***21

7.7K 222 34
                                        

❎🚫🚫🚫🙅‍♂️🙅‍♂️ Rated-18

Anna:

Pagkatapos kong malaman ang nangyari ay ayoko na yatang lumabas pa sa sariling silid ko. Ok lang yun sabi ko sa sarili ko at pilit pa rin akong tinutukso ng sariling utak ko na nakakahiya ang ginawa ko.

Ok fine at least man lang nag.private kami di ba? Ilang beses bang umakyat-baba yung lift at talagang napaka-immoral ng ginawa namin ni Karlos. May mukha pa ba akong ihaharap sa mga tao dito sa ospital?

Pero nag-enjoy naman ako ah.

Aaaaahhh.

"Hey hot and intimate kiss' doctor, hindi ka ba magla-lunch?" It was Kevin at naka-plaster pa rin ang ngiti nitong nanunukso.

"Wala akong gana. Nahihiya akong lumabas alam mo yun."

"Move on ka na. At least nangyari yun. Be proud of it. Kahit ako nga at si Minerva ang gagawa nun ay wala akong pakialam sa mga taong nanunuod...at least kayong dalawa at hindi si Jocelyn di ba?"

"Ginagalit mo ba ako?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa panunukso nito.

"Nope. Hand's up. I am just encouraging you, you know. Masaya lang ako dahil nag.take courage po ang matapang kong kaibigan."

"Baka masuspend nga ako."

"Who cares? Then go home and make another baby bilang birthday gift mo sa kaibigan ko." Napatingin ako sa kanya. Kanina sinasabi ni Karlos best gift ever ko daw yun kay Karlos ngayon naman may gift na naman akong narinig.

"Huh? Kailan ba birthday ng kaibigan mo?" Curious kong tanong baka naman kasi at pagtawanan lang ako ni Kevin. Loko pa naman ang lalaking ito.

"Seryoso ka ba sa tanong mong yan? As in wala kang alam na birthday niya ngayon o nagmaang-maangan ka na naman?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatayo.

"Kevin hindi ka ba nagbibiro?"

"Bakit naman ako magbibiro? Ano namang makukuha ko?"

"Can I... Can I take my half day absent today?" Napatayo ako at kinuha ang hand bag ko para uuwi na ako. I know Kevin, very supportive friend ko ito. Kinuha ko na rin ang jacket ko.

"No."

Natigilan ako sa ginawa ko at pinandilatan ko si Kevin.

"Kevin!!! Kevin naman eh."

"Bukas ka pa uuwi di ba? Are you suspended today?"

" Please. Hindi ko naman kasi alam na birthday niya ngayon. If I just know syempre hindi ako magpapakita."

"I don't care. A resident doctor should not behave like that."

"Ok fine." Umupo ako ulit at nag-dial sa cellphone ko. Ngiting panalo si Kevin ngayon. Hmp, as if wala akong alas.

"Kevin anong oras ka uuwi mamaya."

He looks on his watch. "Six."

Tumango-tango lang ako. Let's see.

"Oh it's me. May time ka ba mamayang gabi?" Napatingin ako kay Kevin at ang loko ay binilatan lang ako.

"Punta tayong Scenario. May ipakilala ako sayong super hot guy. Mas hot pa kay Kevin ya know. What do you think?"

Hindi ko pa narinig ang sagot ni Minerva ay biglang lumipad ang cellphone ko sa ere.

"Mhie, wag kang paloko sa babaeng ito. Isusumbong kita kay MJ.."

Desperate Plea (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon