2

12.6K 272 3
                                    

Sobrang bigat ng ulo ko kinaumagahan. Hindi ako nahihilo dahil nilalagnat kundi nahilo ako dahil sa hangover. I scan the room and notice na hindi ito ang room ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil May lalaki sa sofa. I scan myself, may suot pa naman ako at naka-gown pa rin ako. Meaning walang ginawa ang lalaki na yan.

Ang gwapo niyang tingnan though hindi ko siya kilala. Malaya ko siyang natitigan ng husto. Para itong diyos na natutulog na walang damit sa pang-itaas. Ang sexy ng katawan nito. Para siyang model ng mga brief At para siyang katawan ni James Dorman.

Bumangon ako at siya namang pagising nito. Nangunot ang noo nito nang makita ako.

"Buti naman at gising ka na. You're giving me a backache, you know that?" Strikto ang pagkakasabi nito.

"I like sleeping in bed."

"Then go home. That's not your bed."

"Can I stay here?"

"No. Umalis ka nga diyan. Umuwi ka na."

"Pwedeng maligo?"

"Kawawa ka naman. Gutom ka din ba? Kumain ka sa kusina, may pagkain dun at hiramin mo ang mga gamit ko diyan. Yan ba ang gusto mong sabihin ko? No way, umuwi ka na. I don't want a woman in my room."

Striktong sabi nito.

"Peke yung babaeng kinantot mo kagabi?"

Pero tinaasan lang ako ng kilay nito. And I found it so sexy.

"Get out."

Imbes na kumilos ako ay nagtalukbong ako ng kumot, masakit pa rin ang ulo ko at wala akong balak pumasok sa trabaho dahil andun si Nic.

"I said get out!" Bigla nitong kinuha ang kumot at sumigaw.

Seriously, isip bata ba itong kasama ko?

"Seriously, masakit ang ulo ko. Matulog ka kung gusto mo basta hindi ako aalis. Ayokong pumunta sa trabaho dahil andun si Nic at naiinis pa rin ako sa kanya, sobrang sakit ng puso ko ngayon. Kaya pwede ba be considerate to others naman?" Sabi ko sa kanya. Wala akong pakialam kung iiyak ako sa harapan niya. Total I'm in a total mess right now.

His face went blank and heaved a sigh.

"Babayaran ko lahat ng nagastos at gagastusin ko. Gusto ko malapit lang ako sa alak dahil nasasaktan ako. Can you understand that? Anyway, hindi ako magbuhay prinsesa dito. I will work for you."

"Yan ang napapala sa mga taong nainlove ng walang kwenta." Sabi nito at itinapon ang kumot sa mukha ko at lumabas.

Totoo ang rason ko. Sobra kong broken hearted at sobra akong lugmok ngayon. I HATE YOU NIC BUT I STILL LOVE YOU. Pinahid ko ang over acting kong luha at inisip ang mga panahon na iniimagine ko si Nic at posibleng magiging kami.

"Don't tell me, matutulog ka lang? Kumilos ka na, kahit umaga ay may pumunta dito."

Bumangon ulit ako at pinandilatan ko siya ng mata. Hindi ba niya nakikita na nasasaktan ako ngayon? Gusto kong magmoment at gusto kong uminom.

"Pahiram ng kotse."

"Here. May susi ako at pwede mong hiramin ang isa sa mga kotse ko o pwede mong gamitin ang mga bigbike ko basta ingatan mo lang, kahit hindi kita kilala, pero naaawa ako sa hitsura mo ngayon dahil broken hearted ka." Napangiti ako sa concern niya..

"Yun ba ang gusto mong sabihin ko? For your information wala akong pakialam kung uuwi kang maglakad. I don't want to know you anyway."

Nalugmok ako sa sinabi niya. Ang masasabi ko ay strikto syang lalaki. Bweset.

Desperate Plea (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon