Buong araw, wala akong ganang magtrabaho dito sa hospital and I tried my best to focus during check ups but I am still gloomy. Ni text mula kay Karlos din ay wala akong natanggap kaya lalong nag-alboroto ang isip ko kahit araw-araw namang may text si Karlos sa akin. Kahit anong cheer up ko sa sarili ko na baka pinag.tripan lang ako ay hindi pa rin mawala sa isip ko na baka totoo ang mga mensahe na yun.

tok tok tok

Napaangat ang tingin ko sa panauhin at nanlaki ang mga mata ko dahil Sobrang tagal na ng huli ko siyang makita kaya napangiti ako sa tuwa.

"Hi. Busy?" ngiting bati niya.

"Jake, hi. How are you? Sobrang tagal na nung huli tayong magkita ah. I miss you." napatayo ako at sinalubong ko siya at nakipag-beso sa kanya.

"I'm great. Naging busy lang ang linya ko kaya hindi na ako nakadalaw sa kaibigan ko. I miss you too." Ngiting sabi niya with matching freshness all over his face pero bet ko pa rin si Karlos. Oh that man. May ikaklaro lang ako.

"Come on. Have a seat."

"thanks. How are you? Ang blooming natin ngayon ah."

Napangiti ako sa sinasabi niya. That's him dahil dati pa ay mahilig na itong pumuri.

"Thanks."

"How's Freia Vida, Anna?"
napangiti ako dahil Hanggang ngayon ay Freia Vida pa rin ang tawag niya kay Rohi kahit sinabi ko na sa kanya na Rohi ang pangalan ng anak ko. Wait, bakit nga ba naging Freia Vida si Rohi?? Freia Vida meaning cold life, dahil nung pinanganak ko si Rohi noon ay hindi ito umiiyak and not as a doctor but a mother ay nilukob ako ng takot. She was silent and cold as dead kaya pinalo siya ng pinalo ng doctor sa puwit at ako bilang ina ay iyak na inaawat ko ang doctor dahil sinaktan nito ang anak ko which actually nagawa ko naman yun sa totoo lang sa ibang ina kapag walang imik ang bata paglabas nito. Nung sinabi ko namang isusumbong ko ang doctor sa ama ng anak ko ay saka pa pumalahaw ng iyak si Rohi. See kung gaano ka daddy's girl ang baby ko? Hindi naman makakaintindi ang doktor ko noon kaya minura ko siya nang minura pero nagpapasalamat pa rin ako dahil ginawa rin naman niya yun as a doctor. And she loves Rohi, and was dearly loved kaya naging Jedidiah Rohi ang anak ko.

"She's fine. Medyo marami na rin siyang natutunang salita."

"Wow nakaka-proud naman. Mind if I visit Vida sometimes?"

"You should visit Jake. Baka mamaya niyan makalimutan ka niya dahil hindi ka na nagpapakita."

"Yeah. Miss na miss ko na si Vida. Marami akong pasalubong sa kanya pero hindi ko dala dahil wala sa isip ko na dadaan dito. Maybe, dadalhin ko na lang sa bahay mo."

"ah. Tama, do you happened to know Ailyn? hindi ko alam yung apleyido pero Secretary siya ni Karlos."

nangunot ang noo nito sa tanong ko.

"why?"

"Sabi kasi ni yaya nakita niya yung kotse mo na sinasakyan ni Ailyn nung pumunta ito minsan sa bahay and yaya happened to see your car. Kaya nagtatanong lang ako."

"Ah. Ganun ba? No Anna. Hindi ko kilala si Ailyn. Baka nagkataon lang na pareho kami ng sasakyan ng sinasakyan nito. Kung pumunta man ako doon ay sana ay pumasok na ako para makita ko si Vida."

Napatango ako sa sagot ni Jake. May punto naman siya. Jake is not a stranger.

"Kumusta na kayo ni Karlos? Oh anyway, narinig ko nga pala ang proposal niya. Congratulations sa inyo, my friend. I am happy for you kahit alam kong wala na talaga akong chance."

Natigilan ako sa sinasabi ni Jake. I feel sorry for him at guilty po ako dahil sa ginawa ko siyang panakip butas noon.  Hindi ko naman masabi sa kanya na hindi kami okay ni Karlos dahil baka napagtripan lang ako ng nagtext sa akin.

Desperate Plea (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon